TATLONG araw bago dumikit ang maliit na bangka sa kapatagan. Itinulak ng mga ito ang mga pirata nang sila'y papalapit na sa mabatong lupa. Ang dalagang si Antonet ay kaagad na hinila ni Sergio upang mauna itong makababa.
Iniwan nilang tatlo ang maliit na bangka at nagpatuloy sa paglalakad. Tanghaling tapat nang sila'y mapadako sa lalawigan ng Leyte. Hindi pamilyar ang mga ito kung nasaan eksakto ang kanilang lugar ngunit alam nilang palengke ito sa dami ng tao.
"Ikaw naman kasi Sergio bakit ba kailangang sirain mo ang cellphone ko." Napakamot si Rowan habang nagpupunas ng pawis. Huminto sila sa puno ng buko. Mahangin sa parteng iyon kahit na tirik naman ang haring araw.
"Papunta na ba ang babaeng 'yon?" Nakapamaywang na tanong ni Rowan habang ang dalagang si Antonet ay tahimik lang dahil nakakaramdam na ito ng pagkahilo sa gutom. Kagabi pa sila walang kain dahil naubusan ng imbak ang bangka.
Maya maya pa ay may dumating na pulang kotse na may kadumihan dahil sa kapal ng buhangin. Ibinaba ni Sergio ang kamay na may relo. Bumukas ang bintana at isang babae ang naroon.
"Late na ba ako?" Nakangiting tanong nito.
"Merrideth." Nakangiting bati ni Rowan nang bumaba ang magandang babaeng may nakakaakit na hubog at mala porselanang balat.
"Rowan hindi ka pa rin nag babago. Kamusta na pala Sergio?" Mapang-akit na tanong nito. Si Merrideth ay isa rin sa kasamahan nila noon at dating nagtatrabaho sa AIR FORCE MILITARY. Venom ang tawag sa grupo ng mga ito na pinamumunuan ni Sergio. Sila ang grupo na may pinaka magaling at makamandag sa misiyon. Ang huling pagsasama nila ay naganap sa tubuhan nang balaking pasabugin ito ng traydor na Lieutenant na si Campbell. Pito sila sa isang grupo. Si Sergio ang Alpha habang si Rowan ang Beta. Si Merrideth na nagiisang babae ang kanilang Charlie. Siya ang babaeng magaling humawak ng baril.
"Sino siya?" Tanong ni Merrideth nang makita si Antonet.
"Ano?!" My God Sergio. Makakasira 'yan sa misiyon natin." Nagtatalo na si Merrideth at Sergio habang nagmamaneho si Rowan. Tahimik naman si Antonet na nakaupo sa pinaka sulok.
"Nangako ako sa ama n'ya." Bulong ni Sergio kay Merrideth at sinenyasan ito na huwag nang makipag talo pa. Tinatapos na agad ng Alpha ang kanilang pag-uusap. Umirap lamang si Merrideth at tahimik na tumingin sa bintana. Si Antonet ay napatingin naman sa katabi niyang si Sergio. Natuwa ang dalaga dahil sa palagay niya ay hindi siya tuluyang nawalan ng pamilya. Sumandal na lamang ito sa bintana at pumikit naramdaman kasi niya ang pagsakit ng ulo dala na rin ng gutom.
Ilang minuto nang makarating ang sasakyan sa kanilang hide out. Isa itong abandonadong gusali na maraming nakakalat na bote ng alak. May mga upos pa ng kahoy na halatang pinagsindihan ng apoy para gawing ilaw sa gabi. Bumukas ang bakal na gate nang bumusina si Rowan. Isang lalaki na may malaking katawan at maraming tattoo ang lumabas para tignan ang mga kasama ni Merrideth.
"Odeth pinapatawag ka ni Gomba." Sabi ng lalaki nang makapasok na ang sasakyan. Si Gomba ang nakatatandang kapatid ni Odeth na isa ring sundalo ngunit tumiwalag dahil hindi nito nagustuhan ang pamamalakad sa AIR FORCE MILITARY.
"Tuloy kayo. Wag kayong mahiya kakausapin ko lang ang kuya." Sabi ni Odeth.
Nakaramdam na ng panghihina si Antonet ngunit nanatili lang itong tahimik.
"Tonyang bakit hindi ka ata madaldal ngayon?" Tanong ni Rowan. Hindi kumibo si Antonet dito. Napaisip naman ang binata at si Sergio ay nakahalata na.
Napahawak sa ulo si Antonet at pumikit. Huminga lang ito ng malalim tsaka dumilat. Bumalik din agad si Odeth at ibinigay ang susi kay Sergio. Susi ito ng kuwarto na tutuluyan nilang tatlo. Ang usapan ay tatlong araw lamang sila roon dahil may sadyang puntahan si Sergio sa lugar ng Leyte.
Aakyat na ang tatlo papunta sa ika-apat na palapag. Nanghihina ang mga tuhod ni Antonet habang nasa likod lamang si Sergio at nagmamanman. Alam niyang may kakaiba sa dalaga dahil biglaan na lamang itong nanahimik.
"Ipapahanda ko na ang makakain niyo mamaya." Sabi ni Odeth na nauna nang maglakad sa kanila. Napahawak si Antonet sa bakal at huminto ito. Huminto na rin si Sergio at inaabangan na lang kung ano ang mangyayare sa dalaga. Si Rowan naman ay walang kaalam alam na tuloy tuloy sa pag akyat.
"Nahihilo ako Master." Sabi ni Antonet. Kaagad na lumapit si Sergio para hawakan ito sa braso. Aalalayan na niya sana ito nang bigla na lang mawalan ng balanse ang dalaga dahil nahimatay na sa gutom.
ANTONET:
KUMAKALAM ang tiyan ko nang maamoy ang mabangong ulam. Kaagad akong nagising at nakita si Teacher Rowan at Master na nag-uusap.
"Tonyang gising ka na pala. Kumain ka na at baka himatayin ka ulit." Nahimatay pala ako? Akala ko panaginip lang 'yon. Kinuha ko ang pagkain na nakahanda para sa akin. Matapos kong lumamon ay lumapit ako sa kanila.
"Ano ang pinag-uusapan niyo?"
"Tonyang may pagka-chismosa ka pala tulad ko." Natatawang sabi ni Teacher Rowan. Ngumuso lang ako at naupo sa katabing upuan nito.
Tumayo naman si Master Sungit.
"Master sandali. Salamat pala ha at sinalo mo ako kanina." Nagkatinginan kami ni Teacher Rowan. Hindi nanaman sumagot si Master Sungit at lumabas ito.
"Saan pupunta 'yun?" Tanong ko kay Teacher. Umiiling lang siya hindi rin niya alam.
"Teacher Rowan lalabas muna ako."
"Tonyang wag kang lalayo. Malalagot ako kay Master." Sabi nito. Abala naman siya sa kakabilang ng bala niya hindi ko na lang pinansin 'yon at lumabas ako. Ang laki namang bahay nito na gawa sa bato. Ni minsan hindi ako nakaranas ng ganitong kalaking bahay.
Bumaba ako para hanapin si Master at nakita ko ang ilang mga tao na nagkukumpulan. Sila 'yung kanina, 'yung mga barako na ang sasama ng mga mukha.
Sa sobrang abala nila ay hindi ako napansin ng mga ito. Nakalabas ako ng malaking bahay na gawa sa bato. Hinanap ng mga mata ko si Master pero wala ito. Nasaan kaya ang masungit na 'yon? Umikot ako at nag tago dahil may mga bantay pala sa labas baka mapagalitan ako pag nagkataon na makita nila ako.
Ayun! Ayon si Master kasama 'yung babae kanina. Nakita ko ito na papasok ng sasakyan. Iyon daw ang tawag doon sabi ni Teacher Rowan. Ang bagay na may apat na gulong. Nagmamadali akong makapasok sa likuran dahil naka-angat ito. Madali namang nag kasya ang katawan ko dahil maliit lamang ako na babae. Umandar 'yung sasakyan habang nakapulupot ako sa likod. Saan naman kaya ito pupunta?
Ang tagal kong nakapulupot sa likuran. Hindi ko na tuloy maramdaman ang dalawang binti ko dahil sa pangangalay ng mga ito. Maya-maya lang ay huminto rin ito at narinig ko ang babae na nag salita.
"Nandito na tayo... ang sagradong gubat." Tapos mga yapak nila ang narinig ko. Mga yapak na parang mga tuyong dahon ang dinadaanan.
"Sarado ang gate." Sabi muli ng babae.
"Mukhang mapapalakad tayo Captain." Inangat ko nang kaunti 'yung awang sa likod ng sasakyan para makita kung nasaan na kami. Mga naglalakihang mga puno at huni ng mga ibon. Nasa kagubatan nga kami.
"Magsimula na tayo at baka mas gabihin tayo sa daan." Sabi ni Master. Sa gilid sila dumaan na kakasya ang tao. Mabilis naman akong lumabas at sumunod. Saan kaya pupunta ang dalawang ito? Lumakas ang hangin at mga huni ng ibon. Nagbalik sa aking gunita ang buhay ng dagat napapaligiran din kasi kami ng gubat.
"Gusto kang maka-usap ng pinuno ng tribo, Sergio" Sabi ng babae. Pinuno ng tribo at nasa sagradong gubat kami.
"Odeth." Pinahinto ni Master ang babae na may pangalang Odeth sa paglalakad."
"Yes Captain?"
Lumingon si Master sa gawi ko. Nataranta ako at madaling nag tago sa malaking puno. Nakita niya kaya ako?
"Nakawala 'yung pusa ko." Napakunot noo ako sa sinabi ni Master. Pusa? May alaga ba siya?
Natigilan si Odeth sa pagsasalita at mga yapak naman ang narinig ko papunta sa akin.
"Captain nag-aalaga ka ba ng pusa?" Dinig kong tanong ni Odeth.
"Mag-aalaga pa lang." Sagot ni Master at nang laki ang mga mata ko nang makita siya mismo sa harapan ko.
"Bad kitten..." umiiling na sabi nito.
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Montague Series 3: Beauty in Naked |R18| On-going
General FictionWarning: Mature Content Dahil sa isang misyon, magugulo ang buhay ni Sergio sa planong pag-ampon sa isang dalagitang si Tonyang. Wala siyang pagpipilian nang mga oras na iyon nang ipagbilin ng ama ng dalaga ito bago tuluyang mamatay sa kanyang harap...