Chapter11

2 0 0
                                    

"You drink first." Pag-aalok ni Prince ng baso na may tubig nang kumalma na ang
dalaga.
Hazen took it and drank a little. Parang binasa lang niya ang lalamunan niya.
Sisinghot-singhot na lang siya ngayon. She's trying to calm herself even she's still
worried about what happened to Jane.
You okay now?" Naniniguradong tanong ni Prince nang inilapag niya ang baso
sa center table.
She just nodded as an answer.
They are here now at Prince's family house. Dito siya dinala ng binata para wala
raw makakapansin sa kanila. Wala raw kasi ang Mama at Papa nito ngayon dahil
may mga pinuntahan. At dito ay makakapag-usap sila ng maayos tungkol sa
nangyari kay Jane.
"H'wag mo nang isipin 'yon. Forget it. I'm sure someone has seen Jane already
and she was taken to the hospital now. And malamang ligtas na siya ngayon kaya
"What if wala?" she cutted him off.

Prince was stunned. Napatitig ito sa kanya na kanya namang sinalubong. At si
Prince ang unang nag-iwas. Napahimas ito ng batok nito
"What we did is wrong" galit ang tinig na sabi niya. "Dapat ay tinulungan natin si
Jane! Hindi yong parang hayop siya na iniwan natin do'n!
"Hazen, inisip lang natin ang sarili natin! Pa'no kung madamay tayo ro'n?! Eh
wala naman tayong kasalanan! Kasalanan ng driver ng kotse! At kasalanan din ni
Jane dahil bigla siyang tumawid!" Tumaas na ang boses ni Prince
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Prince?! Are you sure?! Wala tayong kasalanan?!
"Oo! Dahil hindi natin sinabi na mag-inarte siya ng gano'n!" mabilis na sagot ni
Prince. Napatiim-bagang din ito.
Hindi makapaniwalang napailing-iling siya. "I can't elieve you, Prince! Nasasabi
mo talaga 'yan?! Gayung tayo ang nagtaboy sa kanyal Nasaktan natin siya kaya
gano'n ang naging kilos niya! Kahit sino gano'n ang magiging reaksyon sa ginawa
natin!"
"Stop it, Hazen! It's not our fault!" Napatayo si Prince at napasinghap ito sa
hangin. Saka napahilamos sa mukha nito't napamaywang. Nagbalik ang tensyon
nito, ang takot sa nangyari
Tumayo rin siya. Tiningnan niya ng masama ang binata. "Prince, bumalik tayo
ron! Tulungan natin si Jane!
Nanlilisik ang mga mata ng binata na tumingin sa kanya. Nagtama ulit ang naglalabang tingin nila. At sa si Prince ulit ang unang nag-iwas ng tingin. Ayaw
niya kasing magpatalo. Siya ang tama rito! Sigurado siya!
"Kung ayaw mong sumama, ako na lang!" matatag na sabi niya sabay hakbang
paalis. Desidido talaga siyang tulungan si Jane, Mangiyak-ngiyak ulit siya. IHindi
talaga kaya ng konsensiya niya ang ginawa nilang kapabayaan.
Ngunit ilang hakbang palang siya ay pinigil na naman siya ni Prince. Hinila ulit
siya sa braso kaya paikot siya napaharap sa binata. Muntik pa siyang napasubsob
sa dibdib ni Prince, buti't naitukod niya ang isang kamay niya.
"You're not leaving!" At nagbabantang ani Prince. "Hindi mo ipapahamak ang
grupo, Hazen!"
"Prince?!" Nahintakutan siya. Napadilat ng husto ang mga mata niya. Hindi na
niya kilala ang Prince na kaharap niya ngayon
Tapos ay marahas siyang tinulak ng binata. Muntik nang mapasubsob naman
siya sa mga display ng bahay
"Sorry, Hazen, pero kasi ang tigas ng ulo mo! Sinabi ko na nga na wala tayong
kasalanan! Kaya hindi ka babalik doon! Hindi ako papayag na madamay ang
pangalan ko sa pesteng Jane na 'yon! Katangahan niya ang nagpahamak sa kanya
hindi tayo!" Ang hitsura ni Prince habang sinasabi iyon ay parang sinaniban ng
demonyo. Nakakatakot.
Hindi na siya nakaimik pa. Para na siyang naging basang sisiw na napasiksik sa
sulok ng kinatatayuan. Mas takot na takot na siya kay Prince ngayon.

Kiss, Marry, KillWhere stories live. Discover now