🥀 08

1.1K 19 1
                                    

---

"Grace kumain ka na!"-Sigaw ni tita celine sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Pagkatapos nang nalaman ko kay Alvin at sa nalaman niya sa akin umiwas na siya sa akin nang umamin ako ng katotoohanan tungkol sa kanya kahapon.

Flashback

"Ano ibig mong sabihin Grace"-Takang Tanong niya sa akin

Lumingon ako sa kanya at malungkot na nagsalita.

"Bukod sa akin meron pa siyang naging girlfriend na mahal niya talaga dahil nakita ko sila dito sa treehouse na may ginagawang milagro. Ako naman si Tanga naniwala na mahal niya talaga ako dahil may respeto siya sa akin at akala ko wala na siyang iba na ako lang ang mahal niya pero akala ko lang pala."-Masakit na sabi ko kay kuya Rex at lumapit sa may bintana.

Binuksan ko ito at malakas ang hangin tumingin ako kay kuya Rex.

"Pero may sulat akong nakita nung pumunta ako dito noon para magpahangin sana. Teka lang Grace ha! saan ko ba nakita yung sulat?"-Sabi ni kuya Rex at hinahanap ang sinasabing sulat.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero hindi ko pinansin.

"Ayun! Grace para sayo ata ito."-Sabi sa akin ni Kuya Rex at lumapit sa akin at binigay ang papel na lumang-luma.

Kinuha ko ito at binuksan ang papel na may sulat na nakalagay.

"Dear Grace, kung binabasa mo ito sorry dahil nagtaksil ako sayo. Mahal ko si Margaret hindi ko alam nalilito ako sa nararamdaman ko Grace. Sana mapatawad mo ako sa kasalanan na nagawa ko sayo at sana mahanap mo na ang lalaking magmamahal talaga sayo ng totoo. Hindi ako nararapat para sayo napagtanto kong si margaret talaga ang mahal ko. Grace hiling ko na maging masaya ka sa buhay kapag dumating ang araw ng kasal namin ni Margaret gusto ko maging ninang ka ng anak namin. From Carlo Villanueva."-Basa ko sa sulat ni Carlo para sa akin.

Tahimik lang sa tabi si kuya Rex nang magsalita ako.

"Hindi mo ba alam kuya Rex na si Carlo ang dahilan kung bakit ka nawalay sa mga magulang mo."-Sabi ko sa kanya

Nabigla siya sa sinabi ko at tumingin sa akin

"Ano?"-Sabi ni kuya Rex sa akin

"Nasaktan siya ng malaman niya na magkakaroon siya ng kapatid kaya nagplano siya ilayo ka nung sanggol ka pa. Kwento sa akin noon ni Carlo na may kapatid siyang lalaki. Ikaw pala yun kuya Rex!"-Sabi ko sa kanya

Nakikita ko sa mga mata niya ngayon ang lungkot na nararamdaman.

"Atska nga pala bakit ayaw mong tawagin kita sa totoo mong pangalan dahil villanueva ka na ngayon."-Sarkastiko kong sabi sa kanya

Siya pala yung nawawalang kapatid ni Carlo

End of flashback

"Grace!"-Tawag sa akin ni tita celine pero hindi ko siya pinansin.

Nakahiga ako sa kama ko ngayon at blanko ang isipan.

Grace Monteverde Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon