056.

125 9 3
                                    


CHAEWON.

"let's talk."

seryoso akong napatingin kay felix nang sabihin niya iyon. seryoso rin ang mukha niya. pareho lang naman kaming seryoso.

kahit na medyo nagtataka ako sa kinikilos niya ay sinundan ko pa rin siya at napunta kami rito sa garden, kung saan kami nag-usap noon ni woojin. umupo siya roon sa bench at umupo rin ako doon sa katapat na bench.

"ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.

"stay away from woojin." deretsahan niyang sagot.

napayukom naman ang kamao ko. "kung iyan lang ang pag-uusapan natin..." tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. "mas mabuti pang umalis na ako."

"chaewon, makinig ka nga muna sa akin." bahagyang tumaas na ang boses niya.

napasinghal ako. at siya pa ang may na magtaas ng boses, huh? buhay ko'to. bakit ba pinipigilan niya ako sa mga bagay na gusto kong gawin?

"chaewon, hindi mo ako naiintindihan." pagpapatuloy niya sa sinasabi niya.

"ipaintindi mo sa'kin!" sumigaw ako. "lagi mo na lang sinasabi sa akin ba lumayo ako kay woojin, pero bakit nga ba, felix?" hindi na nakasagot si felix sa mga tanong na ibinato ko sa kanya.

"bakit ba bigla ka na lang bumalik sa buhay ko? oo, magkaibigan na uli tayo pero sana huwag mong diktahan ang mga bagay na gusto kong gawin." mahinahon ngunit may diin kong sabi. mukha namang nasaktan siya roon sa sinabi ko.

natauhan naman ako. "s-sorry... i mean, hindi ko sinasadya... uhm..."

"i'm sorry for leaving you that time." bigla niyang paghingi ng tawad. tumayo siya at saka lumapit sa akin. "i don't know that you need someone noong mga oras na iyon. sorry if leaving you behind was my only option that time."

"pero hanggang ngayon naman chaewon, ikaw pa rin, e."

"f-felix..."

"kahit kailan naman hindi nagbago 'yon." humakbang pa siya papalapit sa akin. "ikaw ba, chaewon? nagbago na ba?"

sasagutin ko na sana siya ngunit bigla na lang akong natigilan nang mapansin ang pigura ni woojin mula sa likod.

si woojin...bakit siya nandito?

i was about to run papunta sa kanya ngunit pinigilan ako ni felix. napatingin naman ako kay felix.

"isang sagot lang naman ang kailangan ko." pagmamakaawa niya. "isang sagot lang...at palalayain na kita."

parang may kung anong kumurot sa puso ko noong mga oras na iyon. binalik ko ang tingin ko kay woojin na nakatingin dito mula sa malayo. muling nilipat ko ang tingin kay felix.

napapikit ako. nag-echo sa akin ang mga sinabi sa akin ni eunbi unnie noon.

"follow your heart. follow what your heart wants."

dumilat ako at medyo nanlalabo na ang paningin ko dahil nagluluha na ako.

sorry, i just want to follow my heart.

"felix, n-nagbago na, e..."

ngumiti siya ng malungkot. "i know he's here to see you." binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "follow your heart, chaewon. go now."

medyo nag-aalangan pa ako nung una ngunit tumakbo na rin ako papunta kay woojin.

habang tumatakbo ay muli akong tumingin kay felix. nakangiti niya akong pinagmamasdan at nag-thumbs up pa siya sa akin. but i know he's hurting inside.

sorry if following my heart means hurting your heart, felix.

—————————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon