🥀 03

1.4K 29 3
                                    

---

"Grace aalis ako ngayon! Teka, ikaw!muntik ko na makalimutan ano itong sinasabi sa akin ni Ian na wag ka na mag-asikaso dito sa bahay! Ang kapal naman ng mukha mo at nagsumbong ka pa sa anak ko. Kung ayaw mo naman pala magpautos dito! hala sige kunin muna mga gamit mo at umalis ka na dito."-Galit na sabi sa akin ni tita celine

Naghuhugas ako ng mga kaldero at tahimik na nakikinig sa mga masakit na salita ni tita sa akin.

"Wag ko lang malaman na sinisiraan mo ako sa anak ko malilintikan ka talaga sa akin. Bw*sit makaalis na nga!"-Iritang sabi ni tita at umalis na siya.

Ako na naman maiiwan dito sa bahay tinapos ko na ang paghuhugas.

Tiis na lang muna ako ngayon kapag umalis ako hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko talaga umalis.

Siguro magbabago rin sila balang araw at irato nila akong isang tao.

Kailan naman mangyayari yun? baka tumanda na ako hindi mangyayari ang iniisip ko.

Umakyat na ako dahil pagod na pagod na talaga ako. Palagi ako ginigising ni tita ng madaling araw para gawin ang gawaing bahay.

Nang may narinig akong umuungol na babae hinanap ko kung saan galing at pinakinggan.

"Rex! Oh..Rex..babe faster.!"-Sabi nung girlfriend ni kuya Rex.

Lumayo ako sa pintuan dahil kinikilibutan ako sa narinig ko.

Nagmadali ako lumakad at hindi sinasadya natumba ko yung pinakamahal na vase ni tita.

Lagot ako kay tita nito!

Narinig ko lumabas si kuya Rex at tiningnan ako.

"Babe..!"-Sabi nung girlfriend ni kuya Rex at lumabas rin sa kwarto.

Kumuha ako ng dust pan at walis sa kusina

Umakyat agad ako nang makita ko malinis na yung sahig.

"Kailan kaya kita maririnig na tinatawag ang pangalan ko."-Sabi niya sa akin at kumindat.

Alam ko ang ibig niya sabihin at kinabahan ako bigla.

Pumunta na ako sa kwarto ko at sinara ang pintuan.

Kahit na gwapo si kuya Rex bawal dahil magpinsan kami.

Lumapit ako sa cabinet at kinuha ko ang family picture namin ng namayapa kong magulang.

Bumagsak ang mga luha ko at masakit na tiningnan ang litrato.

"Bakit iniwan niyo ako ng maaga mama at papa? Miss ko na kayo yung panahon na masaya tayo sa hapagkainan at walang problema. Hindi niyo po ako pinaglinis ng gawaing bahay nang paulit-ulit. Namimiss ko na maging masaya kasama kayo! Bakit maaga niyo ako iniwan sana hindi na ako nahihirapan dito kila tita at binababoy ng anak niya."-Iyak kong sabi sa litrato.

Humiga ako sa kama at niyakap ang picture na iniingatan ko.

Nagbalik ang alaala sa akin na sobrang sakit tanggapin.

Flashback

"Mama! Papa!"-Sigaw ko at umiiyak

Grace Monteverde Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon