Chapter4

0 0 0
                                    

May kinuha muna siya sa bag niya. At
isang mineral bottle iyon na kalahati na
lamang ang laman saka siya humara]p
sa mga kaibigan. "Ganito 'yon, guys,
kapag pinaikot ko ang bote na 'to
at kung kanino tumapat ay siyang
magsasabi kung sino ang i-kiss niya sa
grupo, kung sino ang pakakasalan niya
tapos ay kung sino ang gusto niyang
patayin! Kaya tinawag ang game na it<o
ng KISS, MARRY AND KILL!

Na-amazed ang lahat sa paliwanag
niyang iyon. Their face lightened up.

"Game?" kava na-excite na hamon niva
sa mga ito.

"Game!" Hindi KJ na tugon nina Mieko,
Harvey at Je Em sa kanya. Maliban kay
Prince. Napailing lang ang binata. Saka
si Jane na parang nabahala naman ang
mukha

Napatingin siya sa katabing dalaga.
"Jane, sali ka, okay?"
"Huh?!"

Nagtawanan ang lahat. Lahat, kasi ang
tahimik na si Prince ay nakisama na rin
ng tawa. Inirapan niya ang mga ito. Ang
ba-bad!

Muli ay nahihiyang nagyuko tuloy ng
ulo si Jane..

Pagkatapos nilang umupo ng paikot ay
inilagay na ni Hazen ang bote ng min
eral water sa gitna nila. Sakto lang ang
ilaw ng kanilang cell phone na nilagay
nila sa mga pagitan nila para maging
tanglaw nila sa madilim na paligid
"Walang kill joy, hah? 'Pag kiss, i-ki-kiss
talaga 'yung mapilili niyong i-kiss
hah?" at may pilyang sabi niya.

"What?!" reklamo nga agad ng
ngiwing-ngiwing si Meiko.

"Wow, hah?! Parang ayaw mo ang kiss
namin, ah? Ganda mo!" Pasarkastikong ingos ni Je Em dito.

Nagtatawang tinulak ni Meiko sabalikat ang binata.
Natawa rin siya. "Don't worry sa pisngi
lang naman 'pag kiss."
"Sige na paikutin na 'yan!" excited
namang saad ni Harvey. Pinagkiskis
nito ang mga palad na animo'y
natakam sa masarap na putaheng
inilapag sa harapan nila.
"Okay!" At ini-spin na nga niya ang
plastic bottle.

Tuon na tuon ang tingin nila sa umiikot
na bote. At nang tumigil ang bote ay
kay Prince tumuro.
"Ayos!" Tuwang-tuwa si Je Em para kay
Prince. "Makaka-score na si lover bov!"
Ang tahimik lang na si Prince ay
napamasahe naman sa batok habang
nakangiti.
"Prince, ito na ang game! Sino ang i-ki-
kiss mo, i-mi-marry mo at i-ki-kill mo?'"
katanungan agad niya sa binata at baka
hindi makisama si Prince. Ito pa naman
ang mailap sa kanila sa barkada.

"Ikaw. Alam mo namang crush na kita
noon pa, ang nakakagulat nga lang na matapat na sagot ng binata sa kanya.
Nakangiti man ay seryoso ito.

Nagtawanan sina Je Em, Harvey at
Mieko. Kinilig naman si Jane kahit na sa
mga sandaling iyon ay nanahimik dahil
kinakabahan ito.

"Heh! Pero sige na nga, kiss mo na
ako!" napilitang aniya. She knew she
was blushing. Pero para iwala ang
tensyon ay siya na mismo ang naglapit
sa pisngi niya sa binata. Oo, noon pa
ay gusto na siyang ligawan ni Prince.

Ayaw lang niya dahil baka makasama
iyon sa grupo nila. Mas maganda kung
magkakaibigan na lamang silang lahat
o magturingan na magkakapatid.

Pagka-kiss ni Prince sa pisngi niya ay
napatayo ang binata at nagsasayaw
ng budots. Ang tahimik na binata ay
naging kenkoy na. Kung hindi pa hinila
ito ni Harvey ay hindi na uupo.
Tawa sila nang tawa.
"Panget mo, bro!" kantyaw ni Je Em
Nagtatawa na rin si Prince.
Deep inside ay kinilig din naman siya.
Di lang niya pinahalata.


Kiss, Marry, KillWhere stories live. Discover now