"MICHIEEEEE! GUMISING KA NA! UMAGANG UMAGA NA, NAKA HANDA NA YUNG PAG KAIN DITO, DI NA KUMUKULO YUNG MANTIKA, SUMIKAT NA ANG ARAW TULOG KA PA DIN! DAIG KA PA NI SHAI PATI ALDEA! ANO BA! GUMISING KA NA JAN AT MALALATE KANA-------" ratrat ng kasama ko sa bahay.
TSS. akala niyo nanay ko? well, parang ganun. Dinaig pa niya si mommy sa kakasermon. Tuwing umaga nalang ganyan, mas nauuna pang mag alarm bibig niya kaysa sa cellphone ko. Kababaeng tao parang may megaphone na nalunok.
Ayoko pa bumangon dahil maaga pa. Alas otso pa lang ng umaga, OO para sa akin maaga pa yun! mamayang eleven pa ang pasok ko sa school. Wala kasi kaming prof ngayon sa first subject kaya mamayang eleven pa pasok namin. Inexplain ko na kay----
"MICHIE ANO BA?! DI KA BABANGON O GUSTO MONG TAWAGIN KO DITO SI ZAPT!"
Zapt? sinong Zapt? ano yun zapt-zapt? Zapt? hmmmmm.
.
.
.
.
SHET SI ZAPT! as soon as i remembered that name I immediately ---- teka bat ba ako nag eenglish?! ohwell papel, si Zapt lang naman ay... hmmm. boyfriend? naaah Di pa daw siya ready. Ka MU? HIndi din, conservative siya eh. Ama ng anak ko? teka.. may anak ba ako. oh well SANA! hahah aga ang landi ko eh--
"ANO BA? TRAGIS NAMAN ALTHEA MICHIE CONCEPCION! BABANGON O BABANGON?!"
"HETO NA BABANGON NA, ATAT LANG?! NANGANGATI PUWET MO DAY?!" Pabiro ko pero alam kong umuusok na tumbong ng babaeng toh.
Siyempre naligo muna ako bago bumaba noh, kahiya naman kasi andun mga pinsan at kapatid ko diba.
OO nga pala, yung babaeng nasigaw na parang loka loka doon kanina ay si Andrea. Siya ang pinakamatanda sa amin dito sa bahay na toh. College na kami at nakabukod na kami sa mga parents namin. Itong bahay na ito ay bahay namin, actually kela mommy ito. Pero dahil malapit lang naman sa school namin ito ay pinaubaya muna niya sa amin itong bahay na 'toh.
"Aba ate althe---- I mean ate michie bumangon ka na rin. Akala namin nilamon ka na ng kama mo eh" Bungad na Goodmorning message sa kin ni shai. Imbes maines ako ay natuwa pa ako sa kanya, paano ba naman kasi, siya ang pinaka bunso sa amin. Ang puti niya, tapos medyo curly pa yung hair, ang liit pa di halatang first year college eh. Sa sobrang gigil ko di ko namalayan na pinipisil ko na pala yung cheeks niya. ANG CUTE KASI!
"ATE! Masakit yun ah! dahil dyan ililibre mo ako ng ice cream! YEHEEEY ILILIBRE AKO NG ATE KOOOO"
Yun nga lang ang problema -__- ISIP BATA SIYA.
"Itigil niyo na yan. At ikaw michie kumaen ka na." Sabi ni mami, I mean ni Andrea ang matandang dalagang natuyo ang obaryo dahil naniniwalang may mr. Perfect.
"Ate, may regla nanaman si ate andrea, pag pasenciahan mo na ah" Bulog ni Shai.
"Tunigil ka Shai, narinig ko yun." Sabat naman ni manang este ni Andrea, Lakas talaga ng pandinig nito. Tumahimik naman si Shai at sinimulang ipagpatuloy ang pagkaen niya ng almusal. Parang sobrang tahimik.
"Asan si Aldea?" Pagtatanong ko. Bihira lang kasi umalis yun ng maaga. Atska alam ko mamayang hapon din yung pasok niya, nakakapagtaka lang at ang aga niya ngayon.
"Ah. oo nga pala. PInapasabi niya na mauuna daw siya kasi dadaan pa daw siya sa mall. May date siguro. Alam mo naman yun" Sagot ni Andrea naman may halong sarcasm.
Sabagay, sino bang baliw ang hindi magkakagusto sa kapatid ko. Matalino, mabaet at ang hinhin pa. Bonus nalang yung pagiging maganda niya. Hayst. ALDEA MARIE CONCEPCION, sino ba ang tatanggi jan. Pangalan palang ang ganda na diba? Kaya nga lagi kaming pinagkukumpara eh. Pero siyempre lagi siya panalo.

BINABASA MO ANG
My stupidity about love(one-shots)
Short Story"Hatred paralyzes life; Love releases it. Hatred confuses life; Love harmonize it. Hatred darkens life; Love illuminates it" -- Martin Luther King, Jr. Story of different kinds of love, different kinds of people and different kinds of sacrifices. A...