Chapter19

0 0 0
                                        

Ngunit anong awang ng labi niya when Harvey spoke up. "Pumunta ka! Pupunta
tayo!"
Pati man sina Mieko, Prince at Je Em ay napatanga. Makikita ang katanungan sa
mga mukha nila, is he serious?!
"Para makita nila na malinis talaga ang konsensya natin sa pagkamatay niya,"
paliwanag naman agad ni Harvey.
KINAGABIHAN nga ay sakay ng taxing inarkila nila ay sunod-sunod na bumaba
roon ang magbabarkada nang nasa tapat na sila ng bahay nina Jane.
Kita nila agad ang maraming nakikiramay. Siguro ay dahil last night na.
"Guys, ako lang ba ang tinatayuan ng balahibo sa katawan?" ani Je Em habang
pinu-punas-punas nito ang mga braso.
"The heck! Natatakot ako, ah!" ani naman ni Mieko. Kumapit ito sa braso ni
Harvey
Akala ko ba wala tayong kasalanan bakit kayo natatakot?" pangongonsensya ni
Hazen sa dalawa.
Inirapan siya ni Mieko saka tinulak bahagya sa braso. "Syempre lamay 'to. Kahit
saan naman 'pag dadalaw ako sa patay natatakot ako!"

Ow?" Nag-pout siya with a small grin. "Baka nagi-guilty ka lang din sa ginawa
natin kay Jane?"
"Hazen, shut the hell up! Baka may makarinig sa'yo!" saway ni Harvey sa kanya.
Tumigil naman siya. Tinginan sila ng masama ni Mieko. Pero 'di nagtagal ay
napahagikgik siya. Tinawanan niya si Mieko dahil tinatakot lang naman niya ang kaibigan. Pero sana talaga mga makonsensya sila.
"Ikaw talaga!"tulak ulit ni Mieko sa kanya.
Pinilit niyang matawa.
Di nila napapansin si Prince na palinga-linga sa paligid. Pakiramdam kasi ng
binata ay may pares ng mata na nakamasid sa kanila. Kinukutuban ito ng hindi
maganda
Sorry," tatawa-tawang hingi niya ng pasensya kay Mieko.
Tse!" simangot ni Mieko pero 'di rin nagtagal ay nagtatawa ito at chineer-up
siya."Dapat ganyan! Dapat ganyan ka!"tapos ay tuwang-tuwa na itong sa kanya.
"Nagbalik na si Hazen natin, guys!" at tuwang sabi pa nito kina Harvey, Prince at Je Em.
Sa tingin ko nga! Marunong na ngang tumawa ulit 'di tulad ng mga nagdaang
araw na nakatulala lang," natuwang saad din ni Je Em.

"Hch! Masaya lang ako kasi sinamahan niyo ako ngayon dito," nag-blush na wika
niya. At totoo yon. Naisip niya rin kasi na kahit paano ay may halaga rin ang mga
kaibigan kay Jane. Ayaw lang nilang aminin gawa malamang ng takot nila dahil
sa nangvarn.
Mababait naman sina IIarvey, Je Em, Mieko at Prince, ch. Natatakot lang talaga
sila na masangkot sa gulo kaya ganito sila ngayon. At naiintindihan na niya sila.
Saka kanina siniksik na niya sa isipan niya na aksidente lang talaga yung
nangyari kay Jane. Makonsensya man siya o sila ay dahil sa kapabayaan nila
Aksidente lang!
At kahit naman ano ang gawin niya ngayon ay 'di na maibabalik pa ang buhay ni
Jane. Kahit pa sabihin niya sa mga pulis na hindi sana tatakbo si Jane no'ng
gabing iyon kung hindi nila sinaktan ang damdamin nito ay wala na ring
magagawa. Patay na si Jane! Tanggapin na lang!
"Let's go!"Nagpauna na si Harvey sa pagpasok. Si Harvey talaga ang leader nila.
'Wait!" Habol ni Mieko sa binata. Kumapit ito na parang tuko sa braso ni Harvey.
"Landi mo talaga!" sita ni Je Em sa dalaga.
"Heh! Sclos ka lang" Pang-aasar naman ni Micko.
Kapal mo! Feel mo talaga gusto kita? Yuck!"

Kiss, Marry, KillWhere stories live. Discover now