Chapter 21

928 30 11
                                    

Tiffany's POV
Nasan na kaya ang magaling kong besfriend? Matapos ang hilahan na nangyari sa room namin ay hindi na sila bumalik at mukhang nagdate sila ah. Masyado naman ata nilang namiss ang isa't isa.

"Sa tingin mo,nasan kaya yung dalawa?" Tanong ni kuya tristan sakin

"Siguro NAGDATE sila!" Pagpaparinig ko kay alicia.

Hanggang ngayon ay galit na galit parin sya at gustong gusto ng sumugod sa labas para hagilapin ang boyfriend nya.

Narinig kong tumawa si kuya at patuloy parin sa pagpaparinig kay alicia kaya lalong namumula at gusto na atang bumuga ng napakaraming apoy,okay lang mukha naman syang demonyo eh.

Natapos ang maghapon at di parin bumabalik si trisha at nathan kaya lalo pa akong nagiging excited sa mangyayari.

Mukhang magaaway na naman sila ni alicia at hindi rin naman sya kakampihan ni nathan kasi kay trisha lang lagi  nakatuon ang atensyon nya.

Nasa parking lot na kami ng makita namin ang padating na kotse ni nathan at bumaba nag magjowa,haha.

Pero napakunot ang noo namin ng nakita naming sobrang daming band-aid sa mukha ni nathan at mukhang umiyak si trisha. Nyare?

"San kayo pumunta?" Tanong ko sakanila.

Ngumiti ng pagkakalaki si nathan at umakbay kay trisha. Uhmm...mukhang may magandang nangyari ha? Pero bakit ganito ang mukha ni nathan ngayon?

"Amusement park." Nakangiti ng sagot ni trisha.

"Daya nyo naman! Di nyo man lang kami sinama!" Parang batang sabi ni kuya kaya binatukan ko sya.

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Hoy tanda! Akala mo bagay sayo ang magpabebe? Hindi noh! Ampanget mo kaya!" Sabi ko sakanya.

Lalo pang sumama ang tingin nya at hinawakan ang bag ko at hinila palayo.

"Di mo na ako ginagalang ngayon ha? Sige lagot ka kay daddy! Ipapaputol ko ang allowance mo at ipapagrounded kita!" Sabi nya at hinila na ako palayo.

Tsk! Wrong move! Lagot na ako nito! Kapag sinabi ni kuya gagawin nya talaga. Nakakabwiset talaga sya kahit kailan. Ang sarap nyang ibato sa bangin para di na sya makita ng ate-atehan namin,haha.

Pero lagot talaga ako. Di ko alam kung kuya ko pa ba to dahil sa kasamaan nya.

***
Trisha's POV
Bumalik na kami ni nathan sa kotse para ihatid nya na ako sa bahay namin. Tahimik lang kami hanggang nakarating kami sa bahay,aalis na sana sya ng tawagan sya ni dad at pinapasok pa kaya ngayon nandito parin sya at naguusap ni dad.

"May relasyon ba kayo ng anak ko?" Tanong ni dad.

Ngumiti naman sya.

"Actually po,nililigawan ko pa lang sya pero kapag sinagot nya na ako papakasalan ko po agad sya."

Nanlaki ang mata ko pati na si mom sa sinabi ni nathan. Di ko alam na balak nya rin pala akong pakasalan. Kakaiba talaga sya kahit kailan,hindi mo mabasa kung anong nasa isip nya.

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Tanong naman ni mom.

"Seryosong seryoso po." Sagot ni nathan.

Waa! Kinikilig ako! Hindi pa kami pero andito na sya at nanghihingi ng pahintulot kung pwede ba akong pakasalan. Waa! Ang oa ko masyado! Tinatanong lang naman sya ni dad at mom kung seryoso siya sakin.

"Kung ganon,patunayan mo." Sabi ni dad.

Bigla akong kinabahan. Mukhang may plano sila dad na pahirapan si nathan para malaman nilang seryoso talaga sya.

Kita naman nila kung seryoso talaga sya sakin bakit kailangang patunayan pa. Grabe naman sila,psh.

"Gagawin ko po ang lahat para mapatunayan kong seryoso po ako sa anak nyo at gusto ko po syang pakasalan." Desididong desididong sabi ni nathan kay dad.

Seryoso ba sya? Di nya ba napapansing papahirapan lang sya nila dad? Kahit naman malaman nyang papahirap sya ni dad di parin sya susuko.

To be continued...

A/N:Short update! Sorry! I hope you'll like it this chapter! Love you all lapid-ians!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cold Badboy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon