🥀 23

827 10 0
                                    

---

Hinabol ko si Calvin at tinawag pero hindi niya ako pinansin.

"Calvin!"-Sigaw ko sa kanya.

Naglakad ako ng mabilis para maabutan ko siya at hinawakan ang braso niya.

Biglang nagsalita si Calvin at nasaktan ako ng husto sa sinabi niya sa akin.

"I hate you grace I will never love you and dont you ever say my name."-Galit na sabi ni Calvin.

Lumuhod ako sa harap niya at umiiyak.

"I love you so much wag mo gawin sa akin to! Ikaw lang ang buhay ko."-Pakiusap ko sa kanya.

Aalis na sana siya nang pigilan ko siya at nagsalita.

"Kahit ikaw na lang Calvin ang tumanggap sa akin masaya na ako dahil ikaw ang lalaking nagmahal sa akin ng totoo."-Ngiti ko sa kanya.

Iniwan niya na ako sa gitna ng malakas na ulan.

Bakit nangyayari sa akin ito?

"Ano ba kasalanan ko?"-Iyak na sabi ko sa kawalan.

I hate my life!

Gusto ko lang naman maging masaya sa buhay at mahalin ng lalaki tatanggap sa akin pero bakit ang hirap mangyari yun!

"Excuse me Miss, malakas po ang ulan baka magkasakit ka!"-Sabi sa akin ni Manong Guard.

Binigay niya sa akin yung payong at tumakbo. Ngumiti ako at lumakad na para umuwi nang may kotse na papunta sa akin.

"Get in."-Seryosong sabi ni Calvin.

Hindi na lang ako nagsalita at pumasok na sa kotse. Tahimik lang ang paligid dahil hindi kami nagkikibuan sa isa't-isa. Sinandal ko na lang yung ulo ko sa bintana at natulog.

"Wake up Grace!"-Galit na sabi ni Calvin.

Nagising ako at tumingin sa paligid. Nasaan ako? Lumingon ako kay Calvin at nagtatakang nagsalita.

"Nasaan tayo?"-Tanong ko kay Calvin.

Hindi sinagot ni Calvin ang tanong ko nang may pumasok sa kwarto at nashock ako kung sino ngayon ang nakikita ko.

"Kamusta ka na? Grace!"-Nakangising sabi ni Kuya Rex.

Tumingin ako kay Calvin at nagsalita.

"Calvin ano ibig sabihin nito?"-Tanong ko kay Calvin na seryoso ang mukha.

Naiiyak ako dahil bumalik na naman ang takot sa dibdib ko. Nagulat ako nang nasa harapan ko na si Kuya Rex at tumawa.

Biglang nagsalita si Calvin.

"I have to go Alvin, Congrats."-Sabi ni Calvin kay kuya Rex at tinapik ito sa balikat.

Ngumiti si Kuya Rex at umalis na si Calvin sa kwarto. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

"Ano kailangan mo sa akin!"-Galit na sigaw ko kay Kuya Rex.

Bigla niyang hinawakan ang panga ko at nagsalita.

"Tinatanong pa ba yan! Ikaw ang kailangan ko."-Sagot ni Kuya Rex sa akin.

Pinagsasampal ko si Kuya Rex at nagsalita.

"Nakuha mo na lahat! Kaluluwa at pagkatao ko. Hayaan niyo naman ako maging masaya sa taong mahal ko. Bakit pa kayo nagparamdam kung kailan masaya na ako. Ano pa ba ang gusto mo para matapos na lahat?!"-Galit na sabi ko kay Kuya Rex at may nakita akong gamit sa tabi ko at pinagbabato ko sa kwarto.

Umilag si kuya Rex sa mga bagay na binabato ko sa kanya at nagsalita.

"Tumigil ka na!"-Sigaw ni Kuya Rex at lumapit sa akin.

Kinuha niya ang hawak ko at hinawakan ang mukha ko. Hinalikan niya ako sa noo ko at nagsalita.

"Para matapos ang lahat magpakasal ka sa akin."-Seryosong sabi niya sa akin.

Napatigil ako sa sinabi ni kuya Rex at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"Mahal kita Grace sa simula pa lang, Patawarin mo sana ako sa ginawa ko sayo dahil labis lang kitang mahal. Hayaan mo akong bumawi sayo! Grace kalimutan na natin lahat magsimula na tayo sa bagong kabanata natin! Nagsisi na ako sa lahat ng kasalanan ko sayo. Grace Monteverde will you marry me?"-Sincere na sabi ni Kuya Rex sa akin.

Tumulo na lang ang luha sa mata ko at hindi ko alam kung ano sasabibin ko.

"Buti nakita ka ni Calvin kanina sa kalsada na nakaupo. Dinala ka niya dito dahil matagal na kitang hinahanap. Salamat sa mabait kong kaibigan na si Calvin Montevista dahil nakita ka niya."-Huling sabi ni Kuya Rex.

Umiyak ako dahil iniwan ako ni Calvin kay kuya Rex. Tumingin ako sa nakabukas na pintuan at nakita ko si Calvin na nakatingin sa amin dalawa ni kuya Rex.

"Pumapayag na ako magpakasal."-Sabi ko kay kuya Rex habang nakatingin ako kay Calvin.

Sumigaw sa tuwa si kuya Rex at nagsalita.

"YES!"-Masayang sabi ni kuya Rex.

Nakita ko sa mga mata ni Calvin ang lungkot kaya umalis na siya sa pintuan nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.

To be Continued...

Grace Monteverde Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon