Chapter7

0 0 0
                                    

Si Je Em na mismo ang nagpa-ikot ng
botelya ng mineral water 'wag lang
matapos ang laro nila. At swerte dahil
dito nga tyempo tumapat ang bote.
"Yeah!" Sa katuwaan ay napasuntok sia
hangin ang binata.

"Who you want to kiss, Bro?" tanong
dito ni Harvey.

"Si Mieko!" Hyper na turo ni Je Em kay
Mieko.

Bumusangot ang dalaga. "Sabi ko na
nga ba may lihim kang pagnanasa sa
akin!"

Napahalagpak ng tawa si Je Em
Nakitawa na rin din ang lahat.

"Sige na kiss mo na ako! Baka 'pag hindi
kita pagbigyan, eh, mabangungot ka
amaya!" Saglit ay pag-unlak ni Mieko.
Ini-ready nito ang pisngi.

Nagmamadali na ngang lumapit si Je
Em at madiing hinalikan ang pisngi
ni Mieko. Mapang-asar talaga dahil umaktong ipapahiga pa ang dalaga.
Mieko. Tinutulak nito ang binata pero
ayaw nang magpaawat ni Je Em
"Bro, tama na!" Grabe ang tawang hila
nina Prince at Harvey rito.

Ang lutong naman na naging tawa nina
Hazen at Jane.
Pagkatapos ay sangkatutak na kurot
at hampas ang ginawa ni Mieko kay Je
Em. "Manyak ka! Manyak ka!"
Mas napuno ng tawa ang buong
classroom nila na madilim
Yahoooo!" Nadagdagan pa ang
katuwaan nila nang bigla nang umilaw.
Apiran sila. Sa wakas maitutuloy na
nila ang pag-insayo
Tumigil na si Mieko sa pambububugbog
kay Je Em. Nagsitayuan na silang lahat.
Hudyat na tapos na ang laro
"Practice na ulit tayo!" ani Harvey.
"Sige!" sagot ni Te Em. Ito na ang
nag-play sa radyo.
Pumusisyon na sila.
"Jane, halika na!" Pag-anyaya ni Hazen
sa kasama. Nakalimutan niyang hindi
na kasama si Jane sa practice kaya
pinasisintabi kanina ito ni Harvey.
"Hazen, hindi na siya kasama,"
pagpapaalala ni Je Em. Pinause nito ang
sasayawing tugtog.

Natigilan na si Hazen. Kasabay nang
pag-aalala niyang tatanggalin na sa
grupo si Jane ay ang pagbabalik din ng
pagkaawa niya rito
"P-paanong hindi na ako kasama?"
Nanglid na agad ang luha sa mga mata
ng kawawang si Jane. Palipat-lipat
ang tingin nito sa limang kagrupo.
Nakaramdam na.

"Jane, pasensya ka na pero tanggal ka
na sa grupo," walang pasintabi na sabi
ni Je Em. "Babalik na kasi si Rosemarie
kaya hindi na namin kailangan ikaw."
Bumagsak na ang mga luha sa mga
mata ni Jane. Parang pasabog iyon sa
pandinig ng dalaga. At saka nagtatakbo
na na umalis pagkapulot sa backpack
nito.

Kiss, Marry, KillWhere stories live. Discover now