Nakaw
"Wala po talagang vacant room,ma'am,pasensya na."
Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko nang narinig ang mga salitang 'yan.Mahigit apat na oras na akong naghahanap ng tutuluyan.Makapahinga man lang sana.Alas nuwebe ng umaga ang huli ko pang kain.Kaya pa namang tiisin pero kailangan.Kung sana wala nalang 'to.
Hindi ko alam kung coincidence lang ba itong wala talaga akong matutuluyan o meron talagang nagplano..
"Ganun ba?Sige salamat." Tsaka ako diretsong lumabas ng Inn na iyon.Pag apak ko palabas ay naamoy ko agad ang malamig na simoy ng hangin at talaga namang nanuot ito sa ilong ko.Bumuntong hingina ako.Makakaraos rin ako sa hagupit ng kamalasan ngayong araw.Fight!
Biglang kumalam ang aking tiyan nang namataan ang karinderya.Malapit sa Inn lang na ito.Kailangan ko nang kumain.Nagsimula na akong maglakad patungon doon.
Pagkalapit ko ay nag order agad ako.
"Anong sayo ineng?" Tanong ng manang na nagbabantay sa tindahan sabay ngiti.
"Isang serve ng tapsilog po,tsaka ginataang baboy,tatlong pirasong fried chicken,dagdagan mo na rin po ng pepsi at bottled mineral water.Salamat po!" Ngiting sagot ko rin.
Agad nagtaka ang manang kung bakit marami ang in-order ko,kitang-kita sa mukha nya iyon.Nag taas ako nang kilay.
Kung alam mo lang manang,kumakain pa ako ng mas marami pa niyan.Hehe.
"Wooh!" Sabay himas ko sa aking tiyan.Busog na busog na ako!
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako.Hindi pa nakakatatlong hakbang palabas ay meron nang humablot sa pouch na dala ko.
Shit!
Sa isip ko'y uutusan ko sanang balibagin ito pero marami palang tao!
Maraming tao kaya hindi pwede.Pag nagkataong hindi ko napigilan ay duguan na talaga ito.
Nagmamadali ako sa pagsunod sa magnanakaw.Sumisigaw ako habang humihingi ng tulong.Kailangang ko ang pounch ko!Nandoon ang credit cards at cellphone ko!
Kung wala lang talaga itong mga tao ay mas madali lang sana sa aking pataubin to.
Halos takbuhin ko ang distansya ng magnanakaw.Ni hindi ko na alam na pinag titinginan na ako habang sumisigaw parin.
Hindi ba sila naaawa sa akin?Ni hindi ko na nga inalintana ang kondisyon ko!
Ngunit sa bilis nya ay hindi ko na namalayang meron palang bato na nakaharang sa daan at tuluyan na akong natalisod.
Pilit ko sanang alisin iyon gamit ang kakayahan ko nang sumagi sa utak kong hindi pwede.Wala akong nagawa kundi indahin ang sakit na dulot nitong bato at nagpasalamat naring sa tagiliran lang ako bumagsak.Ngunit panandalian lamang iyon dahil naalala kong may hinahabol ako.Bigla akong napaangat ng tingin at dali daling tumayo.Tuluyang lumapit sa pag aakalang nawala na iyon.
Ngunit taliwas sa aking iniisip na tumakas ang magnanakaw.Bugbog sarado na ang lalaki at nakahandusay sa daan,pinagsusuntok ng estrangherong lalaki.
Thank God!
Biglang napawi ang nararamdaman kong kaginhawaan at napalitan ng kaba.
Teka,the way its broad shoulder move as he continuously punching the thief.
Naka itim na jacket sya at itim rin na pantalon pero hindi ito hadlang para hindi ko makita kung paanong ang makurba niyang likod ang nagpapatunay na makisig talaga ito.Hinablot ng estrangherong iyon ang pouch ko.Pinalaki ko talaga ang aking mata para makita talaga ng tuluyan iyon.At oo nga!kilalang-kilala ko!Agad nag init ang aking ulo sa realisasyon na iyon.
Oh My God!Oh My God!Bakit siya nandito?Nasundan ako?Hindi ito maaari!Hinding hindi!
Tumalikod na ako agad-agad sa takot na makilala ako.Hindi ko na inalintana ang magnanakaw at ang pouch ko.Hindi ko na alam kung ano ang malaking problema.Ito bang pouch ko o itong paparating!Agad na akong nagmartsa nang mabilis sa takot na makita't mahuli niya.
Sa kamalasan nama'y nakakalimang hakbang palang ako ay meron nang humigit sa beywang.Hiuna ko'y hindi lang galit ang lalaking ito dahil sa higpit nitong pagkapit.
"God Dammit!"
YOU ARE READING
The Seeker Of Magic Within
AdventureSi Fress.Nag-aaral siya sa isang prehistihiyosong paaralan ng mahika. Where fantasy exist.Where magic has no limitation. The world is full of magic.We all have that magic within.Even if you know how it's done is also a magic. But for us. We possess...