🥀 27

1K 13 0
                                    

---

Ilang araw kong hindi kinikibo si Kuya Rex at galit ako sa kanila. Gusto ko mag-isa at ayoko makipag-usap sa kanila.

"Sorry, Alam ko galit ka sa akin. Si Denver talaga nagsabi sa akin. Kaibigan ko kasi siya kaya pumayag na lang ako. Ilang araw mo kung hindi pinapansin. Sabihin mo lang kung magbaback-out ka sa kasal niyo ni Denver. Tatawagan ko siya ngayon para icancelled..."-Sabi sa akin ni Kuya Rex at akmang kukunin na yung cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya nang pigilan ko siya at nagsalita.

Marami na silang inistorbo para sa kasal kaya nakakahiya naman sa mga tao na galing pa sa ibang bansa makaattend lang sa kasal.

"Hindi na kailangan."-Sabi ko sa kanya.

Ito naman ang gusto ni Denver pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Wala rin naman ako magagawa at hindi na ako magbabalak tumakas pa dito kasi ganun pa rin babalik pa rin ako dito kung magtatangka pa ako umalis.

"Okay. Hindi ka na galit sa akin? Bati na tayo! Sana dumating yung araw na tuluyan mo na ako mapatawad sa mga kasalanan ko sayo. Hindi ako magsasawa na humingi ng sorry dahil pinagsamantalahan ko ang kahinaan mo. Matagal na akong nagsisi sa nagawa ko sayo. Sana tanggapin mo ako bilang kuya mo. Alam ko naman na si Kuya Ian ang pinakamamahal mong pinsan. Nagseselos kasi ako noon sa inyo kaya nagawa ko ang hindi dapat mangyari sa atin. 19 years old palang ako noon kaya kaligayahan ang iniisip ko. Puro pasarap sa buhay ang ginagawa ko habang ikaw nahihirapan. Medyo nagmature na ako dahil 23 years old na ako ngayon. Habang lumilipas ang panahon lalo ako naguguilty sa mga nagawa ko. Sinisikap ko maging malapit ka sa akin bilang kapatid ko. Narealize ko na mahal kita bilang kapatid na babae kahit hindi tayo magkadugo. Alam ko hindi mo makakalimutan ang mga nagawa ko sayo noon."-Mahabang sabi ni Kuya Rex sakin at nakikita ko ngayon ang mga luhang bumabagsak sa mga mata niya.

Napaiyak ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Kuya matagal na kitang pinatawad, Kayong dalawa ni Tita Celine kahit wala na siya. Bakit ngayon pa kuya! Nahirapan man ako noon, minahal ko kayo ni Tita dahil wala na akong magulang nadadamay sa akin kundi kayong dalawa na lang. Sorry din sa nagawa ko noong isang araw. Dati gusto ko kayong saktan dahil ginagawa niyo akong alipin pero naisip ko mali pala gumanti sa taong malapit sayo. Tinitiis ko lahat ng masasakit na salita at pananakit ni Tita dahil minahal ko siya bilang tunay na magulang. Napatawad na kita sa mga nagawa mo sa akin kahit ganun yung ginawa mo umaasa akong magbabago ka balang araw. Thank you dahil nagbago ka na, sana mahanap mo rin ang taong mag-aalaga sayo sa pagtanda. Dapat ikaw muna magpakasal kasi mas matanda ka sa akin ng tatlong taon."-Sabi ko kay Kuya Rex at tumawa.

Humiwalay na sa akin si Kuya Rex at tumawa sa sinabi ko.

"Ikaw talaga palabiro!"-Sabi ni Kuya Rex sa akin.

Naging malungkot ako nang maisip ko si Calvin napansin agad ni Kuya kaya nagsalita siya.

"May problema ba Grace?"-Tanong sa akin ni Kuya.

Iniisip ko pa rin kung bakit hindi niya ako kayang ipaglaban at ipapaubaya niya ako sa iba. Hindi ko mahal si Denver! Nasaan na kaya siya ngayon? Napansin ko nakatingin sa akin si Kuya at nagsalita.

"Wala kuya, May naalala kasi ako."-Nakangiti kong sabi kay Kuya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko.

"Wag kang mag-alala mahal ka nun."-Sabi ni Kuya at ngumiti.

Sana nga kuya! Sana!

Yumakap ako kay kuya para mawala yung sakit na nararamdaman ko.

To be Continued...

Grace Monteverde Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon