Sahara's P.O.V.
"Once again, she's my new girlfriend."
The fuck?! Girlfriend?
Tumingin ako sa mga studyante sa paligid at gaya ko ay nanlalaki rin ang mga mata nila at laglag rin ang mga panga. Mga hindi rin makapaniwala sa nangyayari. Maski ako ay gulat din. I just met this guy and now I'm his girlfriend?!
Hindi pa ako nakakamove on sa nangyari ngagsalita na naman tong lalaking nakaakbay sakin.
"We have to go." Sabi niya at isinama na ako sa pag alis niya.
"Ommyygaad!! May girlfriend na agad siya?!"
"Huhuhu hindi pwede to!!!"
"Kainis naman eh!!"
Hanggang sa makalayo kami ay rinig ko parin ang hinaing ng mga estudyante sa gilid namin.
Hila hila na niya ako ng makabalik na ako sa reyalidad. Tila gusto kong sumabog sa inis ng maalala ko yung nangyari kanina.
"Ano ba?! Let me go!" Sigaw ko sa kanya. Pero ang loko hindi man lang ako nilingon. Para bang walang naririnig. Kainis!
"Hoy!!" Tawag ko ulit sa kanya. ngayon ko lang napansin na wala na palang mga estudyante sa paligid. Nagsimula na siguro yung klase. Argh! Panuguradong hinahanap na nila ako. Kainis kasi tong lalaking to eh!
"Hoy ano ba?! Let me go!" Gamit ang lakas ko hinila ko yung kamay niyang nakakapit sa braso ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad at malakas ko siyang isinalampak sa pader.
Hinihingal akong tumingin sa kanya. Yung dalawang kamay ko ay nakalapat sa pader sa gilid ng mga balikat niya. Parang kinocorner lang.
Nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya pero agad ding napalitan ng seryosong tingin.
Pero ilang sandali pa ay feeling ko namula yung mga pisngi ko ng mapagtantong ang lapit ng mukha ko sa kanya."What's your problem?!" Tanong ko sa kanya.
Ngunit sa mabilis na galaw ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at isinandal sa pader.
Kaya ang nangyari ay ako na ngayon ang nakasandal at siya naman ang nasa harapan ko habang ang isang kamay ay nakalapat sa pader sa gilid ng ulo ko.
"Can you calm down?!" Tanong naman niya sakin. Sa lapit ng mukha namin ay hindi ko maiwasang maamoy yung hininga niya.
Nang makita niyang unti unti na akong kumakalma ay huminga siya ng malalim at saka tumayo ng tuwid.
"How would I calm?! What did you do?! What's that?!" Sigaw ko sa Kanya. Mukha namang naiirita na siya kaya Hindi muna ko nagsalita.
"Can you please shut up?" Naiiritang tanong nito. Akala na niya siya Lang marunong mainis? Ako rin kaya kanina pa ako naiinis dito. Kanina pa siya english ng english. Kainis!
Bumuntong hininga Ako at unti unting huminahon.
"Oh sige. And ba kasi yung ginawa mo kanina?" Tanong ko na may halo paring konting inis.
"I just did it on a purpose." Sagot niya. Eh para saan nga?ano ngang purpose? ayaw pa kasing sabihin.
"Ano nga?" Pangungulit ko.
YOU ARE READING
Meet The Kings (On Going)
RandomNot that typical girls? Not that soft as other girls? Not that soft but fierce. Girls like them are gorgeous but dangerous. They don't want other people to be close to them. Why? Because they might bring them to dangerous situation. They would rathe...