Chapter12

0 0 0
                                        

Ngayon lang niya nakita ang binata na ganito.
Di naman nagtagal ay kumalma rin si Prince. Napabuntong-hininga ito ng
malalim at parang nanghina na umupo sa pang-isahang sopa. Nakasabunot ang
dalawang kamay nito sa buhok nito. Mukhang gulong-gulo rin ito tungkol sa
nängyari
Binalot na sila ng katahimikan. Tanging ang singhot niya ang naririnig
"I'm really sorry, Hazen, I just don't want us to be involved. Hayaan mo na lang
kasi. Gusto mo ba magulo ang buhay mo dahil lang sa insedenteng iyon? Pa'no
ang mga pangarap natin? Ang babata pa natin para makulong o ano man. Kaya
sana, pakiusap, please tumahimik ka na. Makisama ka na lang. Ilayaan mo na si
Jane. Siguro ay kapalaran niya ang nangyaring ito. Mas isipin na lang natin ang
kapakanan natin keysa sa kanya," hindi tumitingin na pakiusap ni Prince sa
kanya. Malumanay na ang tinig nito
Napatingala siya at napabuga ng hangin sa bibig. Tumutulo pa rin ang luha niya.
Nagtatalo na ang isip at puso niya
"Iello, larvey?" Mayamaya ay narinig na lang niya na may kausap sa cell phone
si Prince. "Yeah, 'andito kami sa bahay."
She bit her lower lip, trying not to opposc again
"We're okay. Si Je Em at Meiko kasama mo?"
Oo'siguro ang sinagot ni Harvey sa kabilang linya dahil tumango-tango si
Prince.
"So' what's the plan?" ta's tanong ulit ni Prince saka nanahimik dahil
pinakinggang mabuti ang sinasabi ni Harvey sa kabilang linya
Habang abala sa pakikipag-usap si Prince ay pinag-isipan na rin niya ang
nangyari. Yapak niya ang sarili na tinimbang ang lahat sa kanyang isipan. Ngunit
natapos na si Prince sa pakikipag-usap sa cell phone ay wala pa rin siyang naisip
na tama. Mali pa rin ang kanilang ginawa.
Magkagayunman, naisip na rin niya na may punto nga si Prince. Paano nga kung
madamay sila?
"Sabi ni Harvey, kung sakaling namatay si lane ay dapat daw bukas ay iisa ang
sasabihin natin o isasagot natin kapag mag nagtanong sa'tin." Tinig ni Prince na
umuntag sa kamalayan niya.
Medyo nagulat pa siya na tumingin sa binatang nagsalita
"Sigurado kasi yon, na tayo ang tatanungin ng mga pulis dahil alam ng lahat na
tayo ang huling kasama ni Jane.
Sa sinabing iyon ni Prince ay nagsimulang sumibol sa dibdib niya ang takot sa
mga pulis. Kaya ba niyang magsinungaling?
"Kaya dapat iisa lang ang isasagot natin para maniwala sila," sabi pa ni Prince
"A-anong isasagot natin "A-anong isasagot natin?
"Na naunang umalis si Jane. At dahil nakita tayo ng guard kanina na
nagtatakbuhan sabihin natin na nagkukulitan lang tayo. Tapos ay nauna sa atin si
Jane na umalis. At hindi na natin nakita 'yung nangyari sa kanya."
Natutop niya ang bunganga pagkatapos marinig iyon kay Prince. Gagawa sila ng
kasinungalin para lang sa kapakanan nila. They are all crap!

Kiss, Marry, KillWhere stories live. Discover now