Author's Note: This chapter is dedicated to ImACometH for being very very supportive.
Also, there are a few profanities (bad words) ahead.
— 6 —
Na-late ako ng gising.
Kaya paglabas ko ng dorm room ko, wala na kahit ni isang tao sa building namin. Kahit si Mama G wala na rin. They've all left for breakfast.
Lalabas na sana ako nang ma-realize ko na umuulan pala ng napakalas. Wala akong payong at wala ring spare ang available. Kaya umupo na lang ako sa may doorway at hinintay ang pagtila ng ulan.
Naalala ko ang usapan namin ni Tabs kagabi, yung tungkol kina Achilles at Rios. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung mahal ko pa ba si Achilles o nasanay lang ako na mahalin siya. But it was 3 years ago. Ayoko ring isipin na ginamit ko lang si Rios to mend and heal myself. Hindi yun makatao.
Pero baka yun nga ang ginagawa ko. Baka ginagamit ko lang talaga si Rios and I am unaware of it. Kung ito man ang katotohanan, ayokong tanggapin.
Sinabunutan ko ang sarili ko habang paulit-ulit na binubulong sa sarili ko na, "Naguguluhan ako." For the first time, naintindihan ko na kung bakit may kanta that goes like this, "mahal ko o mahal ako".
Suddenly, I felt someone's presence beside me.
"Halika na." Sabi niya, in monotone, habang binubuksan ang dala niyang payong.
I looked up. It was Achilles.
Bakas sa mga mata niya ang pagka-puyat at medyo namumutla din siya. Ano kaya ang ginawa nito kagabi?
"No, thanks. I'm good." Sagot ko naman.
"Okay." Walang emosyon niyang sabi.
Bago pa siya makaalis, tumayo ako at buong tapang na sinabi, "Yung access card ko. Pwede pakibalik?" Labag sa kalooban ko na maging cold sa kanya. Pero kailangan. Ayokong ma-sense niya na na-miss ko siya ng sobra at kung ano man ang meron kami nung ayos pa ang lahat.
Hindi siya nagsalita pero he obeyed. Kinuha niya mula sa bulsa niya yung card at saka inabot sa akin. At yun ang sandali na napansin ko ang kamay niya na nanginginig.
Is he doing drugs?!
"Thanks." Nang makuha ko na ang access card ko. Tumango lang siya bago siya naglakad palabas ng building.
Tiningnan ko si Achilles na naglalakad mag-isa sa ulan. Bigla kong naalala yung high school days namin. Dati, sa tuwing umuulan, kahit may dala pa kaming payong sa bag, mas pinipili pa rin naming magtampisaw sa ulan. Masaya daw kasi, sabi niya.
Pero mahina ang resistensiya ni Achilles, kaya nilalagnat siya every time he plays under the rain. At kahit ganon ang epekto sa kanya, ginagawa niya pa rin kasi nakakapagpasaya ito sa kanya. Walang katumbas ang mga ngiti niya kapag naglalaro kami sa ulan.
Gusto kong tanungin kung okay lang ba siya. Kung bakit siya namumutla. Kung anong nangyari sa kanya nung hindi na kami magkasama.
Gusto kong tanungin sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari 3 years ago.
Pero sa ngayon, di ko pa kaya.
Achilles Salovara's Point of View
"Achilles." Narinig kong sabi niya nung hindi pa ako nakakalayo.
Gusto kong tumuloy sa paglalakad, pero ewan ko ba. Pinahinto ako ng brain ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Nagkatuluyan Sa Huli
Novela JuvenilNaka-move on ka na ba talaga? Eh, paano kung bumalik si first love?