Ally PoV
Umagang umaga nambubulabog yung kaibigan ko. Nakalimutan ko palang i lock yung kwarto ko kagabi.
"Uyy Ally, gumising kananga" Sabi nito at kinuha ang unan na nakatabon sa mukha ko. Ang ingay kasi, gusto ko pa namang matulog.
"Hmm"
"Ally naman, 10am na kaya" napabalikwas ako at tumingin sa kanya ng masama, hindi agad sinabi. Akala ko pa naman ang aga pa. Ang dilim pa kasi ng kwarto.
"Umuulan kaya" Sabi nito, bumangon ako para tingnan sa bintanan kung umuulan nga, tama nga siya ang lakas ng ulan.
"I told you"
Kaya pala malamig, ang sarap namang matulog kapag umuulan. Pero nakaramdam ako ng gutom eh. Makababa nanga.
Ginawa ko na kung ano ang dapat kong gawin bago bumaba. Nandoon na si CL sa kusina naghahanda ng sandwich kasama yung isang kasambahay nila.
"Ally tara dito" Aya niya saakin, lumapit naman ako sa kanila. Kumuha ako ng isang sandwich kaya natawa si CL saakin.
"Huhulaan ko hindi ka gutom" Inirapan ko nalang siya pero nagkibit balikat lang ito habang natatawa.
Wala nanaman ba dito si Luke, hindi ko yata nakikita yun ah. Simula pa kahapon.
First day of school na pala namin bukas. 2nd year college na kami ni CL. Kinakabahan ako para bukas, hindi ko alam kong ano ang mangyayari bukas.
Habang kumakain ako, nabigla ako dahil may umakbay saakin, pagtingala ko si Luke pala, ngumiti siya saakin.
"Pahingi naman niyan" Kinuha ba naman yung sandwich na kinagatan ko na. Ganito pala siya sa mga close na niya. Ewan ko ba kung consider na close na kami sa ginagawa niya saakin.
"Ayieee" Pang-aasar ni CL, napangiti nadin yung kasambahay saamin.
"Bagay kayo ma'am at sir" Sabi nito, pati ba naman siya aasarin kami. Si CL naman nagpipigil lang ng tawa. Ewan ko kung ano ang reaksyon ng katabi ko.
"Sa tingin niyo po?" nagulat ako sa itinanong niya, napatingin ako. Kinindatan niya ako pero inirapan ko siya.
"Yes Kuya, ang sweet niyong tingnan" Sabi naman ni CL. Kung wala lang dito si Luke at yung kasambahay malaman ba nakatikim na saakin ng sapak yung babae nato. Lakas makaasar eh. Hindi ko nga siya inaasar kay Sean dahil mas kikiligin pa siya. Hindi oanga niya ikwinento kung ano ang nangyari sakanila kahapon.
"Haha I know sis" Mag appear pa yung dalawang magkapatid. Kumuha muna ako ng sandwich bago umalis. Pumasok ulit ako sa kwarto ko. Wala manlang magawa, umulan pa kasi.
Nagkulikot nalang ako ng cellphone ko pero nabored naman ako agad. Nagbasa nadin ako ng wattpad books pero sumakit naman yung mata ko. Ano paba ang magandang gawin?
Bumaba ulit ako at nakita ko si CL sa sala nakahilata habang nanonood ng tv kumakain pa ng chips. Nakuha ko yung atensiyon niya kaya ngumiti ito saakin at kumaway. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng chips. Ewan ko kung ano ang title na pinapanood niya.
"Ally, alam mo ba parang nagdate kami ni Sean" Napatingin ako sa kanya at halatang kilig na kilig siya. Nahulog nanga yata yung babae nato.
Parang lahat ng detalye na nangyari kahapon ay sinabi niya saakin, simula sa lalaking walang modo na umupo nalang basta basta sa harapan niya at sobrang mahangin daw at kung ano ang nangyari sa kanila ni Sean, nanood daw sila ng movie at sobrang gentleman daw ni Sean.
"Grabe Lee, hindi ko akalain na magkikita kami ni Sean, destined yata kami"
"Mahirap masaktan CL, hindi lahat ng mga ginagawa niya ay totoo." Kumunot naman yung noo niya sa sinabi ko. Iexplain ko nalang nga parang may sa mood naman akong mag salita ngayon at isa pa kami lang dalawa ang nandito.
YOU ARE READING
To Love Someone (A Montero's Story)
Teen FictionLove is about a choice, you choose to love him/her and there are lots of consequences, seeing your love with someone else is emotionally painful but seeing him/her dying is emotionally and spiritually painful, love is not about selfishness because i...