Jean's POV
3 days na akong may lbm. Oo may lbm ako guys alam nyo bang sobrang sakit ng tiyan ko sakit talaga!
"AAAAAAHH!!! Ang sakit ng tiyan ko hohohoho"
sigaw ko sa classroom, sabay subsob ng mukha ko sa desk.
"Pst!!"
May kumalabit sakin, pagtingin ko si Christina classmate ko
"Anong nangyari sayo?"
"May dinaramdam lang, bakit?" Habang nakahawak sa tiyan ko.
"Ah ganun? Wala daw yung prof naten eh pwede na daw umuwi"
"Jusko salamat naman anyway thankyou tin"
nag wave-an lang kami ng kamay. Hayy salamat pwede na ako umuwi ng maaga."Ayy! May assignment pala kami!"
Bibili nalang ako sa national bookstore ng recipe book kailangan kasi sa culinary subject yun. Bakit pa kase nagkaroon ang tourism ng pagluluto huhu sumakto pang may lbm ako jusmeyo. Tapos bibili na din ako ng gamot.
"Ay teka text ko muna sila baka kasi maghintay sila sakin"
[Guys! Mauuna na ako sa inyo wala kaming last subject, hwag niyo nalang akong hintayin and pupunta pa ako ng mall para bumili ng recipe book at bumili ng gamot ko sa alam nyo na yun!! Bye love you all!! :)]
-message sent.
May nagreply si Elysse
[hoy pasalubong namin ah! Kahit fries&burger lang ah! Ingat ka!😄]
Tss, gutumin talaga yon kahit kailan
[OK👌👌👌👌]
*****
Naglakad-lakad muna ako sa mall, andami kong nakitang mga damit na magaganda, bag at sapatos. Sayang wala sila, kung kasama ko yung mga yun? Ayy !! Para kaming mga presong bagong takas. Maya maya ay may nakita akong.
NAKAKITA AKO NG
NG
NG ICE CREAM HOUSE!!!!
Nakita ko yung favorite ice cream shop nameng magbabarkada. Pumasok muna ako tapos bumili ako ng ice cream strawberry flavor. Ansarap grabe lasang lasa ko yung strawberry, yung tamis at yung gatas gosh. Kaso PaUbos na kaasar naman
*KRUGGGGGG*
May naramdaman akong kumulo, wait. Yung, YUNG TIYAN KO!
"Uh oh! Not now please! Oh my I forgot may LBM pala ko."
Peste naman to huhu Nakakahiya grabe tanga mo naman Jean kinalimutan mong may lbm ka gamot ang dapat binili mo hindi ice cream hays
Tinapon ko na yung ice cream kahit nanghihinayang. sayang naman! HUHUHU tumakbo na ako para maghanap ng c.r.
TAKBO
TAKBO
TAKBO
PASOK
Pumasok na ako sa c.r na nasa dulong part ng mall na katabi lang ng mga salon. Nice timing Jane! Di na ako nagpatumpik tumpik pa binuhos ko na yung hinanakit ko sa mundo
After 3 mins.
*Flash ng toilet*
"wooh!! Success!!"
bulong ko sa sarili ko ngunit bago pa man din ako lumabas may naamoy ako nadi kanais nais. Nilabas ko yung perfume ko dito inispray ko sa bawat sulok ng cubicle at pati na din sa toilet .inayos ko na ang uniform ko at lumabas na ng cubicle.
BINABASA MO ANG
A TALE OF SIX PRETTY DREAMERS (STILL REVISING AND EDITING, PLEASE DO NOT READ)
Teen FictionMaganda... check! Matalino... check! Mayaman... check! Ano pa bang pwedeng idescribe saming magkakaibigan? ay oo nga pala, syempre kami din ang pinakamabait! mabait sa kalokohan. ano ba akala niyo samin? mga maldita? it's a big NO! but if you're one...