Krystel's POV
Binalot ng katahimikan ang kotseng ito, walang may nag tangkang sumalungat sa nakakabinging ingay, kasama ko si Mokong ah! Esteee Ken sakay ng kotse nya, sya nag dri-drive at ako naman ay nasa backseat.
Huminga ako ng malalim kasabay ng pag pigil ng aking hikbi, ngayun ang libing ng aking pinakamamahal na Lolo subrang hirap tangapin na yung nag iisang tao sa buhay mo na tumayo bilang mga magulang mo ay nawala na.
Pinakamahirap gawin, yung pinapigilan mo yung luha mong gustong kumawala
Pero ayokong ipakita sa lalaking nasa harap na mahina ako, kailangan kong ipakita sa kanya na okay lang ako at kung kaya kong kontrolin ang mga luhang gustong gusto ng kumawala sa mata ko kakayanin ko. Ayokong makita nya na dahil sa lolo ko kaya ako nahihirapan at ayokong mag mukang kawawa sa taong ubod ng yabang at kung makapag salita kala mo kung sino, mayaman lang naman.
Habang nasa byahe kami at naalala ko bigla na dapat pala hindi ako ma stress baka ibalik daw ako sa hospital at yun ang ayaw kong mangyare kasi takot ako sa karayom
Ibinaling ko nalang ang aking tingin sa bintana na may halong lungkot at pag pigil ng aking luha.
Hindi ko namalayan na dumating na pala kami, pinag buksan nya ako ng pinto at agad akong sinalubong ng mga tao at ang nakaagaw ng aking atensyon ang puting kahun na napapalibutan ng ibat ibang klaseng ng bulaklak.
Dahil sa nakita ko hindi kuna nakontrol ang mga luha na kanina pang gustong lumabas at nag uunahan sa aking dalawang mata
Bawat hakbang ko papalapit sa kinaroroonan ng aking lolo ay unti unti akong nanghihina at wariy Ang mga hikbi ko lang ang aking naririnig at pilit kong nilakad ang aking nga paa upang makita sa huli ang taong nag bigay ng rason kung bakit ako lumaban sa buhay sakabila ng pag dudusa ang dumaan sa amin, nasilayan ko ang maamong mukha ng aking lolo at mas lalong lumakas ang mga hikbi na binitawan ko kasabay ng nga Luhang sunod sunod na Umaagos at hindi kuna alam kung ano ang nangyayare dahil sa wala naako sa aking sarili.
Naramdaman kong may pumatong na Kamay Sa balikat Ko, unti unti bumigat ang ulo ko at wariy hinahabol kuna ang aking hininga hangang sa hindi kuna kaya pang tumayo matutumba na sana ako ngunit May humawak sa baywang ko at bago ako nawalan ng malay naramdaman kong nasa mabuting kamay ako.
*
Unti unti kung minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang kwartong hindi pamilyar nilibot ko ang aking tingin sa apat na sulok ng kwartong ito.
Naramdaman kong may yumakap sa akin at agad ko naman nilingon kung sino iyun Lumaki ang aking mga mata dahil sa nakita ko at hindi kuna nakontrol ang aking sarili.
*Pak*
Nasampal ko sya Sa subrang gulat At shit! Bat ako nandito? Bakit mag katabi kami? Wag nyong sabihin na nasa kwarto nya ako! Tas tinabihan nya ako dito, please No! Wag ang lalaking ito.
Bigla syang nagising at bakas sa mukha nya ang pagkagulat sabay hawak sa kanyang pisngi
"What the hell! Bat moko sinampal?"
"bakit moko niyakap? Bakit ako nandito? Anong ginawa mo sakin ha!?" pasigaw na sagot ko
"at ikaw pa talaga may ganang magalit eh ikaw na nga tong tinutolongan"
"tinutolongan? Aba lakas din ng tama mo ano? Ito bang tulong na sabi mo ahh? Ang itabi ako sa pag tulog mo?"
Hinampas ko sya ng unan at tumayo na, jusko! Sana naman mali ang iniisip ko. Pero bakit nandito ako tas katabi pa nya? Lord tulong please!
"Aba Ms. Stupid! For your information ikaw tong hinila ako at nag please kapa talaga na wag kang iiwan tapos ngayun ikaw pa yung galit? Ha!?"
Binato nya sakin ung unan na hawak nya, saka ano tong pinagsasabi nya? Ako hinila sya tas nag please pako na wag daw nya ako iiwan? No! Hindi ko yun sinabi. Gumagawa lang sya ng storya, Oo tama gumawa lang sya ng storya
"saka alam ko namang eni-enjoy mong katabi ako eh pasalamat kana lang na naawa ako sayo "
nangigigil ako pag dinig ko ng sinabi nya nag hanap ako ng pweding e bato sa kanya pero wala akong makita. Hihilahin kuna sana yung komot upag ibato sa mokong nato pero hinila nya rin pabalik sa kanya.
"hey stupid gusto mo makita 6 paks abs ko? Nako nako! May pa hila hila pang nalalaman sabihin mo lang kasi kung gusto mo makita hindi naman ako madamot eh"
Biglang tumayo ang balahibo ko pag kasabi nyang Yun, tumatayo sya hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil sa nandidiri ako sa kanya! Big YUCK hindi ako interesado sa abs nya
Biglang may umilaw sa ibabaw ng aking ulo pero syempre ako lang nakakakita At may bright Idea akong naisip.
"well Mr. Mokong gusto mo ng laro ah? Cge Ipapakita ko sayo ang tunay na laro" sambit ko sa aking sarili Sabay ngisi ng nakakaloko
"what? Bat ka nakangisi? Nako nako baka mamaya pinag papantasyahan moko ah! Ah hahaha d pa naman ako pumapatol sa Stupid na gaya mo. And wait! Hindi ako pumapatol sa flat chested" sabay nguso pa sa The heck! Dibdib ko!
Feeling ko subrang pula na ng mukha ko sa galit! Wala syang karapatang sabihin sakin yun! Kahit na flat ako eh may bumubukol naman kahit kunti eh! Ang manyak nya!
Okay Krystel pigilan mo sarili mo wag mong ipahalata na naiinis ka sa sinabi nya, okay ngiti lang.
Mag kunwari kang wala kang narinig lapit lang kunti sakanya at ipatikim ang bagsik ng babaeng pinag tritripan nya ngayun.Lumapit ako sa kanya sabay ngiting nakakaloko mas nilapit kopa ang mukha ko sa mukha nya kaya naaamoy ko ang mabango nyang hininga, tumindig ulit ang balahibo ko sa pangalawang pag kakataon pero hindi ko pinahalata sa kanya.
Hinaplos ko ang kanyang pisngeng namumla dahil ata sa sampal ko sa kanya kanina pero wala akong pakialam dahil sa kolang pa yun upang pag bayaran yung pag tabi nya sakin matulog at pag sabi na flat daw ako.
Pababa ng pababa ang kamay ko papuntang leeg nya kaya medyo ako nahiya samatalang sya ay nakatitiglang sa akin.
Nasilayan ko ang isang ngiti sa kanyang labi kaya hindi nako nag dalawang isip na Sinuntok Sya at agad na Lumayo.
Nagulat sya sa ginawa ko sabay hawak ulit sa kanyang pisnge, inaamin kong masakit ung kamay ko pero okay lang.
"160 degree" sambit ko kanya at nag post pa sabay ihip ng kamay kong ginamit na sinuntok sa kanya (evil smile )
Nakatingin lang sya sakin at ang lalim ng mga titig nya at parang kakainin na nya ako ng buhay. Shemay ayoko pang mamatay.
Tumakbo na agad ako palabas ng kwarto ngunit natigilan ako at muli ko syang nilingon, kita ko pa din ang nag aapoy nyang mukga dahil sa ginawa ko.
"Yes flat ako hindi naman kasi tulad ng mga babae jan na alagang himas"
Ops! Sorry Ang bad ko naman...
Hindi kuna tinignan kung ano Ang reaksyon nya sa sinabi ko dahil sa tuluyan na talaga akong tumakbo at hindi ko alam ko saan ako pupunta basta ang alam ko Hindi nya dapat ako mahuhuli kasi pag nag kataon...
Mamamatay ako ng wala sa oras!
-----------------------
Late update na naman hehe Nakakarami nako ng sorry pero sorry talaga hehe!
Sana mapatawad nyo ko
Nag mamahal:Ate_Lexx<3
BINABASA MO ANG
WHO?
Mystery / ThrillerShe found herself lying in the middle of nowhere. As she looks at her blood-stained shirt, she lift the tip of it and she can see the fresh deep cut bleeding in her belly. She thought of the idea of being lost, she has to figure out something she di...