Chapter 18

430 18 0
                                    

Tiffany's POV
Grabe ang haba ng hair ni bes. Pati si christian nagkagusto sakanya. About nga pala kay nathan at alicia. Nabwibwiset din ako sa mga yon. Gusto kong sabunutan,sampalin,suntukin at sipain si alicia dahil sa kalandian nya.

Awang awa na kasi ako kay bes. Mga tatlong linggo na syang absent at sabi ng mommy nya ay lagi lang daw syang umiiyak at halos di na kumakain.

Ngayong bumalik na si nathan wala paring nangyari lalo lang nasaktan si bes dahil sa nakikita nya.

Pagkaalis namin sa boracay umamin samin si bes na mahal na nya rin si nathan pero nakaalis na si nathan papunta sa london at don muna pumasok ng ilang linggo pero di namin inaasahang babalik din si alicia at ang masama pa doon ay niligawan sya ni nathan at kanina lang naging sila.

Gusto kung sugudin silang dalawa at sampalin. Alam kong mahal parin ni nathan si bes pero pinili nya parin ligawan si alicia at maging girlfriend.

Di ako pabor don kahit kaibigan ko pa si nathan pero ang kalagayan parin ni bes ang iniisip ko. Pati si kuya ayaw kay alicia kasi niloko na daw sya non noon. Kung kailan naman mahal na nila ang isa't isa tsaka dadating ang bruhang yon.

Wag lang talaga magtatagpo ang landas namin. Kapag nakita ko sya kakalbuhin ko talaga sya dahil sa kalandian nya.

Di na kami sumunod sa clinic kasi dumating narin ang third period at nandoon na si trisha para asikasuhin ang boylets nya. Haha!

Di rin sumunod si alicia kasi pinatawag sya sa prinsipal office dahil sa kalandian nila kanina. Hindi alam ng principal ang ginawa nilang dalawa. Akala nila ligtas na sila sa pinagagawa nila pwes hindi pa.

Pagalis ng third period ay saktong dumating ang tatlo. Wala pa si alicia dito at baka galit na galit ang principal sakanya.

Kabago bago lang kasi lumalandi na. Bitch!

Nagderederetso lang sila sa pagupo ng tahimik. Mukhang may nangyari sa clinic ah kasi si bes patagong nakangiti.

"Hoy! May nangyari ba sa clinic?" Bulong ko kay bes.

"Wala naman. Sinabi lang ni nathan na namiss nya ako." Sagot nya na nakangiti.

Uhmm... Mukhang tama ang iniisip ko na mahal pa ni nathan si bes. Gusto lang niyang ipakita na wala na syang nararamdaman kay bes kaya ginirlfriend nya si alicia bitch.

Sana magkaron pa ng pagasa si bes kay nathan. Gusto ko,sila lang talaga ang magkatuluyang dalawa. Para sakin mas bagay sila kesa kay alicia. Mukha syang anghel pero demonyo naman ang ugali.

Sobrang sama ng una naming pagkikita. Pero di ko pa sya kilala non.

Flashback...
Papunta na ako sa school at magpapark na sana ng may nanguna sakin kahit ako talaga ang nauna.

Bumaba ako at saktong bumaba rin sya sa kotse nya. Parang familiar sya sakin pero di ko alam kung san ko sya nakita.

"Get off your fucking car dahil ako ang nauna sayo." Mahinahon pero maotoridad kong sabi sakanya.

"Why do i do that?" Mataray nyang tanong.

"Nakakaintindi ka ba ng tagalog? Diba sabi ko sayo ako ang nauna at ako ang magpapark dito!" Inis kong sabi.

Tinalikuran nya ako at naglakad. Syempre hinila ko ang balikat nya paharap sakin dahil naguusap kami at ayokong tinatalikuran ako.

Mukha syang bago dito at mukhang hindi nya ako kilala.

"Kinakausap kita! Wag mo kong tatalikuran!" Sabi ko.

"Let go of my shoulder. Your hand is too dirty!" Irita nyang sabi.

"How dare you?! Excuse me,mas malinis pa sa ina mo ang kamay ko!" Sabi ko.

"How dare you too?! Wala kang karapatang idamay ang mom ko dito!" Galit nyang sigaw.

"Yun naman pala eh edi alisin mo na lang ang kotse mo kung ayaw mong idamay ko na naman ang mama mo." Mahinahon kong sabi.

Narinig namin ang pagbubusina at nanigas ako pero yung kaharap ko walang pakielam. Ang principal ang nagbusina at kanina pa ata kaming tinitignan.

"Sorry po kasi she stole this space na dapat pagpaparkingan ko." Sabi ko at yumuko.

"You? Are you new here?" Tanong ng principal sa paepal na babae.

"Yeah and who you?"

Aba't! Di nya ba alam kung sino ang kaharap nya ngayon? Kabago bago wala na kaagad karespe respeto sa mas nakakataas sakanya.

Ako nga nagawa nyang labanan ang principal pa kaya. Bitch!

"Better to move that car bago ka magkarecord sa principal. Kabago bago mo palang akala mo kung sino ka ng makaasta." Sabi ko.

"She is right dahil pati ako ay naabala mo edi sana kanina pa ako nasa office ko." Inis nang sabi ng principal.

Dahil sa inis nya rin ay tinanggal nya na ang kotse nya at naghanap ng iba.

End of flashback...

Diba? Ang ganda ng first meeting namin. Sa sobrang kagandahan gusto ko na syang balatan ng buhay lalo na ng malaman kong nililigawan sya ni nathan at ex din pala nya.

Napakahigad! Nabwibwiset ako!

Narinig ko ang malakas na kalabog sa harapan ko at nakita kong nakatingin si alicia kay bes ng masama syempre nakaalarma na ako baka kung anong gawin nya kay bes. Subukan nya lang talagang galawin si bes ako ang makakalaban nya. Ipapakita ko talaga ang tunay na demonyo.

"What kind of that face?" Iritang tanong ni bes sakanya.

"Ang landi mo! Anong ginawa nyo sa clinic ni nathan at talagang kasama pa si christian?! Ganyan ka na ba talaga kalandi o may isasagad pa yan?!" Galit nyang sabi.

Sasampalin ko na dapat sya kaso naunahan ako ni bes at halos masubsob na sya dahil sa lakas at sa tingin ko ay nasa-160 degree yon kasi bakat na bakat ang kamay ni bes. Haha! Nakakatawa lang talaga ang mukha nya kung nakikita nyo lang. Tatawa talaga kayo habang hawak ang tyan.

Lalo pa syang nagalit ng marinig nya ang pag-'ohh' ng mga kaklase namin. Sobra syang namula at konti na lang ay magbuga na sya ng apoy.

Spell DRAGON? A-L-I-C-I-A! HAHA!

Sasampalin nya na sana si bes ulit ng makailag at naunahan na naman sya. Oww! Poor alicia! Akala mo may maibubuga wala naman palang laban kay bes.

Maswerte sya sampal pa lang ang naabot nya. Iba kasi magalit si bes,yung tipong makakapatay talaga sya ng tao. Nakakatakot talaga sya magalit kaya ayokong ginagalit yan.

At sa isang iglap ay nagsimula na ang live action show at thriller pa. Haha! Nakakatawa ang pagmumukha ni alicia dahil walang wala syang laban kay bes. Ginusto nya yan kaya panindigan nya.

Dumating ang next subject namin kaya napatigil silang dalawa. Babalik na sana silang dalawa ng sinabi ng teacher na"Ms.lopez and ms.chua! Go to principal office now! No buts!"

Nauna ng lumabas si bes kasi si alicia nagdradrama pa sa BOYFRIEND nya a akala mo talaga aping api. Tsk,plastik.

Well,di naman naniwala si nathan kasi sinesermonan nya pa si alicia na bakit sya nagsimula ng gulo.

Trisha nicole always win,win in nathan's heart.

To be continued...

My Cold Badboy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon