CHAPTER 4

28 4 1
                                    

Kaizer's POV

Naka ramdam ako ng awa sa babaeng ito, alam ko kung gaano kasakit ang kanyang nararamdaman at kung gaano ka hirap tangapin na mawalan ng mahal sa buhay.

Habang kayakap ko sya ay dinig na dinig ko ang bawat hikbi nya na animoy dahilan para mas lalo akong maawa sa kanya.

Kaya kumawala ako sa pag kakayakap sa kanya, hinarap ko sya at pinahiran ang kanyang nang uunahang luha

"everything will be alright"

Tanging lumabas sa bibig ko at sanay makatulong iyon para mabawasan ang sakit na dinaramdam nya.

Nakatulog sya sa aking bisig ng hindi ko namalayan

Agad ko syang hiniga at muling ibinalin ang aking tingin sa aking sekretarya.

"Secretary Luo" pag uumpisa ko

Agad naman nya akong tinignan at nag hihintay ng sunod kung sasabihin

"thank you sa pag babantay sa kanya, alam kung may pasok kapa kaya maari kanang umuwi"

"Sir total nandito na rin lang naman ako eh samahan nalang kitang mag bantay sa babaeng iyan, saka sir sino bayan?" she ask me seriously

"Her name is krystel, nabangga ko sya sa isang lugar na hindi ako ma syadong pamilyar kaya wala akong nagawa kundi ang tulongan sya at ayoko ding madungisan ang pangalan ko just because of what happened"

Sagot ko nalang na parang wala saking sarili hindi ko alam kung anong bumabagabag sa aking isipan.

"What!? Sa lugar na hindi pamilyar sayo? Sir naman baka niloloko kalang nyan, uso ngayun yung mga ganyang modos, kunwari mag papabangga tas ang kinalabasan hihingian ka ng pera, kaya Sir baka plano lang lahat ng ito! Pabayaan nalang natin jan, and besides may pasok kapa sir!"
Sambit nya na may halong pag aalala.

Ang lawak talaga ng imagination ng babaeng ito Ewan koba bat sya ang napili kong maging secretary, pero No choice ako since sya na mismo ang nag sabi sakin o  nagpresenta ng kanyang sarili na maging secretary ko sa kadahilanang kahit na namatay daw ang parents nya gusto nyang sya na lang daw ang mag papatuloy ng trabaho ng kanyang ina bilang secretary din ng parents ko nung buhay pa sila, so ayun sa dinami dami ng nag apply sya ang pinili ko.

Even she is just 18 year old girl ay may angking talino si charmie kaya nga ako humahanga sa kanyan, pero minsan sumusubra na nga lang yung imahinasyon nya.

Hindi ko nalang sya sinagot at dahil dun ay mukang hindi na maipinta ang mukha nya sa subrang inis pero wala talaga akong pake sa kung ano man ang sasabihin nya.

Tumayo na sya at padabog na lumabas dahil siguro alam na na nya na kahit anong tanong nya hind parin ako sasagot.

Kilala na ako ng aking secretary dahil tatlong taon na din syang bag tatrabaho sakin kaya alam na alam na nya ang aking ugali.

Hindi ko nalang ito pinansin at binaling ko nalang ang aking tingin sa babaeng naka higa na mahimbing na natutulog.

Hindi kuna na din namalayan na unti unti na palang pumipikit ang aking mga mata ng biglang mag ring ang aking cellphone lumabas ako sa kwarto at hindi kuna tunignan kong sino ang tumawag at agad ko nalang sinagot.

"What!?" pasigaw kong tanong dahil nakakastorbo sa aking pag tulog

("Ken! Wag mokong sisigawan! Saan ka naman ba nag sisiksik at hindi ka pumasok?") pasigaw ding sagot sa kabilang linya.

And I Know Si James yun ang chismoso Kong kaibigan.

"Pwedi ba! wala kang pake Saka problema kuna yun" pasigaw kuna ding sagot sa kanya.

("hayst hindi naman kita tinawagan para lang dun")

"pede ba deretsohin muna lang ako! Ano kailangan mo? Bat ka napatawag?" I ask him seriously na may halong inis.

("Yung girlfriend mo kanina pa nag wawala dito sa office Tinatanong nya ako kung nasaan ka")

"Just dont mind her! Ako na bahala"

("fine! Kailan ka papasok?")


"hindi ko alam pero papasok agad ako pag natapos kuna ang gusot na ginawa ko"

Hindi kuna hinintay ang sagot nya at agad ng pinatay ang tawag.


Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok ulit sa kwarto, nadatnan ko si Krystel na kausap si Doctor Fernandez

Lumapit ako sa kanila at agad naman nilang napansin ang aking presensya, nabaling ang aking tingin sa babaeng titig na titig sa akin.

"what?" tanong ko sa kanya dahil sa grabe sya makatitig sa akin, nakakainis naman ito yung pinaka ayaw ko sa lahat eh Ung titigan ako.

Pero agad namang napawi ang aking inis ng bigla syang ngumiti sa akin.

"salamat"

Sagot nyang naka ngiti parin ginantihan ko rin ang kanyang titig sabay ngiti ewan ko bat sya nag papasalamat.

Nabaling ang aking tingin kay Doc. Fernandez at wariy nakangiti rin ng nakakaloko na naka tingin sa amin, oh problema ng isang to?

"well Mr. Gray Hindi ko akalain na mabilis syang makakarecover at dahil dyan kunting pahinga nalang ay pwede na kayong lumabas"

Agad na syang lumabas at naiwan kaming dalawa ng babaeng ito.

Ayokong tawagin sya sa pangalan nya, masyadong OA ang pangalan nya saka Hindi bagay sa kanya.

Mag iisip nalang ako ng ipapangalan sa kanya, hmmm....Pano kaya kong Stupid? Ah hahaha sigurado akong magagalita sya, lahat naman ata kasi ng tao pag sinabihang ganun  magagalit panigurado.

Panangiti ako sa naiisip ko The heck! Bat ako natatawa sa sarili ko? Shit! Nababaliw na ako!

Agad naman akong nag seryoso ng makita ko syang naka tingin sa akin na wariy nag iisip bat ako ngumingiti.

"ano nga pala ang nangyari bat ako napunta dito?" she ask me sabay kunot ng kanyang kilay

"dahil sa katangahan mo! Napunta ka sa gitna ng daan at saktong mabilis ang patakbo ko ng kotse kaya ayun hindi ko namalayan na nay tumawid kaya nabangga kita"

I think tama naman ung sinabi Ko diba? Tanga naman talaga sya ehh hayst kung hindi dahil sa kanya mapayapa sana ang buhay ko at naka pasok pa sana ako ngayun.

Agad na nag iba ang ekspresyon ng mukha nya at nag uusok na ito sa galit basi sa sa mga tingin nya sa akin.

"Hindi ako tanga! Wala kang alam sa nangyare kaya wala kang karapatang tawagin akong tanga!" medyo pasigaw nyang sagot at bakas sa boses nya ang galit.

Hayst wala akong pake! Mabuti na nga lang tinulongan kopa sya dapat panga syang mag pasalamat sakin at ako na ang nag asikaso ng libing ng lolo nya, ay Oo nga pala hindi nga alam hehe.

"wag mokong sigawan mag pasalamat ka nalang na tinulongan kita, saka wag kanang mag alala sa lolo mo inayos kuna ang lahat Ililibing na sya bukas"

Agad na akong lumabas ng kwarto dahil sa ayoko na namang marinig ang kanyangmga hikbi dahil sa nakita ko ang nga luhang ng uunahan sa kanyang nata bago ako tuluyan ng lumabas.

-------------


Ilang araw din bago ako maka update kaya sorry talaga ng marami,nawalan po ako ng kompyansa sa sarili kaya ilang araw po akong hindi naka pag sulat but now okay na salamat kay kuya kib! Sya nalang ang nag iisang inspirasyon ko para mag sulat.

Sa mga typo eniedit kopa po so isang sorry na naman para dun hehe..

Sana nagustohan nyo

From:Ate_Lexx

WHO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon