Chapter 3

0 0 0
                                    

3 mins. bago matapos ang 2nd quarter. 24-38 in favor of H University. Galit na galit si daddy, hindi ko alam kung anong problema ni Tadeo. Hindi matino ang laro niya ngayon at naaapektuhan ang buong team.

"Tadeo..." nasambit ko nalang. After no'n ay nagpatawag si daddy ng time-out.

"Tadeo! Anong klaseng laro yan! Maski bata kayang magshoot ng free throw. What's happening to you? Ang dami mo nang missed shots." Nakayuko lamang si Tadeo. Umupo naman sa kaliwa ko si Fritz nasa kanan ko kasi si Remi which is sa dulo na ng bench.

"Pwede bang lumayas ka muna" napalingon ako kay Fritz, nakayuko ito habang nakatakip ang tuwalya sa kanyang mukha. Walang modo talaga ang isang 'to. Sino na naman bang pinapaalis niya? Tumingin ako sa paligid pero kami lang naman ang nandito alangan namang si daddy or kateam mates niya ang paalisin niya. Napalingon  ako kay Remi, wag niyang sabihin na---

Napahinto ako nang marahas niya akong lingunin.

"Ikaw ang pinapalayas ko tanga! Kung gusto mo isama mo na din yang kasama mo. You're ruining our play with that of your ugly face" mahina ngunit madiin niyang sabi. Akala ko doon na magtatapos ang panlalait niya ngunit hindi ko inaasahang tatagos sakin yung susunod niyang sinabi.

"Are you even aware how disgusted Tadeo is, when you're around?" Hindi ako nakapagsalita. Remi's just beside me, kaya alam kong naririnig niya ang mga sinasabi ni Fritz

"Pinapakisamahan ka namin because of your dad.  Treating you well and mingling with you is enough but seeing you everyday is just too much! Hanggang ngayon  pa ba sa finals pagtitiisan pa namin yang mukha mo at mag-adjust sa mala higante mong katawan?" Hindi ko mapigilang magtubig ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. Pero pinigilan kong may tumulo rito.  He's right, dahil lang kay daddy ang lahat.

I was treated like that not because they think I deserved it but in order to prove how they respect my dad. It's to show that even how much they dislike me they can still associate with me, and it's all because of my dad.

"Do you really think Tadeo's not well kaya pangit ang laro niya? Tadeo hates fat and ugly women. The way you stare at him, gives him creeps so do him and the team a favor and just get lost" pagkatapos niyang sabihin yun ay tumunog na ang buzzer hudyat para bumalik na sila sa court.

Naramdaman ko ang kamay ni Remi sa aking likuran. She's comforting me pero mas lalo akong naiiyak sa gesture niya. I excused myself, nagpaalam ako kay daddy na magbabanyo lang pero tutok siya sa laro. He just waved his hand to dismiss me.

Gusto pa sana akong samahan ni Remi pero sinabi kong gusto kong mapag-isa. I badly wanted to be alone.

Pandora's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon