Kabanata 1.

9.1K 213 33
                                    


BEAUTY IN NAKED


"Tignan mo ang isang iyon. Nakakatakot, hindi man lang nagsasalita. Pipe ba yan?" Siniko ko si Mari. Baka mamaya marinig kami ni Ginoo. Ayon na ipapalangan ko sa kanya Ginoo tutal ayaw niyang sabihin sa amin kung sino nga ba siya.

Nakaupo lamang ito sa isang malaking bato habang nakatanaw sa karagatan. Hanggang kailan ba niya tititigan lang ang tubig?

"Tonyang!" Tawag ng ina ko. Napalingon naman ako kay Mari.

"Uy Tonyang tawag kana ng Nay Melba hindi ka pa ba papasok?"

Napalingon muli ako kay Ginoo. Tulad ng sinabi ko, ganoon parin ang kanyang kalagayan. Nakatingin lamang sa malawak na karagatan.

"Hanggang kailan mo ba tititigan ang lalaking 'yan?" Pabulong ngunit napalakas ang boses ni Mari kaya naman sinamaan ko agad ito ng tingin.

"Mari wag ka ngang maingay. Baka mamaya marinig tayo ano pang isipin sa atin. Tsaka ngayon lang kasi ako nakakita ng taga labas." Napasimangot ako. Hindi tulad ko si Mari. Minsan na itong lumabas ng isla kasama ang kanyang ama. Minsan nga ay naiinggit ako sa mga kinukwento nito sa akin. Gusto kong makita ang labas ng islang ito. Gusto kong matuklasan kung ano nga ba ang nagaganap sa mundo.

"Oh sige na Tonyang uuwi na ako at baka hinahanap na ako ng nanay ko. Ang Nay Melba, kanina ka pa tinatawag baka may ipag uutos." Nauna na sa akin si Mari. Nanatili naman akong nakatayo sa gilid ng bukuhan, habang patuloy na pinagmamasdan si Ginoo.

Dapit hapon, palubog na ang haring araw at pasikat na ang buwan. Minabuti ko na lamang na umalis sa pinagtataguan ko at umuwi sa bahay.

"Antonet, kanina ka pa tinatawag ng inay mo." Bumungad sa akin ang tatang. Inaayos nito ang malaking bangka at malaking lambat.

"Tay, naglaro lang po kami ni Mari."

"Hija anak ipapaalala ko lang sayo ito. Hindi ka na bata. Dalaga kana. Itigil niyo na ni Mari ang paglalaro ng habulan sa tabing dagat at mas mainam kung atupagin mo ang mga gawaing bahay."

Napanguso ako sa sinabi ng tatang.

"Tang, kailan po ba ako makakapag aral? Gusto ko pong matutong mag basa at mag sulat tang." Nag iba ang ihip ng hangin. Nag iba ang naging ekspresyon ng tatang.

"Hindi ba napag usapan na natin ito Antonet? Hindi ka mag aaral. Walang magandang maidudulot sayo ng edukasiyon. Mag aaksaya ka lang ng oras kaya ang mas magandang gawin mo ay tulungan ang ina mo dito sa gawaing bahay."

Hindi ko gusto ang ideyang iyon. Isipin pa lamang na hindi ako makakapag aral ay labis na ang aking lungkot. Gusto kong matuklasan kung anong mayroon sa labas ng islang ito. Gusto kong maranasang makasalamuha ng mga tao. Gusto kong mag aral, mag aral kung paano mag sulat, mag basa at marami pang iba.

"Tonyang anak, halika dito." Napukaw ng ina ang aking agam agam. Hindi na ako sumagot pa kay tatang dahil alam kong wala akong mapapala at sarado ang isip nito sa edukasiyon.

Minabuti ko na lamang na sumunod at nagtungo na kung nasaan ang inay.

"Nay." Malungkot ang boses ko.

"Anak pakihugasan na nga muna ang mga isda para makapag luto na ako." At ibinigay nito sa akin ang basket na may laman ng mga huling isda.

Montague Series 3: Beauty in Naked |R18| On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon