017.

143 13 12
                                    


CHAEWON.

napabuntong-hininga na lang ako nang pumasok sa room. i tried to ignore all those girls na ang talim ng titig sa'kin. duh, nakalipas na ang isang linggo hindi pa rin sila maka-move on. like, ang liit na bagay lang no'n pero bakit pinapalaki pa nila? hindi porke't famous siya, bawal na siyang kausapin. wow, ano siya, hari?

naalis naman ang atensyon sa akin nung mga babae nang pumasok si woojin at 'yung kasama niyang babae na si yuri. siguro ay girlfriend ni woojin itong si yuri. palihim akong napairap. wala akong planong landiin si woojin, 'no.

sandali akong napatitig kay woojin at bigla akong napaisip. parang pamilyar kasi siya sa akin. nagkita na ba kami sa ibang lugar? bakit pamilyar siya?

siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko—

charot lang. para kasing nakita ko na siya sa kung saan.

napapitik ako sa daliri ko nang maalala ko kung saan ko siya nakita. muli ko siyang tiningnan habang masama ang tingin at nagtama ang paningin namin. napaiwas naman ako ng tingin dahil sa pagkabigla.

siya pala 'yung lalaking rude na nakabangga ko noong unang araw ko rito sa produce university. hmm, talaga naman palang rudeness runs in his blood. tsk, gwapo sana kaso ang panget ng ugali.

———————

"ayan ata 'yung babaeng nag-reply doon sa tweet ni woojin."

napalingon naman ako roon sa mga babaeng nagkukwentuhan sa gilid ko dahil narinig ko ang pinag-uusapan nila. ay, galing naman pala. anong klaseng bulungan ba ang ginagawa nila at ipinaparinig pa nila?

nang makita nila na nilingon ko sila ay agad silang nag-iwas ng tingin sa akin at dali-daling umalis. boom taob. takot sila, ih.

kumakain ako ng ice cream ngayon at alam kong wala kayong pake. hindi ko kasama si eunbi unnie ngayon kasi nga busy raw siya at hindi niya ako masasamahan ngayon. kaya ito ako, lonely and alone.

hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano 'yung tinutukoy niyang rule dito sa university. dami naman palang arte rito sa school na 'to. mukhang pinagsisisihan ko na lumipat pa ako. ah, nakakamiss tuloy 'yung dati kong school.

paakyat na sana ako patungo sa 2nd floor ngunit napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mahinang paghikbi. dahan-dahan akong sumilip sa espasyo sa ilalim ng hagdan at nakita ko ang isang babaeng umiiyak. mukhang napansin niya na may nakatingin sa kanya kaya agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"s-sorry..." she said. "i-i'm not crying... naiyak lang ako sa episode 17 ng my id is a gangnam beauty."

"it's okay." i assured her. "at saka hanggang episode 16 lang naman 'yung my id is a gangnam beauty."

nilapitan ko naman siya at saka ibinigay ang panyo na nakuha ko mula sa aking bulsa. "mind if you share? but it's okay kung hindi mo kayang mag-open up sa isang stranger na kagaya ko."

muli na namang tumulo ang mga luha niya ngunit agad din naman niya iyong pinunasan gamit ang panyo na ibinigay ko sa kanya.

"nalaglag ako sa rankings." nagsimula na siyang magsalita. "i'm afraid to be a nobody."

hindi ko maiwasang mapakunot ang noo dahil sa sinabi niya. mayroon na ba agad rankings? hindi ba't nakaka-isang linggo pa lang ang klase? ang bilis naman nilang mag-compute ng grades namin.

"rankings?" i asked. "it's okay. makakabawi ka pa naman sa iba pang quarters."

this time ay siya naman ang napakunot ang noo. what? may nasabi ba akong mali?

"what do you mean?" she asked back. "mukhang hindi tayo nagkakaintindihan. you don't know the university rankings?"

"bakit? may iba pa bang rankings dito sa school bukod doon sa rankings na kinukuha batay sa grades natin?"

"you don't know the rules here?" nagtatakang tanong niya.

ito na naman tayo sa rule thingy na 'yan. ano ba kasing mayroon diyan sa rule na 'yan at parang gulong-gulo ang mga tao sa university dahil diyan?

"i mean, why don't you know? that's exactly the thing that will determine your life here in produce university."

what's that rule? bakit parang dito nakataya ang buhay ng mga estudyante rito?

—————————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon