Chapter 1

1 0 0
                                    

Medyo short lang sa cp kasi ako nagtatype.

Chapter 1

Ako si Pandora Grade 11 student sabi ng iba pangit daw ako pero sabi ng nanay ko dyosa ako. Kung kayo ba tatanungin ko, kanino kayo mas maniniwala? Sa mga taong di niyo kilala o dun sa mismong nagluwal sa inyo? See? Kaya sa mommy ko ako naniniwala. I'm beautiful kahit pa mismong salamin ay di sumasang-ayon sakin.

"Pandora, yung tuwalya nga!"Agad kung nilingon ang lalaking tumawag sa akin pangalan. Nakita ko lang naman ang isa na yata sa pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa at shit na malagkit! Basang-basa siya habang kitang-kita ko kung paano landasin ng bawat patak ng tubig ang kanyang dibdib hanggang sa kanyang namumutok na muscles at abs.

"Pandora, ano ba! Alam kong gwapo ako pero yung tuwalya akin na!"Sigaw nito pero nanatili parin akong nakatitig sa kanyang katawan. My gosh! Maghunus-dili ka Pandora mahahawakan mo rin yan sa takdang panahon.

"Renji, iabot mo nga yung tuwalya baka masapak ko pa yang pangit na yan"bigla akong natauhan nang nakangising pinitik ni Renji ang aking noo matapos ibato kay Tadeo ang tuwalyang kanina pa nito hinihingi.

Pinukol niya ako ng masamang tingin.

"Kung hindi ka lang anak ni coach pinalayas ka na namin dito. Pangit ka na nga wala ka pang kwentang manager" sabi nito tsaka padabog na kinuha ang kanyang gamit.

Yeah, manager ako ng basketball team. Hindi gaya ng iniisip niyo na ini-imagine ko rin naman sana magkatotoo pero malayong maging realidad na honeymoon namin ni Tadeo.

Wala akong hilig sa basketball at ang tanging hobby ko lang ay kumain, matulog at maglaro ng mga dating simulation games. Kung saan nakakahanap ako ng happy ending. Isa akong babaeng adik sa anime character kung saan kaya kong makipagdate kahit kanino at feeling ko napakaganda ko!

At nang dahil sa mga larong yun napasok ako sa pagiging manager ng team na 'to.

Kamukhang-kamukha kasi ni Tadeo si Ryou my loves kaya ginawa ko talaga lahat para lang ipasok ako ni Daddy dito, captain kasi si Tadeo ng team.

Para tuloy akong nasa virtual world kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko ay magkakatotoo na din sa wakas yung happy ending ko. Ang naiba lang ay ang hirap niyang pakisamahan di kagaya ni Ryou-sama.

Pero hindi ako magpapatalo. Gagawin ko talaga ang lahat para lang mapalambot ko ang puso niya. At para magawa yun at kailangan ko munang malagpasan ang mga asungot niyang si Renji at Fritz! Na walang ginawa kundi makialam sa lovestory namin ni Tadeo.

Pandora's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon