Chapter 9 - Soccer ball

22 9 0
                                    

Lilian's P.O.V.

marami pa akong nakikitang mga estudyante. tinignan ko yung wrist watch ko at kaya naman pala maraming mga estudyante ang nagkalat ay dahil maaga pa.

naisipan kong pumunta muna dun sa bench. malapit sa soccer field. nag chat nadin ako sa kanila na nandito ako sa bench kung sakaling hanapin nila ako. nakaharap ako dito ngayon sa soccer field. may mga estudyanteng naglalaro. maraming estudyante rin ang nanonood. nagsimula na ang laro.

may isang lalaki. nasa kanya yung bola. may isang nagtangkang kumuha nang bola sa kanya pero agad niya itong naiwasan. may dalawa pang lalaki ang nagtangkang lumapit sa kanya pero naiwasan niya din ito. nung nandun na siya malapit sa net nang kalaban ay agad niya itong sinipa nang malakas kaya nag shoot yung bola sa net. kasabay nung pag shoot nang bola sa net ay yung pag iingay nang malakas nang mga estudyanteng nanonood. yung nagbabantay sa net o yung goal keeper ay sinubukang harangan yung bola pero wala rin siyang nagawa. kaya lumanding siya sa lupa.

hmm... not bad. magaling siya ah. hindi ko nakita yung mukha nang lalaki dahil lagi siyang nakatalikod sa banda ko. hanggang sa matapos na ang laro ay sila ang nanalo dahil laging siya yung nakaka shoot nung bola.

nung magpunta siya dun sa isa sa mga bleachers ay nakita ko na kung sino siya. ngumiwi ako at halos kainin ko yung sinabi kong magaling siyang maglaro nang makita ko kung sino siya. tss! dahil sa inis at sa ayokong makita yung pagmumukha niya ay tumayo na ako at naglakad pabalik nang building. tsk! biglang sumama yung ihip nang hangin.

habang naglalakad ako ay biglang may sumigaw.

"MISS!!!"

paglingon ko dun sa pinaggalingan nang sumigaw ay siyang kasabay nang pagtama sa mukha ko nang isang bola. hindi lang yun. namali yung paghakbang nang mga paa ko kaya tumumba ako sa damuhan at tumama yung ilong ko sa isang bato.

"ouch!" daing ko. nakadapa na ako ngayon sa damuhan at yung isa kong kamay nakalapat dito habang ang isa naman ay nakahawak sa long ko. yung mga estudyante ay lumapit at yung iba naman ay nakatingin lang. hindi man lang ako tulungan!

"ouch! ang sakit nun ah!"

"aray! sakit!"

"kawawa naman siya!"

yan yung mga narinig kong komento nang mga estudyanteng nakakita sa akin. pero wala na akong pake alam sa kanila dahil ang iniisip ko ngayon ay kung sino ang may pakana nito. nangangati na yung mga kamao kong manuntok.

tatayo na sana ako nang mahagip ng mga paningin ko ang isang bolang gumugulong sa ulunan ko. parang sumabog sa inis yung sistema ko nang makita kong isang soccer ball ito. SOC.CER.BALL!

nakakuyom yung dalawa kong kamay sa inis. nag tiim labi ako at pumikit nang mariin sabay hingang malalim.

alam ko na kung sino ang may pakana nito at handa na akong parusahan siya kahit sino pa siya! WALA AKONG PAKE!!!

tumayo na ako at naglakad papunta sa kinaroroonan nang lalaking yun. halos madurog na yung kamay ko sa pagkakakuyom nito nang makita ko pa siyang nakangisi habang nakatingin sakin. nakikipagtawanan kasama nang mga lalaking kalaro niya. mukhang nasisiyahan pa siya sa ginawa niya huh? tignan lang natin kung makatawa ka pa pagkatapos nang gagawin ko.

"bakit mo ginawa yun?!!" pasigaw na tanong ko sa kanya. ipinagsawalang bahala ko yung mga estudyanteng nanonood sa amin.

"what?" painosenteng tanong nito. tss!

"huwag ka nang mag maang maangan pa! bakit. mo. ako. binato. nang. bola?!" tanong ko sa kanya. natahimik na rin yung mga kasama niyang lalaki.

Meet The Kings (On Going)Where stories live. Discover now