Ally PoV
Nakatingin ako sa kalangitan, habang ang mga luha ay dumadaloy sa aking pisngi, nais ko man ibalik ang oras ngunit ikaw na mismo ang bumitaw, ikaw ang aking sinandalan sa mga oras na ako ay nalugmok sa kalungkutan ngunit ngayon ikaw rin ang rason kung bakit ang puso ay nanakip sa sobrang sakit. Minsan na akong iniwan at ngayon iniwan mo rin ako Nanay. Alam kong kasama mo na sila ngayon, akoy binabantayan sa bawat hakbang na aking tinatahak.
Inayos ko na ang aking sarili at tumayo sa pagkakaupo sa damuhan dahil kailangan ko ng bumalik sa bahay para ayusin ang aking mga gamit, naaalala ko ngayon ang aking alis papuntang Manila, ayaw ko man lisanin ang lugar na ito ngunit kailangan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral, mabuti nakapasa ako sa isang prestihiyusong paaralan sa manila.
***
"Ally okay naba yung mga gamit mo?" tanong ng aking kaibigan na bungangera.
"Opo"
"Wow, anong nangyari bakit ang galang mo yata ngayon, may nakain kaba?" natatawa nitong sabi sabay hampas saakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bawal nabang maging magalang kahit sandali manlang?" napahilamos nalang ako sa aking mukha sa depresyon, hindi ako sanay na mamuhay ng walang gumagabay saakin.
Kahit ayaw kong bumalik sa Manila, wala na akong magagawa dahil kailangan kong tapusin ang pag-aaral ng kolehiyo. Siguro kailangan ko na talaga makita ang pagmumukha nila kahit ayaw ko pa.
13 years ago na ang nakalipas pero sariwa parin saaking isipan ang mga nakita ko. Ayaw ko ng alahanin pero palagi kong napapaginipan at nagsisilbi itong bangungot para saakin.
"Smile Ally, wag palaging nakabusangot ang mukha, Fighting!" Sabi nito sabay hand gesture.
"Salamat CL"
Nakasakay kami ngayon sa Van at kami lang tatlo ang nandito sa loob. Kasama nadon yung driver.
"We will arrive at 8:00pm, kaya matulog muna tayo sa byahe" sabi nito sabay higa sa balikat ko. Sinaksak ko nadin yung earphone ko sa aking taenga at pumikit.
''Comfy kasi yung balikat mo Ally hehehe" Hindi ko na siya pinansin at nakatulog na ako ng tuluyan.
~~~
Napamulat ako ng aking mga mata sa narinig kong ingay, nandito parin pala kami sa Van ni CL, pati din siya ay nagising, nag-inat muna ako ng aking katawan.
"Manong, ano po ang nangyari?" Tanong ni CL na bakas sa mukha ang pag-aalala.
Napakamot sa kanyang noo si Mang Canor.
"Nasiraan po tayo Ma'am" Napabuntong hininga ako at si CL naman ay naiirita na perehas lang naman kami. Lumabas ako at ganun din si CL.
"Mang Canor naman eh, hindi mo ba chineck bago tayo umalis" Sabi nito at padabog na kinuha ang cellphone sa kanyang bag at parang may tinatawagan.
"Paano kung mapahamak po tayo dito? Ang layo pa po ng siyudad" sabi ko naman na may bakas na inis sa aking tono.
"Na sira po kasi Maam" sabi nito
"Matatagalan pa po bayan?"
"Madali lang ito kung may materyales na pwedeng pamalit pero wala ako non eh"
"Mang Canor naman" Sabi ko at napahilamos sa aking mukha, napapawisan ako ng malagkit kahit ang lamig dito sa labas.
"Maiiwan ko lang po kayo dito, saglit lang po maghahanap ako ng malapit na bayan dito" Sabay takbo nito
"Ally, walang signal"
Bakit walang signal. Sarap ihagis.
"Lee paano na tayo ngayon?" tanong nito at napaupo nalang sa gilid ng kalsada habang nagtatapon ng mga bato.
YOU ARE READING
To Love Someone (A Montero's Story)
Teen FictionLove is about a choice, you choose to love him/her and there are lots of consequences, seeing your love with someone else is emotionally painful but seeing him/her dying is emotionally and spiritually painful, love is not about selfishness because i...