Lilian's P.O.V.
And that Ashton jerk just ruined my day!
Nandito ako ngayon sa bench. Oo, bumalik ulit ako nang makita king umalis na si ashton pati yung mga kasama niya.
Hinihintay ko yung tatlo pati na yung tatlong bakla na dumating.
"Ang sakit talaga." Sabi ko. Napahawak ako sa ilong ko dahil kumikirot talaga. Bwisit talaga! Pag itong ilong ko pumango lagot sila sakin. Buti nalang hindi ako napuruhan. Sana hindi to magdugo.
Pumikit ako nang mariin at napalunok habang hawak ko yung ilong ko.
"What happened to you?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita. Napatingin ako sa harap ko at nalamang kay sahara nanggaling ang boses na iyon. Umupo siya sa upuan sa harap ko at sa pagitan namin ay may lamesa.
"What happened to your nose?" Nag aalala niyang tanong.
"Nabato ako nang bola." Iritang sabi ko sabay hingang malalim.
"Then? Anong ginawa mo?" Tanong ni ulit.
"Ay! Jusko day! Eh anong ginawa mo?" Tanong ni roxy na kararating lang. Kasama na niya sina ivy at vienna. Pati yung dalawa pang bakla.
"Then? Sinugod ko yung bumato." Sagot ko.
"Ano?! Second day na second day natin ay may nakaaway ka na!" Sabi ni sahara. As if Namang wala akong kaaway Nung first day.
"Eh ateng, sino ba yung bumato?" Tanong ni peter.
"Si ashton..." Casual na sambit ko. Nanlaki naman yung mga mata nila.
"Whaaaat?!" Sabay sabay na tanong nung tatlong bakla.
"Tsss!" Singhal ni vienna. Marahil ay naiingayan nato sa amin.
"Si ashton?!" Sigaw ulit nila.
"Omyghod! Ateng! Sinugod mo siya?!" Tanong ni allie at nakahawak pa yung dalawa niyang kamay sa pisngi niya na parang nagulat.
"Oo, eh tumumba ako tapos tumama yung ilong ko. Tss!" Inis na sagot ko.
"B-bakit ateng?" Si roxy.
"Nabato nga ako nang bola diba? Paulit ulit lang? Unlimited?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Ay! Ang sungit naman ni ate gurl. Iyan ba ang epekto nang mabato nang bola? Ahahah!" Natatawang sagot ni allie. Inirapan ko lang siya.
"Ghod! Sigurado ka bang siya yung nakabato?" Si peter. Si vienna at ivy ay tahimik lang habang si sahara ay nakikinig lang sa amin.
YOU ARE READING
Meet The Kings (On Going)
RandomNot that typical girls? Not that soft as other girls? Not that soft but fierce. Girls like them are gorgeous but dangerous. They don't want other people to be close to them. Why? Because they might bring them to dangerous situation. They would rathe...