Chapter 14

428 15 0
                                    

Trisha's POV
Nagising ako sa lakas ng ring ng cellphone ko. Akala ko alarm lang toh pero call pala at nakita ko ang pangalan ng napakagaling kong kaibigan. Alaskwatro pa lang ng madaling araw.

Sinagot ko na lang yung tawag nya.

"Goodmorning bes!"

Ingay naman nito! Nakakabinge yung boses! Okay sana kung ginagamit nya yan kapag naghahanap sya ng bagong boyfriend.

"Ano bang pumasok sa isip mo at sobrang aga mong mambulabog?!" Irita kong tanong sakanya.

"Ganto kasi yon! Alam kong hindi ka papayagan ng mommy mo na sumama sa trip natin sa boracay kaya naisip kong tumakas na lang tayo kesa naman pagtrabahuhin nila tayo habang weekend." Paliwanag nya.

Naisip ko rin yon pero nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako. Parang gusto ko kasing dumepende kung sasama si nathan.

Wala naman sigurong mawawala kung tatanungin ko kung sasama si nathan. Pero masyadong maloko ang isip ni bes at magiisip pa ng kung ano ano yan pero gusto ko talagang malaman kaya tatanungin ko na lang talaga.

"Ahmm... Tatanungin ko sana kung...kung kasama sila nathan satin?" Nahihiya kong tanong sakanya.

Narinig kong napahagikgik sya dahil sa tanong ko at nagisip na naman yon ng kung ano ano. Napakadume talaga ng isip nya. Sarap ihambalos sa pader syempre joke lang yun! Love na love ko kaya ang besfriend ko.

"Hay nako bes! Pwede ka naman kasing umamin sakin na nagkakagusto ka narin kay nathan. Hindi ko naman ipagkakalat eh." Mapangasar na sabi nya.

"Ano ka ba?! Syempre wala akong gusto sakanya! Itaga mo yan sa bato pati na sa buwan! So eto na nga,kasama ba kasi siy-este sila?" Pagiiba ko ng usapan.

"Oo na kaya bilisan mo na kasi nasa labas na kami at ikaw na lang ang inaantay namin. Bye na bes! Sa terrace ka na lang dumaan! May hagdan na dyan! Nagover the bakod pa si nathan para maipasok ang hagdan!" Sabi nya at binaba na ang tawag.

Binuksan ko ang ikaw ko at sumilip sa glass door sa terrace at nandoon nga sila kasi nakaway sakin si bes.

LUBDUB!LUBDUB!LUBDUB!

Ayan na naman ang puso ko ng makita ko si nathan na nakatingin din sakin at NAKANGITI?! Wee?! For real?! He smile again! Nakakainlove naman ang ngiti nya! Makalaglag panty *kapa kapa sa garter ng panty*

Naligo na ako at naglagay ng mga extra na damit sa bag ko na akala mo pupunta na ako ng ibang bansa.

Pagtapos ko lumabas na ako sa glass door sa terrace at nakita ko na ang hagdan. Shit! Di ko alam kung kaya kong bumaba dito kasi my fear of heights ako pero kakayanin kesa magtrabaho ako sa company namin.

Nakapikit akong bumaba at last na lang ng dumaplis ang paa ko. Akala ko makakahalikan ko na ang bermuda grass pero hindi pala kasi may sumalo sakin.

Thank god! Ng itayo nya na ako at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si nathan na...na nakangiti sakin.

Nakakapanibago naman! Pero kinikilig ako sa ngiti nya. Pamatay kasi eh. Pamatay na makalaglag panty pa.

Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko at biglang nagslowmo ang paligid na akala mo kami lang ang tao sa mundo.

Lumayo na ako sakanya at nagsimula ng maglakad ng dahan dahan papunta ng gate. Buti na lang at mahimbing ang tulog ng mga guardya dito kaya nakalabas kami ng maayos ni nathan. Tahimik lang kaming pumunta sa sasakyan naming black na van.

Tumabi na ako kay bes pero pinaalis nya ako kasi daw hihiga sya kaya lumipat ako ng ibang upuan pero sabi naman ni kuya tristan madami pa kmaing dadaanan kaya wala akong nagawa kundi umupo sa tabi ni nathan.

Ang awkward naman ng feeling. Malakas na naman ang tibok ng puso ko. Dahan dahan akong humarap sakanya at nakita ko syang nakasandal sa bintana at nakapikit pa.

Kung titignan sya napakagwapo talaga nya at hindi malabong maraming magkagusto sakanya at magkaroon ng madaming fans sya sa campus.

At madami rin naiinlove sakanya.

Siguro...kasama ako doon? Joke! Isang malaking joke lang yun! Promise mamatay man lahat ng may panget na ugali sa mundo! Hindi totoo yung sinabi ko!

Hayst! Tama na nga! Basta di yon totoo!

"Done memorizing my face?"

Nabalik ako sa realidad ng sabihin nya yon. Nakaharap na sya sakin at nakangisi ng nakakaloko.

Bat ang gwapo nya?

"Shut the fuck up! Masyado kang feelingero! Tsk." Inis na sabi ko.

Nakakahiya kasi nahuli nya akong tinititigan sya. Baka kung anong iniisip nyan tungkol saa pagtitig ko sakanya.

Nakangising aso pa sya! Nakakabwiset!

Baka gusto nyang manghiram sya ng mukha ng aso. Joke lang ulit yon! Syempre sayang kagwapuhan nya kapag binugbug ko sya.

Amazona kaya ako! Kotongan ko sya dyan eh!

Nabalik na naman ako sa realidad ko ng may nagpinch sa cheeks ko at nakita ko si nathan na malapit ang mukha sakin. Pero lumayo ulit sya at inabot sakin ang softdrinks in can.

Walang pagaalinlangan kong tinanggap yon. Sunod nya namang inabot ay chicken sandwich. Dahil favorite ko yon,excited na excited kong kinuha yon at agad nilamon syempre kinain lang.

Pagtapos kong kumain nagthanks ako sakanya at halos malaglag ang panty ko dahil ngumiti sya. Not a fake smile its a real sweet smile.

Dapat pala lagi na lang kaming ganito para lagi kong nakikita ang ngiti nyang napakasweet at nakakainlove.

Waa! Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang meron sa chicken sandwich na binigay sakin ni tan-ta-este nathan.

Para kasing bagay na itawag sakanya yung tan-tan. Pero parang ginawa ko naman syang teddy bear kasi ayon yung nickname non pero bagay na bagay talaga. Ano kaya kung...kaibiganin ko sya tapos ang tawag ko sakanya ay tan-tan. Pero napakacold kasi nyan kaya ang hirap kausapin.

Bahala na nga! Wag na nga!

Unti unti akong dinadalaw ng antok kaya naglagay ako ng headset at natulog. Masyado pa namang maaga kaya pwede pa akong magbeauty rest.

***
Nagising ako sa pagyugyug ng kung sino sakin at nakita ko si nathan na titig na titig sakin. Ayan na naman ang leche kong puso. May nagiinvade na naman. Ano ba kasing nangyayari sakin? Nalilito na ako sa nararamdaman ko.

"We're here. " Sabi nya at lumabas na.

Sumunod na lang ako. Kukuhanin ko an sana yung mga gamit ko ng wala na akong naabutan.

Sumunod ako kay nathan at nakita kong dala nya na yung mga gamit ko. Nahiya naman ako kasi gamit ko atsaka gamit nya lang ang dala nya baka kung anong isipin nila kapag nakita nilang dala ni nathan yung gamit ko.

"Ahh nathan! Ako na bahala dyan sa gamit ko." Sabi ko at kukuhanin ko na sana ng lumayo sya ng konti sakin.

Humarap sya sakin pero hawak nya parin yung bag ko.

"No. Let me carry your bag. You need to rest kasi sobrang aga nating umalis." Sabi nya at naglakad na ulit.

Nahihiya akong sumunod sakanya. Pansin ko lang,wala na naman kaming dinaanan at sobrang luwag kanina sa van.

Parang...parang set-up yun ah! Tiffany mae! Lagot ka sakin.

Pero inaamin ko...nagustuhan ko rin!

Waa! Ano ba tong sinasabi ko?! Nababaliw na talaga ako!

To be continued...

A/N: Ayan na po! Malapit na ang nalalapit na realization ng dalawang lovebirds! Sana magustuhan nyo ang gagawing pagamin ni nathan pero di pa po sa next chapter yon kasi bibitinin ko muna kayo.

My Cold Badboy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon