Chapter 1: Urban Legend
"One week na lang submission na ng proposed title! Ano na'ng plano? Magagahol na tayo, yung ibang team nakapag-submit" tanong ni Wesley na di mapakali sa kinauupuan niya habang palipat-lipat sa kamay niya ang dala niyang bola. Medyo namayat nga siya dahil kagagaling lang daw niya sa sakit. Kunwari pa, atat na atat na talaga itong umuwi masundo lang yung bagong volleyball star na pinopormahan niya. Problema nga naman ng mga tropa kong IT. Around 4pm at katatapos lang ng mga klase namin, magkakasama kaming anim sa malaking round table dito sa cafeteria ng Norzagaray University. Limang 4th year IT student at kasama ako na nag-iisang HRM guy na graduating din. First semester na at mas pahirapan na, lalo na pag nag-Thesis I, na siya na lang lagi nilang topic pag magkakasama kami. Actually, 7 talaga silang magkaka-group sa Thesis I, hindi namin kasama yung dalawa pa.
"Off topic guys. Narinig niyo na ba na nawawala raw yung controversial Thesis Book kuno? Ten years ago since published daw yun at nawawala sa library." mahinang sabi ni Chuck na tinatakpan pa ang bibig niya, nakakaintrigang pakinggan. Hindi na'ko magtataka na sagap niya lahat ng tsismis sa library since elected IT specialist siya ng library.
"Narinig ko na nga yun, at ang 7 proponents ng Thesis Book na yun ay sunud-sunod daw na pinatay a month before the graduation." sabi ni Rikku. Sa lahat ng babaeng hindi kayang magbiro o biruin ay si Rikku lang yun. Talagang mapapaniwala ka sa kanya, siguro nga'y dahil seryoso siya lagi at focus masyado sa pagiging dean's lister niya. Siya lang bukod tangi saming ilulugar mo ang salitang 'biro'.
"Tatlo ang kopya nun; (1) Library, (2) IT Department at (3) Student's. Ang isa na para sa library ay sinunog dahil sinasabi nilang malas daw, ang ikalawang kopya para sa faculty ng I.T. Department, pero pinatay din ang professor nun isang linggo matapos ang serial killing ng 7 estudyante niya at ang ikatlong kopya; ang student's copy na nilagay sa library pero recently ito'y nawala." pahayag ni Zeus na seryoso rin ang tono. Para kaming nag-uusap tungkol sa malaking business deal dahil punong-puno ng seryosong ambience dito sa malaking round table. Elected PRO ng student council si Zeus.
"Hindi sya pinatay. Nagsuicide siya." biglang singit ni Wesley na nakatingin sa kawalan habang pinaiikot sa daliri niya ang dala niyang basketball. Kanina lang di sya mapakali at mukang uwing-uwi na, ngayon naman ay nakiki-sawsaw pa siya sa usapan. Halos alam nila ang tungkol dun habang ako ay nagmumukang tanga sa naririnig.
"Pero ang sabi pinatay din ito pagkatapos ng 7 estudyante. Malaki ang galit ng serial killer. Hayss. Ewan ko ba? Isang dekada na pero unresolved pa rin ang kaso." napapailing si Chuck habang sinasabi yun. Aakalain mong parang sa kanya may atraso ang killer sa panghihinayang.
"Tsss.. Tigilan niyo na nga yang urban legend na yan. Matagal na yun, pinag-uusapan niyo pa." saway ko. Kanina pa talaga ako hindi maka-relate. Hindi dahil sa ayaw kong pag-usapan yun kundi ang corny lang pag-usapan pa. Ano bang mapapala nila dun? Tapos na yun.
"Hindi 'yon totoong nawala." napalingon kaming lahat kay Rikku. Nagaya lang ako sa kanila. Tss.. Tinutukoy niya ang student copy na hindi totoong nawala kuno sa library.
"Itinago yun ng isa sa matagal ng katiwala ng university na'to. Sa storage room ng abandonadong building." dugtong pa ni Rikku. Ang tinutukoy niyang gusali ay ang 3-storey Hamilton Building na nasa likod ng Nursing Building. Abandoned na yun at ang nakakainis ayaw pang ipagiba ng head ng school, ginawa pang storage kuno. Tss.. Nagmimistula tuloy itong haunted building sa tuwing nadadaan ako dun.
"Whoah..So sa storage room na pala ang mga old books at wala na sa library?" natawa kong sagot at kanina pa'ko nababadtrip na sa walang kakwenta-kwenta nilang usapan.
BINABASA MO ANG
Thesis Book I
Misterio / SuspensoSabi nila madugo raw gumawa ng Thesis. Well, literal itong magiging madugo.