Chapter 12 - Introduction

15 6 1
                                    

Ivory's P.O.V.

pagkatatapos ikuwento ni sahara yung nangyari ay nagtatawanan sila na para bang kinikilig sila panay rin ang kantyaw nung tatlong bakla sa kanya na kesyo daw 'nakakakilig sila' o kaya naman ay wag daw siyang 'magpakipot pa'. yun yung mga sinabi nila na sinagot naman ni sahara nang isang ngiwi at pabirong irap. samantalang si vienna naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. paminsan minsan ay ngumingiti at ngumingisi rin siya.

Kaizer? I don't know what is his real reason to do that. And of all people here in the campus. Why my best friend? I have a bad feeling about this.

We're currently heading towards our classroom. pagkapasok namin ay ang ingay nung mga estudyante at mas lalo pang umingay nung dumating kami. What's going on? ang iingay nila. yung iba ay nakikipag kuwentuhan, may nagbubulungan. may mga nakaupo sa lamesa at meron ding nakatayo.

"diba yan yung babaeng paepal na nagpapapansin kay king ashton?" bulong isang babae.

"oo nga. ang panget naman." sagot naman nung isa na kung hindi ako nagkakamali ay si lilian ang pinag uusapan nila dahil nakatingin sila sa kanya.

nakita kong tumaas yung kilay ni lilian at pupuntahan sana yung babae pero hinawakan ko yung braso niya. baka bago palang kami dito ang dami na niyang kaaway. idagdag mo pa si ashton. napatingin siya sakin sabay buntong hininga na para bang nagpipigil na sugurin yung babae.

"excuse me, miss. sa susunod kung bubulong ka sa kausap mo, siguraduhin mong hindi naririnig at hindi malakas, nakakahiya kasi sakin eh noh? naririnig ko. ako pa naman din yung topic niyo. ha?" mataray na sabi ni lilian dun sa dalawang babae. inirapan lang siya nung dalawang babae sabay halukipkip.

dahil dun sa ginawa ni lilian ay mas lalong umingay. tila nagulat sa ginawa ng kaibigan ko. napangisi na lang ako dahil sa tapang ni lilian.

nakita kong lumilingon lingon sa paligid si vienna na tila naghahanap ng mauupuan. nang makahanap ay hahakbang na dapat siya pero tila may dumaang anghel dahil biglang tumahimik ang paligid.

humina din yung bulungan nang mga estudyante hanggang sa tunog nang mga sapatos nalang yung nariring namin na galing sa pintuan. napatigil din yung mga kaibigan ko sa kanilang gagawin.

unang pumasok si ashton na maangas na naglalakad habang ang isang kamay ay nasa kanyang bulsa. nakita kong napatingin siya sa sa gawi namin at napakunot ang noo nang makita si lilian. oh well... hindi na ako magtataka at magugulat kung ganun siya makatingin kay lilian. mortal enemies talaga sila. tinaasan lang siya ng kilay ni lilian. napapangisi na lang ako sa kanilang dalawa.

sunod na pumasok ay si ...si... jason? jackson? jaymon? urgh! hindi ko alam dahil hindi ko pa naman siya nakakahalubilo sa kanilang apat. but its not that i want to be with him. i just got curious to what is his name.

"Siya si jaylord, ivy gurl hihihi" biglang bulong sakin ni roxy at mahinang tumawa na parang kinikilig. What?! Did he just read what is on my mind?! But how?

Meet The Kings (On Going)Where stories live. Discover now