Chapter 6

0 0 0
                                    

Agad akong kumutsara sa likidong nasa baso mula sa pinaghalo-halo kong gamot.

"Yuck! Ang pait" para akong masusuka dahil sa lasa nun kaya agad akong napainom ng tubig.

Kailangan mong magsakripisyo kung gusto mo na talagang kalimutan ang lalaking 'yon, Pandora! Kapag hindi mo ininom ang  gamot na yan ay baka mamatay ka dahil sa sakit sa puso na iyong nararamdaman. Kaunting tiis lamang. Makakaya mo rin ito!

Agad kong isinunod ang pangalawang kutsara. Muli ay napainom na naman ako ng tubig dahil sa sama ng lasa non. Gusto ko nang huminto ngunit parang may pumipigil sa akin at nagsasabihing dapat kong ipagpatuloy.

"Para sa lahat ng babaeng nasaktan dahil sa sakit na dinulot ng mga lalaki kailangan mong maging matibay, Pandora! Sa ngalan ng lahat ng mga babaeng nagkaroon ng Heart Sickness dahil sa pananakit ng mga lalaki inumin mo yan! Ikaw ang magpapatunay na hindi lahat ng babae ay mahina pagdating sa pag-ibig"

Tama, Pandora! Patunayan mo na may natitira pang katulad mo na hindi bobo pagdating sa pag-ibig! Patunayan mong hindi ka bobo, Pandora!

Sa sobrang motivation ko ay kinuha ko ang baso hindi naman yun puno kasi kalahati lang naman ang ginawa ko kanina. Kinuha ko iyon at itinungga! Marahas kong ibinaba ang baso.

Nagchachant pa akong pumunta sa sink para ilagay dun ang mga ginamit ko. Hinugasan ko ang mga ito para naman walang masabi sakin samantalang nakikigamit lang naman ako.

Sa totoo lang ang ganda ng pakiramdam ko. Para nga akong nasa langit dahil ang light lang ng pakiramdam ko.

Effective ang ginawa kong gamot! Ang galing Pandora hindi ka na mamamatay dahil sa sakit sa puso tapos ang ganda pa ng pakiramdam mo.

Dapat ishare ko nalang yung new discovery ko kay Mommy! Gusto ko namang sa kanya macredit ang ginawa ko. Ayoko kasing mafeature kasi nga diba pangit ako so siya  nalang ang ipapafeature ko.

Agad kong itinext si manong driver para sunduin ako feeling ko kasi ang haggard ko na. Pangit na nga ako tapos haggard pa! Sobra naman!

Kaya ayon nagpasundo nalang ako.

Palabas na ako ng building nang may narinig akong biglang kumulog. Napatingin  ako sa langit ngunit matirik naman ang araw hindi naman mukhang uulan.

"Shit! Ito na yata yung sinasabi nilang climate change!"

Agad akong pumasok sa kotse nang makita ko ang kotse namin.

Patuloy lang ang ganung tunog na naririnig ko kaya naman pinabilis ko sa pagmamaneho si manong driver baka kasi umulan pa ng yelo.

Pagdating sa bahay ay  para akong nabunutan ng tinik

"Masyado na talaga ang perwisyong naidudulot ng tao sa kalikasan 'no manong" sabi ko habang papasok sa bahay

"Bakit niyo naman po nasabi ma'am" sabi nito habang pawis na pawis at malalim ang paghugot ng hininga.

"Tignan mo naman kahit na umaaraw ay napakalakas ng kulog. Ito na yata ang epekto ng climate change" napailing nalang ako

"M-ma'am mawalang galang na po 'wag niyo sanang masamain" sabi ni manong driver

"Ano po yun manong?" Tanong ko ngunit para bang nagdadalawang isip itong magsabi.

"Ano nga yun manong?" Medyo naiirita na ako dahil pabebe pa si manong gusto ko na rin kasing umakyat dahil parang medyo sumama ang pakiramdam ko. Dahil siguro yun sa kulog pero ang pinagtataka ko ay hindi ako masyadong nagreact sa kulog. Kapag kasi nakakarinig ako ng kulog ay nahihisterya na ako pero yung kanina hindi naman  masyado.

"E ma'am hindi po kasi 'yon kulog ma'am" sagot ni manong kaya naman naputol yung pag-iisip ko

Ah kaya pala!

"Kung gayon ano yung naririnig kong malakas na tunog manong?" Napakamot naman ito ng batok

"Utot niyo po 'yon ma'am. Kanina pa po hindi ko lang masabi kasi pinabilis niyo na po ako akala ko nga natatae lang kayo kaya banggit kayo ng banggit ng kulog para kumalma"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pandora's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon