Witch ix

777 14 0
                                    

=Sab=

"tita Anna! "

"Sabrina, mag-iingat ka "

" nasan po ba kayo? san kayo nagpunta ? "

" tandaan mo Sabrina, kahit anong mangyari nandito lang kami lagi sa tabi mo, hindi mo man kami nakikita pero nandito lang kami para bantayan ka "

" tita Amanda?! "

may pagtataka kong tanong sa kanya,

inabot ni Tita anna ang kamay ko, maliban kay tita Amanda, may naaninaw akong isa pang babae na kasama nila....

hindi ko siya kilala..hindi ko nman makita ng maayos ang itsura nung babaeng kasama ng mga tita ko..puro sila nakasuot ng kulay puting bestida

" Sabrina "

huh! tinawag nung babae yung pangalan ko! kilala niya ako?

" panahon na Sabrina, halika "

nagtataka man ako, sumunod na lang ako ng yayain ako ni tita Amanda..ang mga mata ko nakatuon pa rin dun sa babae..malabo kasi ang tingin ko sa kanya, hindi ko makita ang kanyang mukha

isang makapal na libro ang kinuha ni Tita mula sa isang nagliliwanag na patungan

buong ingat niyang iniabot yun sa akin

at ng nasa kamay ko na ang librong ibinigay sa akin ni Tita amanda, tinignan ko iyon

walang kahit anong pamagat ang nakasulat sa takip nun..

mukhang nahulaan nman nung babae ang iniisip ko

" sa takdang panahon, Sabrina "

tumingin ulit ako sa libro, hinawi ng isang kamay ko ang tila alikabok na bumalot sa pabalat nun

at ng muli kong tingnan ang mga tita ko...

ha!

panu nangyari yun?! bat biglang ang layo layo ko na sa kanila

at mas lumayo pa! mas malayo hanggang sa hindi ko na sila nakita pa..

sumigaw ako...!!!

pero tila hindi na nila ako naririnig hanggang sa tuluyan na silang naglaho pa naningin ko

''TITAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! "

napabalikwas ako!

huh!

ano yun? panaginip lang ba lahat yun?!

inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko, kahit malamig ang aircon grabe ang mga butil ng pawis ko...

madilim pa sa buong paligid, tiningnan ko kung anong oras na...

binuksan ko ang ilaw ng lampshade, na nasa side table...

4am palang

naguguluhan na talaga ako!

bat ba ganun ang panaginip...parang totoong totoo!

unti-unti na akong nakakaramdam ng takot, wala nman akong magawa...niyakap ko na lang ang mga binti ko at ipinatong ang baba ko sa tuhod ko..

ang dami dami ko nang pangit na napapaginipan...nakakatakot, mga kakaibang panaginip

" Ham " 

:(

T_T

napaluha na ako...noon kasi pag ganitong natatakot ako...tatawagan ko lang siya kahit na dis oras na ng gabi...

dumadating si Ham, para damayan ako..

pero hindi na niya malamang magagawa yun kasi ---

ksi may Vernice na siya :'(

at kusa na lang pumatak ang mga luha ko.. T_T

iniunat ko ang mga binti ko

huh!

napatigil lang ako sa pageemote ko ng may masalat ang paa ko..

dala ng kuryosidad

dahan dahan kong hinawi ang kumot ko na nakabalot sa mga paa ko..

pagtanggal ko ng kumot...

napaluhod pa ako at nanlalaki ang mga mata ko sa nakita ko!

biglang tumahip ang dibdib ko

tugdugtugdugtugdug!

huh! anong ginagawa nito dito?! bat---teka! bakit nagkaroon ng libro dito..

naalala kong bigla yung panaginip ko..

napatitig ako dun sa librong nasa kama ko ngayon!

nanlalaki pa rin talaga ang mga mata....

ngiiii!!! =\

di ngaaaa! ano nman yun! totoo yun ??

ibig bang sabihin nito totoong nangyari yung panaginip ko?! weh???

nag sign of the cross pa ako at napakagat labi ..... =\ maluha luha na ko...hindi na emote to!

maluha luha na ako  sa takot na nagsisimula ko nang maramdaman!

dahan dahan...

kinuha ko yung libro..nakakapagtaka lang kasi...san nanggaling to, eh sa panaginip ko lang nakita na may librong iniabot sa akin ang tita Amanda ko..

 Teka! dumating ba sila? sila kaya talaga ang naglagay nito dito sa tabi ko...nasan sila ??

tumayo ako at saka lumabas ng kwarto ko..hinanap ko sila sa ibaba ng bahay..

pero ni walang senyales na may dumating..wala sila. kaya pumanik na ulit ako at bumalik sa loob ng kwarto ko

muli akong umupo sa tabi nung libro, tiningnan ko iyon...

" eto nga yun!! "

wlang kahit anong nakasulat sa kulay brown na pabalat ng libro...

dahan dahan ko iyon binuklat, at mas nanlaki ang mga ko O_O

ano ba nman kayang libro to?! bat walang nakasulat!

nabuklat ko na ang buong pahina nun pero wala talagang kahit anong nakasulat..pinagbali baligtad ko na rin yun

ang weird nman ng librong to..

halatang luma na yun dahil sa kulay ng bawat page nitong off white...

taz wala nman palang nakasulat!

whooooH!

inilagay ko iyon sa drawer ng side table, at muli akong nagbalik sa pagkakahiga..

kaso lang ayaw na akong dalawin ng antok...

ahhhhhh!!!!! wlang boses kong sigaw!

maloloka na talaga ako!!!

BOOK III : WHICH IS WITCH?! =completed=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon