038.

159 11 17
                                    


CHAEWON.

"'di ka ba talaga kakain?"

marahan ko siyang inilingan dahilan para mapasimangot siya.

"sige na nga." pagsuko niya. "basta sa susunod, ha? sumama ka na sa'kin!"

"oo na, chaeyeon." sagot ko. "pakisabi na rin kay felix na wala ako ngayon kung hahanapin man ako."

nagsalubong ang dalawang kilay niya. "bakit? magkaaway kayo?" pang-uusisa niya.

mabilis akong napailing. "hindi kami nag-away, 'no!" pinanliitan niya pa ako ng mata ngunit maya-maya rin ay nagpaalam na siya na pupunta ng canteen. naiwan akong mag-isa rito dahil lahat ata ng mga kaklase ko ay nasa canteen.

kahit hindi ko naman kaklase si chaeyeon, pumasok pa rin siya sa loob ng classroom. actually, paglabag na 'yon sa rules ng paaralan ngunit kahit na may nakakita na sa kanya na pumasok sa ibang classroom ay wala pa rin silang angal. i think, kaya walang angal ang ibang taong nakakita sa kanya ay dahil nasa rankings siya.

ah, the ranking and its benefits.

pero kilala ko naman si chaeyeon. nasa rankings man o wala, alam kong lalabag pa rin 'yon sa rules ng paaralan. well, ganoon din naman ako, e.

"you're not gonna eat?"

muntik na akong mapatalon mula sa pagkakaupo ko dahil sa gulat. napatingin ako kay woojin na nakaharap lang sa akin at mukhang pinipigilan ang tawa dahil sa naging reaksyon ko.

jusko naman! bakit nandito ang isang 'to?

"h-ha?"

"hatdog." pambabara niya. aba, aba. lumalaban at sumasapaw na, huh. "ang sabi ko hindi ka ba kako kakain?"

"syempre, h-hindi..."

hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang makipag-eye contact sa kanya. ni hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya habang kinakausap ko siya. nakakahiya naman kasi 'yung conversation namin kagabi. hindi ko alam kung paano ko siya i-a-approach pagkatapos nung sinabi niya sa akin kahapon.

galit kaya siya sa akin dahil sa mga nakita ko? pero kung galit siya, dapat ay wala siya sa harap ko ngayon. wala siya dapat dito at tinatanong ako kung kumain na ba ako. ewan, ang gulo rin ng taong 'to, e!

"bakit hindi ka kakain?" nanlaki naman ang mga mata ko nang hawakan niya ang wrist ko at saka hinila patayo. "dapat sa mga kagaya mo, pinapakain para tumaba. mukha ka na kasing skeleton diyan sa itsura mo."

hinila na niya ako palabas ng classroom at mukhang patungo kami sa canteen. dahil mas malakas siya sa akin, hindi na ako nakapalag pa. medyo nakaka-shock din ang mga actions niya towards sa akin.

mukhang nagbago ata ang ihip ng hangin?

pagkarating namin sa canteen ay pinagbubulungan kami ng mga tao. dahil dakilang tsismoso't tsismosa ang mga tao rito sa produce university, hindi nakaligtas sa kanila ang pagkakahawak sa akin ni woojin.

i mentally face palmed. panibagong issue na naman.


wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya na um-order sa counter. laking gulat ko nung siya ang nagbayad para sa order ko. hindi na ako nakapagsalita dahil sa hiya. ano na naman bang pumasok sa isip ng lalaking 'to?!

"here, let's have a seat together."

shit, i don't think this is park woojin. this is not the real park woojin! he's an impostor! how come sobrang bait niya ngayon sa'kin? anong hangin ba ang nasinghot nito?

dahil siya naman ang nagbayad sa pagkain ko, wala na akong nagawa kundi ang umupo sa parehong table na inupuan niya.  magkatapat kami ngayon at tahimik lang na kumakain.

saglit ko siyang sinulyapan. hindi ba siya nakakaramdam ng awkwardness?

"thank you..."

muntik na akong mabilaukan dahil sa biglaang pagsasalita ni woojin. nung ma-realize ko kung ano ang sinabi niya ay napatingin ako sa kanya.

"thank you dahil hindi nagbago ang pakikitungo mo sa'kin." habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon ay hindi siya sa akin nakatingin kundi sa kinakain niya. ngunit ako ay nanatiling nakatingin sa kanya.

pinagmasdan ko ang mga mata niya. ang lungkot. woojin...

"thank you for keeping my secrets, chaewon." at sa wakas ay tumingin na siya sa akin. hindi ko maiwasang mapangiti.

do you want me to keep you also, woojin?

———————————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon