008.

151 15 6
                                    


CHAEWON.

"whoo, good luck, self!"

dahan-dahan akong pumasok sa classroom namin. ni-double check ko pa nga kung 11-A ba 'tong napasukan ko kasi baka mamali pa ako ng mapasukang classroom. nakakahiya kaya 'yon.

"shet, daming gwapo." naibulong ko na lamang sa sarili ko nang makita ang mga lalaki kong kaklase. pero syempre charot lang 'yon. no to landi dahil study first po ako.

agad akong umupo sa pinakadulong upuan. mukhang loner ang peg ko. kung sana ay magka-batch lang kami ni eunbi unnie kaso ay 1 year ahead siya sa akin. siya lang naman kasi ang ka-close ko rito. malamang transferee lang ako, hehehe.

tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaklase kong naririto na sa loob ng silid at ang mga pumapasok pa. agad akong nagtaka nang makitang parang nahahati sa dalawa ang mga kaklase ko.

ang iba ay nagkukwentuhan at mukhang nag-e-enjoy sa company ng bawat isa ngunit ang iba ay parang mga outcast na tahimik lamang na nakaupo at nagmamasid.

bigla namang nag-ring ang bell hudyat na simula na ng mga klase.

ang weird ng mga tao rito.

——————

"masaya naman sa klase ko. Pero alam mo 'yon, parang ang weird." napatingin naman sa akin si eunbi unnie dahil doon.

"bakit?"

"wala lang." kumagat ako roon sa fries niya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin ngunit syempre ay nginitian ko lang siya na parang isang inosenteng bata. "para kasing naka-grupo sa dalawa 'yung nga estudyante. mga populars at outcasts, ganoon."

wala akong response na narinig mula kay eunbi unnie. nagtaka naman ako dahil doon. "natahimik ka diyan?"

napailing siya. "ah, wala. wala."

sinubuan niya na lang ako ng fries kaya naman hindi na ako nakaangal pa. ako naman ang napailing.

ang weird din nitong si eunbi unnie, e.

———————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon