HI ATE DANIELLE! sorry kung natagalan yun chapt, nakalimutan ko rin sabihin na one shot yung prev story pero balak ko naman po sundan yun, pero may nakapag sabi po sa akin na mas better na ganun yung ending pero pinagiisipan ko parin po yun. hahaha! ANYWAY, thank you ate! dedicated toh sa iyo :))))
---------------------
"I'm just his fan, he can never notice me."
Sabi ng nanay ko humiling lang daw ako at matutupad na iyon basta mula sa puso. Ewan ko kung totoo yun kasi ilang milyon na akong humiling na sana mapansin ako ni Rex, na sana makita niya ako, mahawakan, or kausapin man lang at mahalin. Bata palang ako hiling ko na iyon, hanggang ngayon. Walong taon ko na hinihiling yun, ilang shooting star narin ang hinilingan ko, gabi-gabi nag dadasal ako, pumunta pa nga ako sa may binondo para humiling eh. Kaso wala, kahit galing sa puso ko wala, walang nangyari.
"Sam! ano nanaman iniisip mo? tara maguumpisa na yung laro!"
Sigaw ni Yanie sa akin na nagpagising sa malalim kong ag-iisip, HUH?! ano daw?! ba't parang ang seryoso natin masyado dito? anyway, niyaya - or more HINATAK ako ni Yanie papuntang gym. Start na kasi ng laban ng Volleyball men. Freshmen versus Sophomores. Magkaparehas lang naman ng department, SEAS week kasi ngayon. At bilang parte ng department at council narito ako sa laban, hindi lang para magbantay kundi para narin kumota kay-
"GO PAPA REX! WOOOOOOH!"
Sigaw ulit ni Yanie na ikinarindi ko, tinignan ko lang siya ng masama at nag peace sign naman siya sa akin. Di naman yung boses niya ang kinainis ko, kundi yung pagsabi niya sa pangalan ng taong mahal ko. AKO DAPAT MAGSASABI NUN EH! anyway, nasabi niya na kaya walang akong magagawa, hayst.
"Uy teh! anjan yung mga co-council mo, di mo ba sasamahan?"
"Huh? okay lang yan. kaya na nila pag may nangyaring gulo"
Nagbikit-balikat nalang si Yanie at pinagpatuloy kumaen ng popcorn habang chinicheer ang pinsan niya, oo pinsan niya si Rex kaya di malaman kung saan kakampi ang bruhang ito. Well, ako rin naman. Freshmen kami, Sophomore naman sina Rex, kaya di namin alam kung sino ichicheer.
"GO KUYA ALVIN! WOOOO ANG HOT NG KUYA KO! ABS PALANG NIYAN TALO NA KAYO!"
Pagsisigaw ko naman, Si kuya Alvin ang kapatid ko na team mate ni Rex, alam niya lahat ng kalokohan ko maski ang pagkabaliw ko kay Rex. Pati narin yung kuwarto ko na puro poster ni Rex. Pero dahil isa siyang mabait na kuya ay hinahayaan niya lang ako, basta daw wag lang ako gagawa ng ikahihiya ko o niya. Napansin naman niya ang paulit ulit na pag sigaw ko at sinenyasan na wag masyadong maingay, at kumalma lang daw ako. hihi.
Nagstart na ang game, at wala akong maintindihan sa laro. I'm not a fan of any kind of sport, pero masasabi ko na lamang sina kuya base sa score board.
Tapos biglang nagkagulo ang mga audience at hindi sila mukhang masaya.
"SIS! anong nangyayari?" tanong ko kay Yanie na ngayon ay nagtataka narin.
"Ewan ko,"
Bumaba ako at tinanong sa co-council ko ang nangyare, sabi niya may unting problema lang daw sa scoring pero okay naman na daw.
Bumalik na ako sa taas at umupo sa pwesto namin, tinanong ako ni Yanie at sinabi ko lang ang sinabi sa akin.
Nagpatuloy ang laro hanggang sa matapos ang first set, nanalo sina kuya pero natalo sila sa second set. Naging kampante siguro sila kaya ganoon ang nangyare, Ang ingay ng crowd na akala mo ay pang UAAP ang laro. The crowd went wild ng ipinanalo ng frehsmen ang third set, pero agad naman binawi iyon ng sophomores dahil sila ang nakakuha ng fourth set. Fifth set na, at dikit ang laban, ilang oras na pala kami rito sa gym at tagak tak na ng pawis ang mga katawan namin, halos di na malaman ang halo halong amoy rito, buti nalang ay inopen nila ang roof kaya medyo may hangin.

BINABASA MO ANG
My stupidity about love(one-shots)
Cerita Pendek"Hatred paralyzes life; Love releases it. Hatred confuses life; Love harmonize it. Hatred darkens life; Love illuminates it" -- Martin Luther King, Jr. Story of different kinds of love, different kinds of people and different kinds of sacrifices. A...