030.

128 10 5
                                    


CHAEWON.

dali-dali akong tumakbo papunta sa announcement board ng school. kagabi ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa lintek na pagkakasali ko sa rankings na 'yan.

what the hell is happening? hindi ko pa rin ma-gets. like, ang paya-payapa ng buhay ko kaso bigla na lang ako na-involve kay woojin at kay felix. ah, jusko. ginugulo nila ang buhay ko!

pagkarating ko sa harap ng announcement board ay sumalubong sa akin ang isang mahabang listahan. nakalagay rito ay: "this week's top 25".

TOP 25!

25. Jang Wonyoung
24. Kim Chungha
23. Jeon Somi
22. Miyawaki Sakura
21. Lee Chaeyeon
20. Bang Chan
19. Lee Seoyeon
18. Park Jiwon
17. Park Jihoon
16. Kim Sejeong
15. Kang Daniel
14. Seo Changbin
13. Ha Sungwoon
12. Hwang Minhyun
11. Ong Seongwoo
10. Jang Gyuri
9. Kim Doyeon
8. Wang Yiren
7. Lee Felix
6. Yabuki Nako
5. Ahn Yujin
4. Choi Yena
3. Jo Yuri
2. Kim Chaewon
1. Park Woojin

napanganga ako dahil sa aking nakita. so, legit pala talaga 'yon?! ibig bang sabihin...kasama talaga ako sa rankings? paanong nangyari 'yon?

pagpasok ko sa room ay sinalubong ako ng tingin ng aking mga kaklase. syempre dahil dakilang tsismoso ang mga iyan, alam na nila 'yung pagkakalagay ko sa rankings.

bigla na lang humarang sa daan ko ang isang babae kong kaklase. nakataas ang kilay, nakakunot ang noo at naka-cross arms pa. napabuntong hininga na lang ako. baka mapaaway pa ako nito.

ngunit taliwas sa iniisip ko ang mga sumunod na nangyari. bigla na lamang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha at biglang ngumiti.

"congratulations, chaewon!"

at bigla niya akong niyakap na para bang magkaibigan at close kami. hindi ako nakapag-react sa ginawa niya.

o...kay? ang weird nila.

"salamat, hehehe." ayun na lamang ang sinabi ko matapos niyang kalasin ang kanyang pagkakayakap sa akin. umupo na ako sa upuan ko at napatingin na lamang sa bintana. tinanaw ko na lamang ang payapang at bughaw na kalangitan.

parang mas lalo pa atang gumulo ang buhay ko.

————————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon