— 8 —
Against sa school rules ang pagpi-piercings. 'Yun nga lang, hindi lahat ng rules ay naa-apply pagdating sa mga estudyante na kabilang sa Music Department, like Rios. So, he easily got away with it.
Ayon mismo sa president ng department nila, wala raw kinalaman ang appearance sa pagiging mabuting estudyante ng isang bata. Without following some rules, they can freely express their selves, daw. I mean, I sort of agree naman.
Pero, para sa mga katulad ko na nasa Art Department, we have to follow the rules pa rin. Yung page-express daw kasi namin ay nasa mga artworks, hindi sa itsura.
Oo nga pala, by the end of the first quarter of this semester, kailangan maka-submit na ako ng isang art work. But the problem is, wala pa akong inspiration.
Pagkatapos kong maghapunan kanina ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para simulan ang pag-sketch ng kung anu-anong bagay na pumapasok sa imahinasyon ko. Magha-hating gabi na, and I still haven't decided yet. 'Di ko alam kung ano ba ang magsisilbing subject ng art ko.
Makalipas ang ilang minuto na nakatulala lang, I closed my sketch book at pinatong ito sa taas ng mesa. I give up! Anyways, I still have a month or so naman para gawin 'yun. I shouldn't stress myself out.
Medyo na-dehydrate ako sa kakaisip kaya lumabas ako ng dorm room ko at pumunta sa lounge kung saan may water dispenser. Madilim ang hallway at hagdanan. Tahimik din ang paligid, except sa mga ingay ng kuliglig sa labas.
Unfortunately, wala akong dalang flashlight kaya marahan at maingat akong bumaba ng hagdan. Hindi naman talaga ganon kadilim. May pumapasok ding ilang sinag ng ilaw galing sa labas.
Nang makarating na ako sa lounge, agad akong pumunta sa may water dispenser. Kumuha ako ng isang styro cup at excited na pinindot ang button para sa malamig na tubig.
Pero walang lumabas. Kahit isang patak man lang. Nilapitan ko ang malaking galon and damn it to all hell! Walang laman! Dyusko lord. Uhaw na uhaw na ako. Feel ko nga, parang Sahara Desert na 'tong dila ko, eh.
"Tubig?" Tanong ng boses ng isang lalaki.
I turned around and saw Achilles, na nakaupo sa sahig. Naka-pajama at plain white tee shirt lang siya. May hawak siyang novel at maliit na flashlight. He was also wearing a pair of reading glasses.
And now, he wears eyeglasses too?
"Huh?" Sabi ko sa kanya na parang tanga.
"Tubig." Pag-uulit niya sa sinabi niya at saka inabot sa akin ang isang bottled water. Grabe rin 'tong lalaki na 'to, 'no? Ang tipid magsalita. Hindi naman siya ganito dati.
Kinuha ko ang water bottle mula sa kanya at sinabi ng pabulong, "Thanks." He didn't responded and just rolled his eyes, bago niya sinimulan ulit ang pagbabasa.
Naka-seal pa ang water bottle kaya ganon na lang ang hirap ko sa pagbukas nito. Bakit ba kasi masyadong sealed ang mga bote ng tubig? Nabu-bwiset ako sa mga factory kung saan mina-manufacture ang mag 'to! It's giving me a hard time. Linagyan ba 'to ng glue?!
Twist dito. Twist doon. Kagat dito. Kagat doon. Pero ayaw talaga bumigay nung lid, eh.
"Akin na." Biglang sabi ni Achilles na kinagulat ko. Hindi niya na hinintay ang sagot ko at agad na binuksan ang bottled water para sa akin. It only took him one twist. One!
Namula ang pisngi ko sa hiya. Hindi ko alam na ganito pala ako ka-weak.
"Oh." Sabi niya nang ibinalik niya na sa akin ang bottled water. Tumango lang ako and took it from his grasp. But he didn't let go of it. Kaya tiningnan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Hindi Nagkatuluyan Sa Huli
Teen FictionNaka-move on ka na ba talaga? Eh, paano kung bumalik si first love?