Cl PoV
Tatlong araw na ang nakaraan, at sa tatlong araw na iyon hindi mawala sa isip ko si Sean. My gosh, tinamaan na yata ako ng bonggang bongga. Ito ba ang tawag nilang love at first sight.
Habang kumakanta kami, hindi ko maiwasang kiligin, ang gentleman pa niya. Sobrang maasikaso, kahit first time ko palang siyang nakita para ng matagal ko na siyang kilala kasi ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya. Tapos yung ngiti niyang nakakakilig.
Yung mga mata niyang animo'y tinatawag ka. Kyahhhh ang gwapo gwapo niya. My school year will be extra fun. Makikita ko siya palagi sa school.
"Uyy CL bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo"
"Wala lang, kinikilig ako eh" kumunot nanaman yung noo ng chakabels kong kaibigan.
"Hehe Lee, may itatanong ako sayo"
"Ano?"
"Ahmm ano kasi" wag nalang nga alam ko namang hindi niya masasagot yung tanong ko. Kung kay Kuya nanaman ako magtatanong bibiruin lang din niya ako non. Hayss kung kay mama naman sasabihan niya akong hindi ako pwedeng mag boyfriend. 19 years old na kaya ako. I can handle myself. Charrot. Palayasin pa ako dito.
"Isa... Dalawa..." grabe masyado namang excited yung kaibigan ko na to.
"Ano kasi, may pag-asa bang magkagusto saakin si Sean?" ayun yung natanggap ko lang na sagot ay irap. Sabi ko nanga ba wala akong makukuhang matinong sagot eh.
Tiningnan niya ako ng mabuti, ulo hanggang paa. Parang sinusuri niya ako ng maigi.
"Posible naman, sexy ka naman, maganda minus lang yung pagkashunga mo" outch, okay na sana eh pero dinagdagan pa.
"Labas kanalang nga lee, sinisira mo yung self confidence ko" patawa tawa siyang umalis ng kwarto ko. Bipolar din yung babae nayun. Aalis nalang nga ako wala din naman dito sina Mama just always busy at si Kuya naman umalis kaninang umaga so kami lang ni Lee dito kasama yung mga kasambahay namin.
Pinuntahan ko sa guest room si Ally at nadatnan kong nakahiga. Nilapitan ko siya at tulog na pala. Ang bilis naman niyang makatulog.
Binilinan ko nalang yung mga kasambahay na umalis ako at pinapasabi ko lang kay Lee dahil baka hanapin niya ako pagkagising niya. nagpumilit pa nga si mang Canor na ihatid ako pero mas gusto kong ma experience yung mag isa lang at malapit lang naman yung Mall sa bahay namin.
Pagkadating ko sa mall, saktong gumegera na yung mga bulate ko sa tiyan. Hahaha joke. Saktong gutom na ako kaya naisipan ko munang kumain sa food court. Habang lamon ako ng lamon may isang lalaki na umupo sa harapan ko na wala manlang pasabi. Naka cap siya at basta naka all black siya. Para tuloy siyang holdaper tingnan.
Ni hindi nga niya magawang tumingin saakin. Kumakain lang siya ng pagkain niya. Walang modo to.
"Are you looking at me Miss?" ang presko naman ng boses niya. Tinanggal na niya yung shades niya and wow ang gwapo hehe. Pero erase erase may Sean na ako. Like duhhh ayaw ko sa kanya gwapo nga naman ang pangit naman ng ugali.
"Sobrang gwapo ko yata para mapatulala kita" malapit ko ng mabuga yung kinakain ko sa pagmumukha niya. Bwisit ang lakas ng hangin. Tinitingnan ko lang naman yung hugis ng mukha niya. Ang tulis kasi hahaha.
"Ewan ko sayo" natatawa kong sambit, imbis na mainis ako natawa pa ako. Langhiya ang tulis ng baba niya. Pero okay lang naman tingnan sa kanya ang gwapo parin naman niya. Minus lang ang pagkawalang modo niya at sobrang mahangin.
"Why are you laughing?" habang nagsasalita siya poker face parin. Para nanga siyang mangangain sa tingin niya. Bigla tuloy akong natakot.
Umalis ako na walang paalam, bawi bawi din pag may time haha...
YOU ARE READING
To Love Someone (A Montero's Story)
Teen FictionLove is about a choice, you choose to love him/her and there are lots of consequences, seeing your love with someone else is emotionally painful but seeing him/her dying is emotionally and spiritually painful, love is not about selfishness because i...