Chapter 17

420 17 0
                                    

Trisha's POV
Nagtagal pa ako ng konti sa sa likod ng clinic sa lilim ng puno. Pero dumating si tiffany at pinapatawag daw ako ng principal.

Simula ngayon,pagtutuunan ko na ng pansin ang pagaaral ko at hindi sila nathan dahil masasayang lang ang pagaaral ko kapag nagpatuloy lang ako sa pagasa kay nathan. Babalik na ako sa pagpasok ko at gragraduate ng masaya.

"Okay ms.lopez. Okay naman ang records mo but you need to go back schooling. Because your all subject teachers not passed you. Kaya pumasok ka na lang ulit." Sabi ni ms.principal.

Nginitian ko naman sya ng tipid at tumango ng mahina. Kahit anong ipasok sa isip ko di parin maalis sa isip ko si nathan at alicia na magkayakap.

"May special projects po ba para sakin?" Tanong ko sakanya.

"Based on your teacher, wala naman daw kailangan mo lang daw talagang pumasok para maibigay na ng buo ang grades mo." Sagot nya at tumango lang ako.

"You can go now to your class." Dugtong nya.

"Thank you ms.principal." Mahina kong sabi at lumabas na.

Saktong paglabas ko ng makita ko si nathan at alicia ng magkaholding hands at mukha talaga silang masayang masaya.

"Wait trisha!" Narinig kong sigaw ni nathan at hinawakan pa ang braso ko.

Di ko kayang humarap dahil feeling ko anytime tutulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Congrats." Tanging sabi ko sakanya at hinila na ang braso ko.

Naglakad ako palayo sakanila. Pinunasan ko ang luha kong kanina pang tumutulo. Kailan ba ako tatakasan ng sakit?

Mapupuno na ng sakit ang buong puso ko at parang konti na lang titigil na toh sa pagtibok at magcocollapse na lang ako bigla.

Pumasok ako sa classroom ko at naabutan ko ng nandoon ang teacher namin pero di pa sya nagsisimula. Bumalik ako sa tama kong upuan pero may nakaupo na doon at mukha syang bago dahil halos kabisado ko na ang mga mukha ng mga schoolmates ko.

Humarap ako sakanya at kulang na lang ay may magawitang mga anghel dahil sa gwapong nilalang an katapat ko ngayon.

"Get out of my fucking chair." Mahinahon pero maotoridad kong sabi.

"Why do i do that? Almost three weeks ka ng absent at ako na ang mayari ng upuan na to. Understand?" Nakangisi nyang sabi.

Baka gusto nya pang masapak ko sya bago sya umalis sa upuan ko.

"I said,GET OUT OF MY FUCKING CHAIR!" Sigaw ko sakanya.

Ayokong niloloko ako ngayong broken pa ako. Baka tuluyan kong ipahugot saa bampira ang puso ko para wala ng sakit. Lol.

"Miss lopez! Maghanap ka ng bagong upuan mo dahil si mr.frenerie na ang nakaupo dyan simula ng umalis ka." Utos ng teacher namin.

Wala akong nagawa kundi umupo sa katabi na bakanteng upuan ni mr.frenerie-ng nakakabwiset. Yare sya sakin pagbreak na.

Magtutuos kami!

Nagsimula ng magklase ang teacher namin pero nasa mars parin ang isip ko.

"Here,Ms.lopez. Gamitin mo na kasi kanina ka pa umiiyak." Sabi ni mr.frenerie at inabot sakin ang panyo.

Kinuha ko naman yon at pinunsana ang luha ko. Di ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Hoy bes! Ano bang nangyayari sayo? Bigla bigla ka na lang umiiyak?" Tanong ni bes sa kaliwa ko.

My Cold Badboy CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon