"hindi na ako makahintay Sabrina, nalalapit na ang tinakdang araw, magkikita na tayong muli"
~~wika ng isang nilalang na tahimik lang na nagmamasid kay Sabrina ~~
=Sab=
haiiiiyssst!
lalim lang ng buntung hininga ko...
sobra na akong nagaalala sa mga tita ko...halos isang buwan na silang hindi nagpapakita,
ni wala man lang akong idea kung nasan sila at kung anong nangyari sa kanila....
hindi na talaga ako mapalagay....
buti na lang napakiusapan ko si Nate na samahan akong mag report sa police station
hmp! busit na Ham yan!
dapat siya ang kasama ko eh...hmp! kainis siya
biglang lumungkot ang mukha ko ng maisip ko si Ham, lalo ng nadagdagan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon...
lumabi ako...
ang saklap nman...malapit na birthday ko tapos ganito pa ang nangyayari
kasi naman eh..um!um!um!
pinaghahampas ko yung unan ko...naiinis kasi ako...
waaah!!! um!um! nakakainis!
tumayo ako at nagtungo sa bintana...naupo ako dun at saka tumanaw sa madilim na kalangitan..
ipinatong ko ang baba ko sa kamay kong nasa pasimano ng bintana..
"dalawang linggo na lang birthday ko na...dalaga na ako "
:(
pero sa halip na matuwa at ma excite ako...bat nalulungkot ako lalo..
tiningnan ko ang madilim na kalangitan..
bago pa lang ang buwan kaya di pa yun masyadong kita
kahit paano nakalimutan ko ang nararamdaman kong pangamba ng matuon ang atensyon ko sa mga bituin..
ang lalaki ng mga stars! ang gaganda nila...at tila nagpapaligsahan sa pagkislap
tamang starry starry night ^_^
~~lingid kay Sabrina, hindi lang siya ang naliligayahan ng sandaling iyon..sa di kalayuan may isang anino ang kanina pa nakamasid sa nakadungaw sa bintanang si Sabrina...binubusog din nito sa kaligayahan ang sariling damdamin habang pinagmamasdan ang dalaga ~~
maaga akong pumasok sa school...
imbis na dumiretso ako sa room namin, sa registrar office ako nagpuna..
kailangan ko kasi makuha yung address ni Shena, kasi hindi na siya nakita..
" Ah miss, tama ba yung pangalan na isinulat mo? kasi wala nmang nag aappear na ganyang pangalan sa records namin "
" opo "
" miss kasi walang studyante dito na ganyan ang pangalan tsaka isa walang ganyang special course dito sa university na to, double check mo baka namali ka lang ng info "
grabe!
bat ganun?! pe-pero imposible!
huh! ano yun multo lang si Shena ganun! tsh!
tila nawala ako sa sarili ko sa labis na pagtataka sa nalaman ko...ni hindi ko na nga namalayan na nandito na pala ako sa pasilyo malapit sa room nila Ham,
naupo ako sa upuang nasa gilid ng pasilyo...hindi talaga mawala sa isip ko si Shena
sino ba talaga si Shena....imposible talaga eh!
napapakunot pa aking noo sa sobrang pagiisip ko....
may umupo sa tabi ko....
wow! nagmura yata ang pabango sa tindahan at mukhang ipinaligo na sa buong katawan yung pabango niya
antapaang ng amoy!
isa pa biglang nagiba ang pakiramdam ko, bigla kasi akong kinilabutan na di ko mawari
kaya napalingon ako at nagulat ako ng malaman ko kung sino yung tumabi sa akin
" Ay! bruha! "
" HOW DARE YOU! SABRINA! "
" ay sorry Vernice...nagulat kasi ako eh "
" NAGULAT! ANG SABIHIN MO TALAGANG INTENSYON MONG SABIHIN YUN!! " - Vernice
grabe nman, sarap nman dukitin ang mga mata niong bruhang to! kung makapandilat eh
hmp!
eh talaga nman bruha siya! bulong ko
" anong sabi mo?! " pikang tanong sa akin ni Vernice
" ha! ako? w-wala no! "
"hmp! makikita mo!makikita mo! "
ay grabe nman, talagang pandilatan daw ba ako ng bonggang bongga!
bruhang to!
" Hi girls! "
boses ni Ham yun.....paglingon ko si siya nga! at napakagwuapo niya ngayon..
uu dati na siyang gwapo, pero iba ang aura niya ngayon ---- aura ng isang inlove
inlove?? napansin ko yung hawak niyang isang bugkos na mapupulang rosas
sheeettt! nakadama ako ng kilig na ewan ayiiiii!...para sakin yun siguro kasi malapit na ang birthday ko...ayiii!!
napangiti ako..napalingon ako kay Vernice, aba'y sukat ba nmang irapan ako ng bonggang bongga!
grrh! sarap sabunutan!! kagigil
pero di na masyado pinasin yun, ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko kay Ham na ngayon ay nakatayo na sa harapan namin..
" oh hi Sabrina " - Ham
ano daw??? Sabrina? tinawag niya ako sa buong pangalan ko,
tas tinapik lang niya ako sa balikat, tapos lumapit na siya kay Vernice
bigla na lang niyang niyakap si Vernice,
" flowers for you sweetheart " - Ham
anoooo! t-tama ba yung narinig ko? SWEETHEART!
hindi ako makapagsalita, ni hindi ako makalingon sa kanila, biglang na frozen ang katawan ko sa mga narinig ko...
" tara na, sweetheart pasok na tayo sa room natin, Sabrina mauna na kami sayo ha " - Ham
punong puno ng pagsuyo ang tinig na yun ni Ham habang kausap niya si Vernice
parang may kung anong matulis na patalim ang biglang tumarak sa puso ko...
hindi pa rin ako makakilos..para ng gustong sumabog ng dibdib ko
ang sakit sakit ng puso ko :(
bat ganun? anong nagyari kay Ham? b-bat wala na akong alam sa kanya?
naramdaman ko na lang na nabasa yung pisngi ko...di ko namalayang umiiyak na pala ako..
at ng makabawi ako, malungkot kong sinundan ng tingin si Ham na masayang masayang nakikipag harutan kay Vernice..napakaganda ng kanyang mga ngiti...masayang masaya siya talaga
nagtatakbo ako paalis sa lugar na yun...kasi kung hindi ko gagawin yun baka di ko na mapigil lalo ang emosyong nararamdaman ko..
sobrang sakit na ng puso ko...pinahid ko ang mga luha ko :(
di ko na nga tuloy alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko,
ang nasa isip ko lang ayaw ko muna sa lugar na yun...
ang sakit sakit talaga
T_T
~~~~~ sa kabilang dako, sa kabila ng kalungkutang nadarama ngayon ni Sabrina may isang nilalang ang tila naliligayahan sa nakikita nitong pagluha ng dalaga
" ahah hahaahahha umpisa pa lang yan Sabrina! umpisa pa lang yan! aha hahahaha" ~~~~
BINABASA MO ANG
BOOK III : WHICH IS WITCH?! =completed=
Ficção Adolescenteyear 2012 na! uso pa ba ang mga witch and warlocks?? hmmm modern age, computer age, gen X na kaya....!! hindi na kaya sila uso no! in fact sa mga movies ko na nga lang sila napapanood eh at si Harry Potter si Hermione Granger at si Ron weasley na...