Elysse's POV
"Tignan mo yun oh, ang gwapo ng kasama niya kaso yung babae? Ay! Bakit ganun"
Sabi ni Jean na naiirita sa babaeng nakita namin."Oo nga! Ang ikli pa ng short, puro barya naman hays"
Sagot naman ni Faye, nakakatawa talaga sila kasama, akala mo magaganda. hindi naman hays. naiistress ako medyo pag kasama ko itong mga ito dahil wala silang ginawa kundi mangjudge ng mga tao hahaha pero okay lang aminin natin na lahat tayo ganyan din minsan"Teka, couple shirt ba yun? Ano nakalagay girls?"
Sabat naman ni Krystal habang nakaturo ang daliri nya sa damit ng babae"NEVER GIVE UP"
Sabay sabay namin nasabi, pano ba naman kase, ang ganda na sana ng couple shirt kung maganda yung girl. Kaso hindi eh plus may bonus pa silang jejemon shirt. haysSi Angel naman nakatunganga lang sa lalakeng kanina pa namin pinagmamasdan, gwapo yung lalaki. moreno, bakat yung laki ng katawan nya sa damit nya, matangkad, may katamtamang tangos ng ilong.
Nagkwentuhan nalang kami ng ibang pwedeng pagusapan dahil medyo naaawa kami sa babae. oo medyo palang yun hahaha. at nakakahiya narin dito kay kuya neyo na staff dito sa 7eleven kasi sobrang ingay namin hihi. Pagbreak talaga namin dito diretso namin, 2 streets away lang naman sa school namin eh, so minsan late, madalas late parin. Pero di kame nagka-cutting class no!!! siguro pag pumuti na ang uwak, gagawin na namin yun
"Uy girls! Malapit na pala Friendship Day natin ha!"
Biglang singit ni Nikki habang kumakain ng piatos"Teka, ilang years na ba tayo?"
Tanong ni Faye nang biglang kinotongan siya ni Angel"A-arayyyy! Anu ba? Ano bang problema mo? inaano ba kita!"
Sabi ni Faye habang minamasahe ang ulo na sya pag batok ni Angel at aakmang gaganti pero di niya maabot-abot si Angel"Ikaw kase, ang tagal na natin magkakasama tapos di mo maalala? mag20 years na tayo no !!!"
Sagot ni Angel."Tanga ! 11 lang. Excited ka?"
Sabat ko naman kay Angel at inirapan sya"20 years nga ! ano imbento ka ha?"
Ang talak talaga ni Angel sakin"Kawawa ka naman , di marunong magisip. Ano, nasa tyan palang tayo ng nanay naten friendship na tayo? Wawa ka naman chicken brain."
"Kaya nga ako nga 18 years old palang tapos 20 years na agad tayo? hays Angel wala nang lunas dyan"
"Tama na nga yan! Sakit nyo sa bangs hays"
Singit ni Jean sabay ihip sa bangs nyaDi parin sila nagpatinag sa kung ilang taon na ba talaga kaming magkakasama. Si Angel naman ay pinakita pa ang isang polaroid ng mga bata pa kami. Kanya kanya na silang ingay, lagi nalang nila trip si Faye. Pero mabait yang batang yan. Actually mas matanda sya saken, pero mas mukha nga lang akong matanda dahil di pa talaga sya ganun namature dahil sa pagbababy sa kanya ng mga parents nya.
"UY GUYS! May balloons oh? Naaalala ko tuloy si Jane. Dun tayo lahat nagkakilala diba? hahahaha. DI AKO MAKAGET OVER."
Sabi ni Faye na humahagalpak sa tawa."Oo nga tapos si Angel nga umakyat pa sa puno para lang makuha yung lobo ni Jean kakaiyak HAHAHA."
Sabi naman ni Kylie na nakasalumbaba pa.*FLASHBACK*
Habang nagbabike ako, may napansin akong lumilipad sa langit. Ang ganda, naaalala ko siya. Ang cute.
"Hello Kitty na balloons. Gusto ko yun!!!"
Kaya naman agad kong binilisan ang pagpipidal ko at maya maya ay muntik kong mabangga ang isang batang babae na parang kaedad ko lang. Agad kong inihinto ang bike.
BINABASA MO ANG
A TALE OF SIX PRETTY DREAMERS (STILL REVISING AND EDITING, PLEASE DO NOT READ)
Ficção AdolescenteMaganda... check! Matalino... check! Mayaman... check! Ano pa bang pwedeng idescribe saming magkakaibigan? ay oo nga pala, syempre kami din ang pinakamabait! mabait sa kalokohan. ano ba akala niyo samin? mga maldita? it's a big NO! but if you're one...