"Kumusta ka?"
Simpleng mga salita na madalas binabalewala o hindi naman kaya'y hindi man lamang makayang bigkasin ng ating mga labi. Isang simpleng katanungang maaaring makapagpabago at/o makapagpagaan sa nararamdaman at kalagayan ng isang tao. Isang simpleng katanungang maaaring maging daan upang mas marami tayong malaman sa pinagdadaanan at sitwasyon ng iba. Isang katanungang madalas na pambungad sa mga usapan pero nasasagot nga ba ng tama at puno ng katotohanan? O sinasagot lang para matapos na ang usapan?
Ang pangungumusta ay hindi naman magiging kabawasan sa ating pagkatao, hindi kakain ng buong oras pero kahit kaunti sana'y makapaglaan.
Ang pagsagot naman ng tunay at tapat sa pangungumusta ay hindi nangangahulugang pagiging mahina bagkus ito'y pagpapakita na tinatanggap natin sa ating mga sarili ang ating mga kahinaan at tayo'y nangangailangan ng taong makikinig at mananalangin para sa atin.
Nawa'y maging paalala at makatulong ang pahayag kong ito para sa bawat isa. Maraming salamat sa paglalaan ng oras, nawa'y patuloy tayong pagpalain ng ating Panginoon. 🙂
Ps: Ikaw, kaibigan, kumusta ka?
BINABASA MO ANG
Traveling Marino
PoesíaPara sa lahat ng mga Long Distance Relationship. At lalong Lalo na sa mga manlalayag nating mga seaman na sawi o may hugot sa pag ibig .