=Sab=
pagkatapos kong malaman ang eksaktong kinaroroonan ng lungga ng bruhang si Matilda,
muli akong pumunta sa lihim na silid sa ilalim ng hagdan...
may kung ano kasing emosyon sa puso ko ang naguutos sa akin na magpunta dun..
hindi lang miminsan akong nagtungo sa silid na yun,maraming beses na rin
at sa mga panahon na yun....naramdaman kong may bahagi sa pagkatao ko ang napupunan ng babae na nakakulong sa salamin
kaya pala ganun na lang kagaan ang loob ko sa kanya.......
kaya pala...
dahil siya ang mama ko.......ang babaeng yun ang mama ko...
"Sabrina, ikaw ba yan? " -Veronica
" ako nga po....mama " walang pagbabantulot kong tawag sa kanya ng mama..
hindi siya nakapagsalita.....
" opo, tama kayo ng iniisip...isa na nga akong ganap na mangkukulam..kabilang na rin po ako sa inyo nila tita Anna at tita Amanda .....at ikaw..kayo po ang mama ko "
napaluha siya...alam kong dahil yun sa sinabi ko...dahil sa itinawag ko sa kanya
kahit nasa loob siya ng salamin, inilapit ko at idinikit ang pisngi ko doon..
di ko na napigil ang pagtulo ng mga luha ko......
" ililigtas ko po kayo...kayong lahat na pinahirapan at isinumpa ni Matilda "
" Sabrina, anak! " - Veronica
" magiingat ka anak, hindi ordinaryong mangkukulam si Matilda, isa siyang malupit at walang awang mangkukulam " - Veronica
inihanda ko na ang sarili ko...
at ngayon nga tinatahak ko na ang daan papunta sa lungga ni Matilda....
at habang daan...wala akong ginawa kundi ang magdasal sa panginoon.....alam kong di niya ako papabayaan
" naku miss, pasensiya kana ha, hindi na kita maitutuloy sa loob, hanggang dito na lang kita maihahatid "
sabi ng mamang naghatid sa akin....
" ok lang po manong, naiintindihan ko po....."
" napakatapang mo nman ineng, seryoso ka ba ha? pwede mo nmang ipagpabukas yan, napaka delikado sa lugar na pupuntahan mo "
" salamant manong sa concern, pero ok lang po ako "
ngiiii!!! ok nga lang ba ako?!!!
ngiiii!!! ang creepy nman talaga ng lugar na to....
hindi! hindi ako dapat matakot! hindi dapat!.............ngiiiii!!!! napakagat labi ako
**Sabrina,mag-iingat ka***
ayun na nman ang boses na yun...
inhale-exhale
tama! bigla na lang nawala ang takot sa dibdib ko ng marinig ko ang boses na yun
ang boses nyang yun.......
~~~ " sige! Sabrina lumapit ka! lumapit ka sa iyong kamatayan! eihihihihihi! " ~~~
konti na lang ehihihihi!, pero maglaro muna tayo para nman mas exciting, para nman hindi boring ang pagharap mo sa magiging kamatayan mo hahahahahahhaha
hawak ko ng mahigpit ang wand ko...at napapalunok pa ako habang naglalakad sa madilim na daan na ito...
bigla na lang gumalaw ang mga sanga ng puno na tila may sariling pagiisip ang mga iyon at inatake ako!
BINABASA MO ANG
BOOK III : WHICH IS WITCH?! =completed=
Teen Fictionyear 2012 na! uso pa ba ang mga witch and warlocks?? hmmm modern age, computer age, gen X na kaya....!! hindi na kaya sila uso no! in fact sa mga movies ko na nga lang sila napapanood eh at si Harry Potter si Hermione Granger at si Ron weasley na...