Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

Halos lumuwa ang mga mata ko habang pinapanood ang aming team na naglalaro sa finals kalaban ang H University. Mainit ang laban pero ako itong kinikilig sa may bench. Sobrang thankful talaga ako na naging manager ako ng team. Walang kwenta akin yung araw-araw na pambabash ng mga babae kong kaklase kumpara sa benefits na makukuha ko sa mga panahong ganito tulad nalang kapag may laro sila.

"Pandie, mata mo naman baka matunaw si Papa Tads" siniko ako ni Remi pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon lamang ang aking atensyon kay Tadeo my loves. Ang gwapo niya talaga! Shocks!

Naputol ang pagpapantasya ko sa kanya nang bigla siyang tawagin ni Daddy.

"Ano ba Tadeo! Concentrate, pwede ba? Kanina ka pa puro missed sa shots mo. Pati free throw hindi mo maipasok! Ayus-ayusin mo yan kundi ibabangko kita" pagalit na sabi ni Daddy sa kanya

"Yes coach hindi na po mauulit" mahinang sabi nito tsaka tumingin sakin. Shit! Ang fierce!

"Remi! My gosh! Nakita mo yun? Nakita mo yun? Tumingin siya sakin. I think tinamaan na siya ng charms ko" yinugyog ko pa si Remi dahil hindi ko maitago ang kilig ko. Hinawakan naman niya ako tsaka pinaharap sa kanya.

"Pandie, given na yung liningon ka niya. Pero hindi mo ba nakita yung mga mata niya? It's full of---"

"It's full of... DESIRE!!" I exclaimed.

"Yeah full of desire to kill you!" She retorted. Sinimangutan ko lamang siya.

"Best friend ba talaga kita?"

"Of course, I am. Kahit na magkalayo ang IQ level natin I care for you, Pandie" sabi niya nang may pagka-emo

"Yeah right. Kahit bobo ka we're still the best of friends" I said confidently, then smiled at her. Napailing naman ito, I think nahihiya siya. Aww...

"Oh c'mon Remi. Don't pout! Alam kong matalino ako but there's no need to be awkward" nginisian ko siya ngunit binigyan lang niya ako ng tipid na ngiti. Poor Remi. Next time tatanungin ko kay mommy kung pwede bang magdonate ng brain sa kanya. A little portion lang naman e.

Pandora's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon