Cl PoV
First day of School na next week pero hindi parin kami nakabili ng mga gamit para sa school. Yung kailangan ko lang naman is isang notebook at madaming ballpen hahaha. Nawawala ko kasi palagi ang ballpen ko mabuti nang may reserba agad.
"Hey Lee kailan tayo bibili ng gamit?" Tanong ko, nagkibit balikat lang siya saakin. Btw nandito siya ngayon sa kwarto ko, wala si mama ngayon dahil umalis siya papuntang Cavite, susunduin daw si Papa. Suss baka nga mag date pa sila hahaha. Para paraan naman yung mga magulang ko.
"Tuliro ka yata"
"Ahh may iniisip lang"
"Sa tingin mo anong klaseng lalaki si kuya?"
"Bakit mo saakin tinatanong yan, kuya ko ba siya?"
"Ally naman eh, alam mo naman kung ano yung gusto kong ipahiwatig"
"Okay, I think he's a nice man" Yun lang yun, sobrang bitin naman. Pero syempre ako si CL kaya papaulanan ko siya ng tanong hahaha.
"Boyfriend material ba siya? Nagwagwapuhan kaba sa kanya? Anong naramdaman mo nung nagkita kayo? Crush mo ba siya? O love na kaya? Na love at first sight kaba sa kuya ko? Ano sagutin mo" masaya na sana ako eh, excited na ako malaman ang sagot niya pero bakit wala manlang akong nakuha kundi yung napakasakit na pagbatok niya. Sabi ko sa inyo e ang bait ng kaibigan ko. Huhuhu ang sakit. Sanay nadin naman ako eh pero bakit mas masakit yata ito kumpara sa mga nauna.
"Uyyy ang bad mo, nagtatanong lang ang tao e"
"CL sino ba ang matinong tao na sasagutin lahat yung mga katanungan mo"
"Eto kasi yan Lee" Pag-uumpisa ko, tumikhim muna ako pang pa bwelo kungbaga hahaha. Dami ko talagang nalalaman. "Oo boyfriend material siya, sobrang gwapo nga niya e, ramdam ko sa aking mga mata ang pagningning nung una ko siyang nakita, feeling ko gusto ko siya este mahal ko na siya. Ganun dapat Lee"
"Tss... Corny mo sana hindi siya katulad sayo"
"So may pag-asa ba siya sayo?" tanong ko
"Wag muna natin yang pag-usapan." Sabi niya sabay alis. Beast mode nanaman si bessy. Okay lang sanay naman ako don.
Lumabas ako ng kwarto para kumain. 9:00am na pala. Naabutan ko si Manang na nagwawalis sa sala. Pagkakita niya saakin sinalubong niya agad ako ng ngiti.
"May gusto ka po bang kainin?" tanong nito
"Wag na po manang I can handle my self, ipagpatuloy niyo nalang po kung ano man ang iyong gagawin"
"Salamat po ma'am" tumango lang ako sa kanya at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng fresh milk at nagsalin sa baso.
"Pahingi" Napatingin ako kay Ally na nakapout. Hahaha sabi ko nanga ba e hindi ako matitiis ng babae nato.
Kaya kumuha din ako ng baso para sa kanya. Sinalihan ko din siya ng gatas at gumawa din kami ng egg sandwich. Natawa nga si manang saamin dahil sa pinagagawa namin ni Ally. Nasanay lang kasi kaming dalawa.
"Ally mamaya nalang kaya tayo mamili ng gamit, gusto ko ding mamasyal sa mall" Tumango naman siya saakin habang ngumunguya. Hayss patay gutom talaga yung kaibigan ko actually parehas talaga kami.
"Magpapahatid tayo kay Mang Canor"
"Can I go with you little sis?" Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko kaya binatukan niya ako ng dyaryo. Bagay talaga silang dalawa, mahilig mang batok.
"Syempre naman Kuya, double purpose nayun"
"Ewan ko sayo, kung ano ano nanaman yung pumapasok sa kokote mo. Its bad Liane" tsk. Ayan nanaman siya sa pagtawag sa akin ng Liane.
YOU ARE READING
To Love Someone (A Montero's Story)
Teen FictionLove is about a choice, you choose to love him/her and there are lots of consequences, seeing your love with someone else is emotionally painful but seeing him/her dying is emotionally and spiritually painful, love is not about selfishness because i...