🥀 16

940 16 0
                                    

---

Umiiyak ako sa mga sinabi sa akin ni Devin. Nakahiga ako ngayon sa kama nang may pumasok sa kwarto.

"Kumain ka na daw sabi ni Devin?"-Sabi sa akin ni Lisa.

Pinunasan ko muna ang mga luha sa mata ko at tumingin kay Lisa.

"Sige susunod na ako."-Sabi ko kay Lisa.

Lumapit siya sa akin at tiningnan ako maigi.

"Bakit ka umiiyak?"-Tanong niya sa akin.

Umiling ako at tumawa dahil sa tinanong niya sa akin.

"Ano ka ba hindi ako umiiyak."-Pagsisinungaling ko kay Lisa.

Malungkot siyang tumabi sa akin at nagsalita.

"Hindi mo pa kilala si Devin dapat makaalis ka na dito kung hindi.."-Hindi na tuloy ni Lisa yung sasabihin niya nang dumating si Devin at nakangiti sa amin.

Lumapit siya sa amin at nagsalita.

"Ano pinag-uusapan niyo?"-Tanong ni Devin sa amin.

Tumingin sa akin si Lisa na parang kinakabahan kaya ako na nagsalita.

"Sabi niya kumain na daw ako."-Nakangiti kong sabi kay Devin.

Tumabi siya sa akin at tumingin kay Lisa.

"Lisa iwan mo muna kami ni Grace."-Seryosong sabi ni Devin kay Lisa.

Nakikita kong nagdadalawang-isip si Lisa pero ngumiti lang ako.

"Okay lang ako."-Sabi ko kay Lisa at lumakad na siya papuntang pinto.

Nang tuluyan na makaalis si Lisa lumingon ako kay Devin.

Kinakabahan ako sa sinabi ni Lisa sa akin at ngayon pinipilit ko maging kalmado sa harap ni Devin.

"Kumain na tayo."-Sabi sa akin ni Devin at hinawakan ang pisngi ko.

Sinikap ko ngumiti sa harapan niya at nagsalita.

"Sige."-Maikli kong sabi kay Devin.

Tumayo na siya sa kama at naglahad ng kamay sa akin tinanggap ko na lang kasi natatakot ako baka kung ano gawin niya sa akin.

Nandito na kami sa hapagkainan at nagkwento si Elise na sobrang ganda sa pinuntahan nila.

Biglang nag-ring yung cellphone ni Devin at nagexcuse sa amin tatlo.

"Sige kumain lang kayo! May kakausapin lang ako."-Sabi sa amin ni Devin.

Tumayo na siya at umalis na sa hapagkainan.

Biglang lumapit sa akin si Lisa at bumulong sa tenga ko.

"May sasabihin ako sayo pero hindi dito baka mahuli tayo ni Devin."-Mahinang sabi sa akin ni Lisa at tumingin kay Elise na nakaheadset na ngayon sa cellphone niya.

Nagtataka talaga ako kay Lisa at kinakabahan kapag nasa harapan namin si Devin.

"Sige."-Sabi ko kay Lisa.

Grace Monteverde Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon