....kinabukasan
paglabas ko ng pinto ng bahay namin..
"Sab normal lang, wala nmang ibang nakakaalam na makukulam ka na di ba"
bulong ko, tapos nag exhale -exhale pa ako bago ako lumakad..
napangiti ako heheh
adik lang hehehe...ksi wala na akong ginawa kundi lumingon sa kanan..lumingon sa kaliwa ko
arrrrgg! sabi ng normal lang eh! wooooooh! huminto ulit ako at saka ng inhale-exhale na nman
pagdating ko sa school...halos di ako makapasok
Huh! anong nangyayari???
" Sab!!!" - narinig kong sigaw ng isa sa mga classmate ko
" bakit?? bat ang gulo? anong meron?? "
" Sab, grabe ang daming kung ano-anong kababaglahan ng nangyayari dito sa school! "
"kababalaghan?"
" uu! "
" exagged lang ha! "
pero bat nman ako kinabahang bigla...........ganun?!?
di nman kaya..........???
sa halip na matakot, tumuloy parin ako para magimbestiga kung may kinalaman ang mga kaganapang ito kay Matilda ang sinasabi ni Shena na itim na mangkukulam
sa stadium! nandun ang nagkakagulo!
punta agad ako sa stadium...hirap akong makasingit sa dami ng nakakulumpon na mga estudyante
"excuse me! paraan! makikiraan! "
sige singit ako...kasi di ko talaga magawang makapasok ng tuluyan, kaya ang ending eh di naki chicka na lang din ako sa kapwa ko estudyanteng mga tsismosa
may isang studyante daw na bigla na lang na possess at, tapos yung isa ulit hanggang sa naging apat na ang kumilos ng mga di pangkaraniwang kilos
bigla akong napaisip ng marinig ko ang mga sinabi nung isang estudyante
hmmm! posible nga kayang may kinalaman siya dito??
pero bakit kailangan niyang mandamay ng mga walang alam...
kung siya nga ang may gawa nun, malamang ako ang target niya...
hindi niya kailangang mandamay ng iba...
hindi! hindi pwedeng magpatuloy ang ganito...hindi!
========================================================
=Nate=
"ahahahahaha ahaahahahah ahahaahahha!!!! "
" pakawalan mo ko dito! "
" bakit Nate? hindi ka ba nag eenjoy sa nakikita mo? "
" hindi kita kilala, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa sa amin to!!? "
" ahahaahahha well malalaman mo rin, wag kang mainip, sa ngayon enjoy muna natin tong larong to "
lumapit ang bruha na yun kay Ham...yaK di ko maintindihan kung bat nasisikmura ni Ham na makipaghalikan sa napakapangit na bruhang yun!
alam ko, hinohokus pokus ng bruha si Ham,
" Ham! ano ba! gumising ka nga! isipin mo si Sabrina! "
"HAM!"
AAAAaaaarrrrhhhh!
nagpupumiglas ako sa loob ng hawlang pinagkulungan sa akin ng bruha
"PAKIALAMERO!!! "
BINABASA MO ANG
BOOK III : WHICH IS WITCH?! =completed=
Teen Fictionyear 2012 na! uso pa ba ang mga witch and warlocks?? hmmm modern age, computer age, gen X na kaya....!! hindi na kaya sila uso no! in fact sa mga movies ko na nga lang sila napapanood eh at si Harry Potter si Hermione Granger at si Ron weasley na...