Kaizer's POV
Papunta ako ngayun sa isang restaurant kung saan dun kami magkikita ni Mr.Alcantara, my investigator sa babaeng nabangga ko na hindi kopa kilala.
Pag karating ko sa harap ng resto ay bumaba na ako ng kotse, malayo palang ay tanaw kuna si Mr. Luis na naka upo sa table.
Pumasok na ako at pag karating ko sa Table, agad syang tumayo At nilahad ang kanyang Kanang kamay.
Hindi ko ito pinansin At umupo nalang at nang ma umpisahan na ang mga bagay na dapat kung malaman.
"Quile Krystel Maiden" pag uumpisa Nya "17 years old iniwan sya ng kanyang Ama, at namatay naman ang kanyang ina nung pinanganak sya kaya Lolo nya nalang ang nag aalaga sa kanya" dugtong nya
Inibot nya sa akin ang envelope nanag lalaman ng mga ditalye sa buhay ni Krystel daw?
"Namatay ang Lolo nya kahapon" ani ni Luis.
Natahimik ako at napagtanto na kaya pala tumatakbo syang lutang at hindi namalayan na nasa gitna na sya ng kalsada kagabi, tsss. Nadamay pako sa katangahan nya.
"Asikasuhin mo ang libing ng lolo nya Mr. Alcantara medyo matatagalan pa sya sa hospital ikaw na ang bahala" sabi ko at tumayo na.
"Masusunod Mr. Gray" Sagot nya sakin.
Lumabas nako sa resto at aktong bubuksan ko na ang pinto ng aking kotse, ng biglang nag ring ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag at bigla akong pangiti sa balita ng aking sekretarya.
"Yes! I'll be there"
Tanging sagot ko at pinatay na ang tawag, agad kong pinaharorot ang kotse papunta Sa hospital.
Charmie's POV
Hi I'm Charmie Lou, Mr. Ken Kaizer Gray's secretary.
Kakagising ko lang nung tumawag si Sir Ken sa akin at pinapapunta nya ako sa Hospital.
Agad naman akong nagmadaling maligo, mag bihis at binilisan ang pagpatakbo ng aking kotse papunta sa isang hospital na kung saan ay si Sir ken ang nag mamay-ari.
Pag kadating ko sa hospital ay agad kung nakita si Sir ken Sa labas ng emergency room. Nagulat ako nung makita Ang dugo sa kanyang damit. Nakaramdam ako ng kaba Sa hindi ko maintindihan at kung bakit ako kinakabahan.
"Sir Ken! Bakit? Ano na naman ba ang ginawa mo bat ka puno ng dugo? ano na namang gulo ang pinasok mo at baka ikapahamak mo pa ito? ginagawa ko naman lahat para sayo pero bakit ganito? hind pa ba un sapat para mapansin moko? alam kung may mahal kanang iba pero bakit ka nag papakatanga sa kanya? Kasi alam mo din na matagal kana nyang niloloko.....Sir Ken! Bakit?.....Bakit?...." hindi ko namalayan na wawala na pala ako sa katinuan, nakatulala at naka tingin na lang ako kay Sir Ken.
Bumalik ako sa realidad ng yugyugin ako ni Sir Ken at agad naman akong umiwas ng tingin at animoy nag papanggap na parang walang nangyare.
"Secretary Lou! Pinapunta kita dito para mag bantay" pag uumpisa nya "Cancel all my meetings" dugtong pa Nya.
"masusunod Sir Ken" tanging naisagot ko lang at tinalikuran na nya ako.
Padabog akong papasok sa emergency room at aktong bubuksan kuna ang pinto nang may narinig akong sigaw sa hindi kalayuan.
"Call me If ever na magising na sya"
Sabi nya bago naglakad na palayo. Hindi na ako nag abalang sumagot dahil hindi nya nadin naman maririnig at mas lalong wala naman akong may magagawa kundi sundin ang inuutos nya.
Minsan na iisip ko na kung hindi ko lang talaga mahal si Sir Ken ay matagal na akong umalis sa trabahong ito, naalala kopa dati na, sobrang dami naming nag apply ng trabaho at nag uunahan sa pwestong ito.
Sino ba namang babae ang hindi ma lolove at first sight sa lalaking yun? Bukod sa gwapo't matangkad, may perpektong pangangatawan at higit sa lahat ay Mayaman, yun nga lang pinag kaitan ng magandang asal at ugali. Pero hindi mo din naman sya masisi patay na ang kanyang Ama at Ina, minsan napapaisip ako na baka allergic sa tao si Sir Ken pero syempre Joke lang.
Ipinag patuloy kuna ang pag bukas ng pinto at bumungad sa akin ang isang babaeng naka higa At puno ng mga aparatos sa kanyang katawan.
Nakaramdam ako ng awa, kasabay ng napakadaming tanong sa aking isip ngunit isinawalang bahala ko lahat ng tanong sa aking isipan dahil masasagot din ang mga tanong ko sa tamang panahon.
Naalala ko ang sinabi ni Sir Ken sa akin na ecancel ang lahat ng kanyang meetings kaya agad kong tinawagan ang mga client nya na hindi na muna matutuloy ang meeting nila kay Sir Ken.
Hind ko namalayan ang pag lipas ng bawat Sigundo, minuto at oras na nandito ako. Kung ano anong iniisip ko habang naka upo lang sa gilid at binabantyan kung kailan magigising ang babaeng ito.
"Sino nga ba sya? Bat parang ang special nya Kay Sir Ken at Pina Cancel lahat ng meetings mabantayan lang sya" tanong na Bumabagabag sa aking isipan.
Nag pakawala nalang ako ng buntong hinga ng maramdaman ang pag galaw ng daliri ng babae.
Agad kung tinawag ang doktor upang masuri na sya. At gaya nga ng utos ni Sir Ken sakin, tinawagan kuna sya at sinabing nagising na ang babae.
"S-Sir Ken! Gising na sya" nauutal na Sambit ko, hayst bat ba kasi hindi ko mapigilan ang manginig sa kaba pag naririnig ang boses nya, nakakatakot kasi ang lalaking yun, hayst kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking iyun eh, baka naka alis nako dito at mag hanap ng bagong trabaho pero wala eh hindi ko kayang malayo sa kanya kahit na malabo nya akong mapansin.
"Yes! I'll be there" tanging naisagot nya at pinutol na ang aming usapan.
Binaling ko ulit ang aking tingin sa babaeng sinusuri ng doktor.
"Sino kaba talaga?" I ask my self for the third time.
BINABASA MO ANG
WHO?
Mystery / ThrillerShe found herself lying in the middle of nowhere. As she looks at her blood-stained shirt, she lift the tip of it and she can see the fresh deep cut bleeding in her belly. She thought of the idea of being lost, she has to figure out something she di...