=SAB=
pumikit ako....
at bigla na lang naglaho ang kulay yellow na paligid...at bigla na lang ulit bumalik iyon sa nakakatakot na lugar
"LAPASTANGAN KAAAA!!!! " - sigaw ni Matilda
maling curse pala ang nabanggit ko...,ngiii!! curse pa la yun para mapasok ang pinaktagong memorya ng isang tao
hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko....
hinila ko ang suot kong kwintas.......kitang kita sa mukha ni Matilda ang labis na pagkabigla..
"IBIGAY MO SA AKIN YA!SABRINA!!IBIGAY MO SA AKIN ANG KWINTAS NA YAN" - Matilda
" eto ba?! " turo ko sa hawak kong kwintas
ngumiti ako at saka itinaas ang kwintas na hawak ko....
"HUWAG!!!HUWAAAAAGGGG!!!!AHHHHHHHH"
huli na
"fragosa"
sa isang iglap nagkadurog durog ang hanggang sa tuluyang maglaho ang hawak kong kwintas,
"HINDEEE!!HINDEEEEE!!!!!!!" - Matilda
ang kwintas ng Luna Blanca....ang kwintas ng araw at ng buwan..ang kwintas na simbulo ng sumpaan ng dalawang magkaibigan...
"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
bumahid ang nakakahindik na galit sa mga mata niya sa ginawa kong magdurog sa kwintas
ang kwintas na yun...ang tanging pinakakaingatan niyang alaala ng masayang pagkakaibigan nila ng aking ina...
subalit ang kwintas ding yun ang nagiging daan para ipaalala sa kanya ang kanyang mapait na nakaraan
tumingin ako sa kanya....at iniyuko ang aking ulo...di ko siya magawang labanan matapos kong malaman ang nakaraan nila ng aking mga magulang
wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanang magtanim ng galit......
mabuti ang kanyang puso, na nabulag lang ng isang matinding galit.......
sa halip na umilag..lumapit ako sa kanya...
" Matilda, kung yan ang ikagagaan ng kalooban mo, sige kunin mo ang buhay ko "
buong tapang kong sabi sa kanya....malumanay, may himig ng pakiusap
"HANGAL KA!!!SABRINA..SA ISANG KUMPAS NG KAMAY KO KAYANG KAYA KITANG ALISAN NG BUHAY!! "
" alam ko Matilda,,,,naiintindihan kita, pero kung talagang galit ka sa akin...di sana noon mo pa to ginawa. nung munting sanggol pa lang ako "
" Matilda, alam ko, nararamdaman ng puso ko ang kabutihan sa pagkatao mo sa kabila ng magiging itim na mangkukulam "
"TUMAHIMIK KA!!!" - Matilda
"hindi na ako lalaban Matilda, kung ang buhay ko ang kapalit ng pagpapalaya mo ng galit sa puso mo...kunin mo "
lumihod ako sa kanyang harapan, at tahimik na naghintay ng susunod niyang gagawin,,,
handa na ako...bilang kabayaraan sa nagawa ng magulang ko
naghintay ako....matagal...
subalit wala.......wala siyang ginagawa
kaya nman tumayo na ako at sinugod siya ng yakap
"tama na Matilda....husto na, "
"mas higit kong naunawaan ang damdamin mo, sa kabila ng galit mo sa mga magulang ko hindi mo nagawang kitlin ang mga buhay nila, sa halip inalisan mo lang ng memorya ang ama ko at ikinulong lang sa isang salamin ang aking ina...."
" husto na Matilda, iwanan mo na ang nakaraan....pwede nman tayong magsimula ulet...sa panahong ito...ikaw bilang si VErnice "
" iwan mo na ang nakaraan mo....alam ko...ramdam ko...magtiwala ka lang sanang muli Matilda
pakiusap "
naramdaman ko na lang na ibinaba na niya ang kanyang kamay na may hawak na wand..
binitiwan na niya ang kanyang wand at nahulog iyon sa sahig........
tanda ng kanyang pagsuko.....tanda ng kanyang pagtanggap sa pakiusap ko
mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya...
hinhintay ko na lang ang pagtugon niya sa yakap ko....
kahit na halos di ko na talaga maigalaw pa ang katawan ko dahil sa mga tinamo kong sugat at balibag ng katawan, hampas ng katawan sa pader, sa sahig at sa iba't ibang bahagi ng bahay niya
hayaan na, dibale na......hehehee
ang mahalaga ang mabawi ko maisaayos ang sugat ng nakaraan..
kung hindi man nag work out ang friendship ng aking ina at ni Matilda noong nakaraang panahon..
baka sakaling sa panahon ngayon...
sa kasalukuyang panahon, makabawi ako sa kanya...
hanggang sa..
yumakap na rin sa akin si Matilda....
at narinig ko na lang ang mahina niyang paghikbi...
nagtagumpay ako...
nagtagumpay ako!
BINABASA MO ANG
BOOK III : WHICH IS WITCH?! =completed=
Teen Fictionyear 2012 na! uso pa ba ang mga witch and warlocks?? hmmm modern age, computer age, gen X na kaya....!! hindi na kaya sila uso no! in fact sa mga movies ko na nga lang sila napapanood eh at si Harry Potter si Hermione Granger at si Ron weasley na...